Chapter 01

1K 56 3
                                    


°°°°°°°°°°

YURI LEIGH'S POV

Ilang buwan na ba akong ganito?

Baka nga taon na, hindi ko na malaman dahil simula ng mahimatay ako sa binyag ng anak ni Nena ay iniwasan ko na sila

Naguguluhan na kasi ako sa aking sarili, lalo na kapag napapalapit ako kay Khael, nalilito ang isip ko

Nandito ako ngayon sa silid namin ni Martha at nakahiga, halos dalawang taon na ang nakakalipas simula ng makapag tapos ako ng pag aaral

Puro nalang research ang inaatupag ko, sa mga napapanaginipan ko

Nalilito na ako at masakit na ang ulo ko, kaya iniwasan ko na muna sila maliban nalang kina Nena at Sister Janelle na talagang nakasama ko ng matagal at kakilala ko na

Napabangon ako ng may nadinig akong kumakatok, mukhang may bisita sila Tiyang ah

Kaagad kong ipinusod ang mahaba kong buhok at kaagad akong bumaba, dumiretso ako sa kusina para kumuha ng kape

"Nandiyan ba si Leigh?," nadinig kong tanong ng isang lalake, na kahit nakapikit ako ay kilalang kilala na ng puso ko

"Ate, si kuya Khael!," tawag nito sa akin, halos naibuga ko ang iniinom kong kape, dahil sinabi nitong nandoon ako, iniiwasan ko nga sila diba?

Pahamak talaga itong si Martha

Nakasimangot akong lumabas mula sa pinagtataguan ko

Salubong ang kilay na hinarap ko siya, kasama pa niya si Manuel na alanganin ang ngiti sa akin

"Pasok kayo," isa pa itong tiyahin ko, na kung makangiti ay wagas, halos kulang nalang hilain ang dalawa na nasa pintuan at ihatid sa upuan eh

"Upo muna kayo," ani naman ng tiyuhin ko, hay naku wala na ba akong kakampi sa bahay na ito?

"Sandali at ikukuha ko muna kayo ng maiinom," ani ng tiyahin ko sabay hila sa tiyuhin ko at kay Martha

"Kamusta kana, Leigh?," tanong niya sa akin habang nakatitig

"Kanina ok naman," sagot ko,"Ngayon parang hindi na, kasi naistorbo mo ako," pasupalpal kong sagot sa kanya, kaya napayuko nalang siya ng ulo habang tila nagalit sa akin si Manuel na sinamaan ako ng tingin

"Yuri," saway nito,"Hindi mo ba talaga siya naaalala?," may galit na tanong niya sa akin

"Siya ang dati kong classmate na wirdo," sagot mo,"At pamangkin siya ni Sister Janelle, that's all,"

"Yuri Leigh!!," sigaw ng tiyahin ko na ikinagulat ko naman

Padabog niyang inilapag ang tray ng inumin at pagkain, galit na hinarap ako nito na tila gusto akong lamunin ng buong buo

Inaawat naman siya ng tiyuhin ko at ni Martha, pero nabigla ako sa galit na ipinapakita niya sa akin

"Hindi mo ba siya nakikilala at naaalala ha?!," tanong nito sa akin, umiling lang ako,"Siya si Prinsipe Khael Moon ng lahing aswang at bampira, siya ang nobyo mo at pinakamamahal mo, pangalawa kay Tiyang Maria, na Lola mo!,"

Nanlaki ang mga mata ko sa nadinig, tinignan ko ang dalawang bisita ko, nakita ko sa mga mata ni Khael ang sakit, pait, pangungulila at higit sa lahat ang pagmamahal habang nakatingin sa akin

"Ma!," saway ni Martha,"Hindi niya pa naaalala ang lahat kaya wag mong biglain si Ate Yuri,"

"Tama lang iyan, Martha!," galit na sabi ng tiyahin ko,"Anim o pitong taon na ang nakakalipas pero hanggang ngayon ay wala pa siyang naaalala, kaya ipapaalala ko sa kanya ang lahat para naman maging masaya na siya at ang ating Prinsipe,"

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon