°°°°°°°°°°Dahil sa nakita ni Lolo Rene ang kakayahan ng kanyang apong si Andrea at ang gabay nitong puting kapre ay naengganyo siyang turuan ito para mailabas ang kakayahan nito sa panggagamot
Kaya dinala at isinama niya ito sa kanilang Isla, doon niya hinubog ang kakayahan ni Andrea
Ang ate Mira naman niya ay nagpatuloy sa ginagawa nito kaya nakapagpatayo na ito ng isang tindahan ng mga bulaklak sa bayan
May inampon din silang dalawang punsan nila dahil parehing namatay ng sabay ang mga magulang ng mga ito sa isang aksidente
Dahil nga sa may kaya ang pamilya nila ay sila na ang kumupkop sa mga iyon, pinag aral at tinulungan para makabangon muli mula sa pagdadalamhati
Iyon na ang naging kasama ng kanyang mga magulang, ate at kanyang lola
Kasama din kasi nila si Lolo Jose para mabilis niyang mahasa ang kakayahan at mabuksan ang kanyang ikatlong mata
"Apo mag iingat ka lagi," paalala ni Lolo Rene niya,"Lalo na sa nilalang na malaki ang pagkakagusto sayo,"
"Tama ang Lolo Rene, Apo," pagsang ayon ni Lolo Jose niya,"Mapanganib siyang nilalang, malaki ang pagkakagusto niya, kaya mag iingat ka sa mga taong mapagbalat-kayo,"
"Opo, tatandaan ko po iyan mga lolo," nakangiti niyang tugon sa mga ito,"Anong nilalang po ba siya?,"
"Malalaman mo kapag nagkaroon ka na ng taong mamahalin,"ani ni Lolo Rene,"Doon siya mag uumpisang magparamdam sayo, magpadala ng kung anu ano at higit sa lahat ay magtatangka na siyang magpakita sayo," paliwanag nito
"Kaya niyang gayahin ang itsura ng lalaking mahal mo, kaya maging mapanuri ka sa mga taong nasa paligid mo, ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo, Apo,"
"Tatandaan ko po iyan mga Lolo ko," sabay yakap sa dalawang matanda na humasa at tumulong para lunakas ang kanyang kakayahan at pisikal na pangangatawan
.
.
.
.
.
.
.
.
Lumipas ang araw, buwan at maraming taon, ngayon nga ay ganap ng dalaga si Andrea, nasa edad labing siyam na taong gulang na siya at nahasa na ang kanyang kakayahan sa panggagamot na sa batang edad ay marami ng alamNang mga panahong ding iyon ay patay na ang kanyang mga lolo, naunang namatay ang kanyang Lolo Rene, hindi nila malaman kung paano at bakit iyon biglang namatay
Ni walang sakit ang kanyang Lolo Rene, basta nakita nalang nila na isang umaga ay hindi na ito nagising, pansin nila na maaliwalas ang mukha nito at nakangiti pa ng bahagya na tanggap daw nito ang pagkawala sa mundong ibabaw
Labis labis siyang nasaktan dahil sa pagkawala ni Lolo Rene na naging malapit na sa kanya, lahat ay nagluksa pwera nalang sa mga nilalang na may galit sa kanyang Lolo na nagbubunyi, pero nangako siya na ipagpapatuloy niya ang nasimulan nitong laban
Makaraan lamang ang isang taon ng namatay si Lolo Rene niya ay sumunod naman ang kanyang pinakamamahal na si Lolo Jose
Tulad ni Lolo Rene ay malakas pa din ito at walang iniindang sakit sa katawan, kaya marami din ang nagtataka, pero ipinagpalagay nalang nila na dala ng katandaan kaya ito namatay
Kagaya ng kay Lolo Rene, ay hindi na din ito nagising isang umaga, maaliwalas ang mukha at tila nakangiti pa ito ng bahagya
Halos nahimatay noon ang kanyang Lola ng namatay ang kanyang Lolo, ganoon din ang kanyang ina, halos lahat sila ay nagluksa
Marami ang nakiramay sa kanila, lalo na ang mga kaibigan ng dalawang matandang manggagamot na galing pa sa ibang mundo, lagi nilang nakikita iyon tuwing gabi
Nakita na din nila ang mga iyon ng namatay si Lolo Rene nila, lagi naroroon ang mga kaibigan ng mga ito na diwata, mga duwende at ang mga gabay nila
Tanging ang asawa nalang ni Lolo Jose ang kasama nila sa bahay pati na ang dalawang pinsan niya na inampon nila
May sarili na ding pamilya ang kanyang ate Mira at nanirahan na ito sa kabilang Baryo na malayo sa kanila, tanging lima nalang sila ang nakatira sa bahay na iyon
Isang araw habang may ginagamot siya na isang matanda, ay may kasama itong isang matipuno at may magandang mukha na binata
Na unang tingin pa lang niya ay nahulog na kaagad ang kanyang loob, kasi palangiti ito at mukhang mabait na tao
"Apo," ani ng matanda
"Ako na po ang bahala," sagot niya, ginamot niya ang pilay ng matanda at ang pamamaga ng paa nito,"Nakaapak po kayo ng usang duwendeng puti, Lola,"
"Ano ang gagawin namin?," tanong ng apo nito,"Ako nga pala si Hernan,"pagpapakilala nito sakanya
Napapangiti ang matanda dahil sa ginawa ng apo nito
"Ah, Hernan," ani ni Andeng,"Mag alay lang kayo ng mga prutas, kendi, nilagang itlog at tubig mamayang ala sais ng hapon,"
"Salamat, Apo," ani ng matanda,"Ano nga pala ang pangalan mo?,"
"Ako po si Andrea o Andeng po," pagpapakilala niya
"Salamat, Andrea," ani ni Hernan bago sila tuluyang umalis sa kanyang harapan
Napapangiti nalang si Andrea, dahil panay ang tingin ni Hernan sa kanya habang papalayo ang mga iyon
Iyon na ang simula ng kanilang pagkikita nila ni Hernan
Naging magkaibigan silang dalawa at minsan ay dumadalaw iyon sa kanya sa bahay nila
Na di kalaunan ay niligawan na siya ni Hernan, boto ang kanyang Lola at Nanay sa bianta dahil nga sa mabait ito at magalang
Lagi silang pinagsisibak ng kahoy na panggatong, pinag iigib ng tubig sa balon at pinamamalengke pa kung minsan kaya nahulog ang loob ng kanyang Lola at Nanay sa binata
Kasa kasama niya din ito kung saan siya manggagamot, inaalalayan at pinagbibitbit ng kanyang mga dala
Malambing na tao si Hernan, maalalahanin, magaling magluto at higit sa lahat ay isang mapagmahal na tao lalo na sa mga matatanda
Ito ang laging nakaalalay sa kanya kapag nanggagamot siya sa bahay nila, taga abot ng kanyang kailangan at taga asikaso ng kanyang mga pasyente para hindi mainip ang mga iyon sa paghihintay
Siya ang taga aliw sa mga pasyente, taga bigay ng pagkain at maiinom kapag my nagugutom o nauuhaw
Ipinapakita lamang nito na karapat dapat ito sa kanyang pagmamahal at sa kanyang atensiyon
Masayang kausap si Hernan at unti unti ay nahuhulog na din ang kanyang damdamin dito
Nagbabalak na din siyamg sagutin ito kapag nakausap na niya ang kanyang Nanay at Lola, para humingi ng permiso na pumasok sa isang relasyon at pag ibig
.
.
.
.
.
.
.
.
ITUTULOY.....akiralei28
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
HorrorHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...