Chapter 30

637 37 2
                                    


°°°°°°°°°°

ANDREA'S POV

Ipinaalam ko na sa aking Nanay at Lola ang binabalak kong pagsagot kay Hernan, dahil halos dalawang buwan na siyang nanunuyo sa akin

"Nay, La," ani ko habang nasa sala kami at nakikinig sa radyo

"Ano iyon anak?,"tanong ni Nanay sa akin habang nakangiti

"May sasabihin ka apo ko?," malambing na tanong ng Lola ko

"Opo," sagot ko,"Tungkol po sana kay Hernan eh," nahihiya kong sabi

"Apo," nauna ng nag nagsalita si Lola,"Kung ang ipapaalam mo lang ay ang pagtanggap mo sa pag ibig ni Hernan, ang masasabi ko lang ay sige, sagutin mo kung mahal mo din talaga siya," nakangiti niyang turan sa akin

"Oo nga naman anak," ani ni Nanay,"Nakikita kong liligaya ka sa kanya, nakikita ko din na mahal na mahal ka niya, kung sasagutin mo siya ay bilis bilisan muna," sulsol pa nito sa kanya

"Umiibig na si bunso," kantiyaw ng dalawa kong ate sa akin na ikinangiti ko nalang

"Magpapahigop na ng sabaw sa susunod si bunso!," dagdag pa nila sa akin kaya napatawa nalang kaming lima sa kalokohan nilang dalawa, masaya ako at walang hadlang sa pagmamahalan namin ni Hernan at magiging ganap na kaming magkarelasyon

Pero ang inaalala ko ay ang mga binilin nila Lolo sa akin, na kapag nagmahal na ako at naging kami na ay doon lang magpaparamdam ang nilalang na nagkakagusto sa akin

Natatakot ako dahil alam kong kakaiba siya at makapangyarihan

Minsan ay may nararamdaman akong nakatitig sa akin pero hindi ko sita makita kahit na bukas na bukas ang aking ikatlong mata

"Lola, naaalala niyo po ba ang laging bilin at paalala nila Lolo sa akin?," tanong ko sa kanya, nakikinig lang sina Nanaya at ang dalawa kong ate

"Na magpaparamdam na ang nilalang na matindi ang pagkakagusto sayo?," tanong niya sa akin, na ikinatango ko nalang

"Anak," ani ni Nanay,"Hindi siya makakalapit sayo hanggat mataas ang Pananalig mo at Pananampalataya sa ating Panginoon, tandaan mo iyan,"

"Tama ang iyong, Nanay," pagsang ayon ni Lola,"Kailangan lang na manalig ka sa ating Diyos, manalig ka din sa pagmamahal ninyo ni Hernan, wala siyang magagawa kung puro at tunay ngang nagmamahalan kayong dalawa,"

"Salamat po sa mga payo ninyo,"ani niya na niyakap ang apat dahil sila nalang ang natitira niyang kapamilya
.
.
.
.
.
.
.
.
Araw ng Linggo

Sinundo siya ni Hernan para magsimba at mag ikot ikot sa bayan dahil iyon lang ang araw ng pahinga niya at wala siyang pasyente

Namasyal silang dalawa, nag ikot ikot, kumain at kung ano ano pa ang kanilang ginawa hanggang sa napunta sila sa isang pasyalan na kung saan ay ang magsing irog ang namamasyal

Nailang siya ng makita na magkakapareha ang mga taong nandoon, mga lolo at lola, mga mag asawa at mga magkasintahan

"Hindi naman tayo magkasintahan," ani ni Hernan na tila nahihiya,"Nakakahiyang magtambay dito at baka mailang lang tayo,"

"Hernan,"hinawakan niya ang dalawang kamay nito

Tinitigan din siya nito ng punong puno ng pagmamahal at pag galang

"Andrea, mahal na mahal kita,"bulong nito habang nakangiti

"Mahal na mahal din kita, Hernan,"tugon niya na ikanlaki ng mga mata nito, napaawang pa ang bibig nito dahil sa kabiglaan,"Oo na, sinasagot na kita, Hernan,"

"Woah, ahahahahaha!," iyon lang ang nasabi ni Hernan,"Sa wakas kasintahan ko na ang pinakamamahal kong si Andrea! Sinagot na ako ni Andrea! Ahahahahaha, mahal na mahal ko si Andrea!!," sigaw nito doon kaya napapalingon sa kanila ng mga magkakapareha at napapangiti sa kanilang dalawa

"Binabati namin kayo!," ani ng mag asawa na mga lolo at lola na, nakangiti ang mga iyon sa kanila

"Salamat, Mahal ko," ani ni Hernan,"Pangako ko ikaw lang ang mamahalin ko, hinding hindi ako magtataksik sayo at lalong lalo na hinding hindi kita sasaktan,"

"Mananalig ako sayo, Mahal ko," ganti niya habang hawak nila ang kamay ng isat isa

Matapos ay naupo sila at pinanood ang mga magkakapareha sa kanilang paligid

Ang mga nagagandahang halaman at bulaklak na napakarami ng bulaklak na namumukadkad doon

Nagtagal pa sila doon habang nagku kwentuhan at pinag uusapan nila ang kanilang mga pangarap
.
.
.
.
.
.
.
.
Sa Impyerno

"Aaaahhhhha!!! HIIINNNDIIII!!!," sigaw ng isa sa Pitong Prinsipe ng impyerno,"Akin ka lang Andrea!,"

Nagtinginaj ang anim na Prinsipe kasama ang ama nila na nakatingin lang din sa kanya

"Maaari ka ng makaayat sa lupa," ani ng ama nila na dumadagundong ang boses sa buong impyerno

"Paano, Ama?," tanong nito

"Ngayong umiibig na si Andrea,"sagot naman ng isa sa Prinsipe,"Magiging daan mo paakyat sa kalupaan ang kanyang pag ibig,"

Napatingin lang siya sa mga ito

"Magpanggap ka at gawin mo ang gusto mong gawin sa kanya para maanakan siya,"ani ng Ama nila

"Paano ko gagawin iyon?," takang tanong niya

"Makipagkaibigan ka! Makipagkilala at maging isang mabuting demonyo kahit sandali lang!," sigaw nito sa kanya kaya napayuko siya

Napatango nalang siya, takot siya sa kanyang Ama dahil baka masunog siya at mapatay nito ng paulet ulet

"Sa magiging anak nila ng mortal ay makakabuo ka ng kambal na anak, isang anak na magiging tagapagmana mo, pero isa sa kambal ang papatay sa anak mo, pero magkakaroon ka din ng isang anak kay Andrea, ang kaapu apuhan niya ang siyang magiging kahuli hulihang salinglahi niya na magiging daan para makalabas tayong lahat dito sa impyerno at masakop ang kalupaan at ang mga mortal," sabi ng kanyang ama sa kanya

Tumango lang siya at nagdesisyon na umakyat sa kalupaan at bantayan si Andrea, makipagkaibigan at ligawan ito o kung hindi naman ay akitin ito at makipagtalik din dito

Hindi siya papayag na maangkin ito ng tuluyan ng nobyong si Hernan

Nang oras ding iyon ay naghanda na siya at nagplano kung paano makakaakyat sa kalupaan ng walang nakakapansin sa kanya

Kailangan niyang maging mabuti at kagaya ni Hernan ay mapansin din siya ni Andrea

Gusto niya na siya ang maging ama ng kanyang anak kay Andrea, pero kailangan na magkaanak muna ang mga ito para maanakan niya bago siya mag aanak kay Andrea na siyang magiging susi at daan para makalabas ang kanyang ama at ang anim pang kagaya niya

Kailangan na ito na ang kahuli hulihang magiging anak ni Andrea, kailangan niyang patayin ang mga hahadlang sa kanyang plano
.
.
.
.
.
.
.
.
ITUTULOY

.....akiralei28

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon