Chapter 20

701 54 6
                                    


°°°°°°°°°°

Matapos malaman ni Ambo na nawawala ang batang si Gracia sapamamagitan ng gabay nito na isang duwendeng puti

Naghanda na kaagad siya ng oras na iyon para maabutan ang mga bihag na bata na handa ng ialay sa Pinunong Aswang ng mga iyon

Binilinan niya ang panganay na anak na sunduin ang magulang ni Gracia at samahan sa pupuntahan niya

Na agad naman sinunod nito kaya mabilis na silang umalis ng duwendeng puti

Wala naman siyang maaasahang tulong dahil nasa ibang lugar na ang kanyang mga kaibigan

Kaya siya nalang ang mag isang haharap sa mga ito kasama ang kanyang gabay na puting tikbalang at isang diwata ng liwanag

Sa kagubatan sila dumaan, sumakay siya sa tikbalang para mas mapadali ang kanilang pagpunta doon t walang makakakita sa kanila
.
.
.
.
.
.
.
.
Sa Tribu nina Cain

Abala ang lahat sa ginagawang pagdarasal at ritwal para sa pag aalay ng buhay ng mga bata sa kanilang Pinunong si Cain at sa kanilang sinasambang ulo ng hayop na kamukha ay isang demonyo

Ito ang demonyong ama ni Mark na ng mga panahong iyon ay kanang kamay ng kanilang Panginoong Diyablo, isinugo sa lupa para maghasik ng lagim

Magpunla ng kanyang binhi para sa pagpaparami ng lahing aswang at dugong demonyo sa kalupaan

Na kahit na ang mga Pari na galing sa ibang bansa ay walang naitulong para paalisin ang demonyong sumasanib sa katawan ng isang lalake para makipagtalik sa babae

O kahit ang demonyo mismo ay hindi nila mapalayas ng maaktuhan nilang nakikipagtalik iyon sa mga birheng babae na nasa paligid nito

Hindi pa noon naisisilang si Ambo kaya wala pang malalakas na albularyo o manggagamot ang kayang lumaban sa mga aswang na may dugong demonyo

Habang nakapikit si Cain ay ramdam niya ang paglabas ng itim na usok sa imahe ng demonyo na nasa harapan nila, tumingala si Cain at ibinuka niya ang bibig para matanggap ang bagong lakas at kapangyarihang ipinagkaloon sa kanya ng demonyo

Nasa di kalayuan naman ang kabiyak niyang si Iddah, na nasa kanan naman ang kanilang tatlong anak,

Ang panganay na si Kaddu, ang pangalawa na si Meicah at ang bunso na si Melinda na noon ay limang taong gulang pa lamang

Nakatingin lang ang kanyang pamilya sa kanya habang tinatanggap nito ang bagong biyayang ipinagkaloob dito ng kanilang Panginoong Demonyo

Hindi sila nagsasawang mag alay ng mga inosenteng bata o kahit mga nasa tamang gulang basta birhen ang mga iyon

Nakangiti si Iddah habang nakatitig sa pinakamamahal nitong kabiyak na kahit na marami na siyang nakikitang babaing aswang na nilalahian nito ay hindi siya naninibugho at nagagalit

Bagkus ay lalo pa niya itong minahal ng higit sa kanyang buhay, handa siyang mag alay ng buhay para lang mabigyan ito ng kasiyahan at dagdag na kapangyarihan
.
.
.
.
.
.
.
.
"Humanda na ang lahat para sa ating pagkain!," sigaw ni Cain matapos matanggap ang biyayang ipinagkaloob sa kanya ng Demonyo

Naging mabalasik na ang kanyang kaanyuan, lumaki ng mas doble ang matipuno niyang katawan

Tinubuan ng sungay ang magkabilaang bahagi ng kanyang noo na kahalintulad ng sa kambing

Ang tainga ay lumaki at naging dalawa ang bawat isa, mga ngipin na matatalas at pangil na kagaya sa mga bampira

Nagkaroon din siya ng buntot na tatlong dipa ang haba, may matulis sa pinakadulo na nagtataglay ng lason at kamandag

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon