°°°°°°°°°°Sa Tribu nila Tata Tasyo
Nagbubunyi sila dahil nakasama na nila ang lahi ni Cain, tuwang tuwa ang mga aswang ng makita ang anak nito na siyang nag iisang nabuhay at ang kambal na apo nito
Lahat ay naghanda ng masarap na pagkain para sa mga iyon bilang tanda ng paggalang at pagtanggap sa kanila sa kanilang pagdating
Si Fhino naman ay kasalukuyang nagpapagaling at nagpapalakas dahil sa natamo nitong sugat sa huling laban nila ni Khael
"Kailangan natin ng tulong ni Prinispe Asmodues," ani ni Cain na nakatingin kay Fhino, alam niya na humina ang kapangyarihan nito dahil sa natamong sugat at pagkaputol ng braso nito
"Paano?," tanong ni Lucio sa ama
"Kailangan natin mag alay ng birhen sa kanya, iyon lang ang paraan,"ani ni Cain sa kanyang anak,"Tata Tasyo magsugo ka ng mga kalahi natin na kayang kumuha ng alay,"
"Masusunod, Pinunong Cain,"yumuko pa ito bilang tanda ng pagsunod at paggalang dito
Matapos tumango si Cain ay umalis na si Tata Tasyo para maghanap ng mga malalaka sna kalahi para magtungo sa Nayon at mga Baryo pra maghanap ng maiaalay sa sunod na gabi
Pinapasok kaagad ni Cain ang kambal at ang kanyang anak,pinagpahinga niya ito gayundin si Fhino dahil nanghihina na ito ng mga oras na iyon
Alam ni Cain na malakas ang Prinsipe ng mga aswang kahit na nasa anyong bampira iyon
Alam niyang kadugo din niya ito at galing sa lahi ng kanyang tiyuhin na tumalikod sa kanilang tradisyon na pagkain ng karne ng tao at pg inom ng sariwang dugo
Hindi siya papayag na ang lahi ng mga ito ang magtagumpay at makapuksa sa kanyang lahi
Kaya kahit na ayaw niyang makipagsanib pwersa sa mga demonyo ay gagawin niya para lang lumakas silang lahat
.
.
.
.
.
.
.
.11p.m,
Habang tahimik at tulog na ang lahat sa buong Baryo, ilang mga anino ang pababa mula sa kabundukan
Mga anino na nasa anyong tao, palinga linga habang tinatanaw ang buong kapaligiran, kung saan wala na halos katao tao sa lansangan, napangisi sila ng masiguradong namamahinga na ang mga taga Baryo
"Tara na!," utos ng pinakapinuno ng kanilang grupo
"Opo,"tugon ng mga kasama nito
"Mabilisan lang tayo," matapos sumang ayon ang kanyang mgakasama ay agad silang nagapalit ng kanilang kaanyuan ng sabay sabay
Mula sa payat at tuyot nilang balat, na ngayon ay tila na naligo na sa isang drum ng langis
Umusli ang kanilang nguso na kagaya sa isang aso, tumutulo angb malapot nilang mga laway, nagbabaga sa pula ang kanilang mga mata, ang mga kamay ay nagkaroon ng matutulis at matatalas na mga kuko
Ganoon ang sa paa nila, mahahalintulad sila sa mga aso, lumaki ang kanilang mga tainga na lalong tumalas ang kanilang mga pandinig,
Kahit na kahalintulad na sila ng sa aso, ang kaibahan lang ay wala silang mga balahibo at buntot
"Sugod!," pagbibigay ng hudyat ng kanilang pinuno
Umalulong ang mga kasama nito bago humanda sa paglusob sa buong Baryo
Sumasangising sa bagsik at gutom ang mga aswang habang papasok sa loob ng Baryo
Bawat madaanan nilang kubo ay kanilang pinapasok at sinisira, kinakain ang maabutan sa loob ng kubo ng Baryo
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
KorkuHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...