Chapter 15

912 71 20
                                    


°°°°°°°°°°

Dahil sa pangyayaring iyon ay naniwala na sila at nagtiwala kay Ambo lalo na sa kakayahan nito

Napalapit na din ang loob nito sa dalagang kapatid ng biktima ng aswang na si Deleilah

Naging matalik silang magkaibigan at habang tumatagal ay nahuhulo n ang loob ng binata kay Deleilah

Isang hapon, habang papauwi silang magkakaibigan, kasama si Deleilah, galing sila sa kabilang Baryo para maki piyesta ng araw na iyon

"Bilog ang buwan," ani ng isang kabigan ni Ambo,"Mukhang mapapalaban tayo,"

"Saan?," takang tanong ni Deleilah

"Sa tubuhan," sagot ni Ambo,"Kanina pa may sumusunod sa atin,"

Napatigil bigla si Deleilah at napatingin sa paligid, halatang kinakabahan iyon

"Ambo," anas nito

"Huwag kang mag alala,"ani ni Ambo,"Nandito kami para para ipagtanggol ka,"

Kumapit naman bigla si Deleilah ng makadinig sila ng huni ng wakwak sa di kalayuan

"Maghanda na tayo," ani ng isa pang kaibigan nito,"Magkarga na tayo ng mga dasal at ihanda ang dala natin,"

Tumango nalang sila habang umuusal ng kanya kanyang orasyon at inihanda ang kani kanilang mga sandata para makipaglaban

"Malapit na tayo sa tubuhan," sabi ng ikatlong kaibigan ni Ambo

Sa magkabilaang daan nila ay puro taniman ng tubo at sa unahan naman ay maisan bago makarating sa bungad ng kanilang Baryo

"Dito ka sa gitna, Leila," ani ni Ambo sa palayaw ni Deleilah

Pinagitnaan nilang lima si Deleilah para protektahan ang dalaga sa panganib bago nagsimulang maglakad sa gitna ng tubuhan

"Ambo, ikaw na tumabi kay, Leila," ani ng pang apat,"Kaming dalawa dito sa likuran, at silang dalawa sa harapan, diyan kayo sa gitna ni Leila,"

Tumango silang apat dahil sa sinabi nito, tumango at sumang ayin naman ang lima sa sinabi nito

Kaagad silang pumuwesto at naghanda dahil ng mga oras na iyon ay papasikat na ang bilog na buwan

Nasa kalagitnaan na sila ng mahabang daan ng makarinig sila ng malalakas na pagaspas ng pakpak sa uluhan nila

At pansin nila ang mga dahon ng tubo ay sumasayaw sa malakas na hangin na wala namang bagyo

"Maghanda na tayo," bulong ng dalawang nasa harapan, inilabas na ang mga gulok na hinasa nila at napaka talim kung titignan

"Handa na kami dito," ani ng dalawa n nasa likuran

"Kami din," ani nina Ambo at inayos ang mga gulok at itak

Mabilis silang naglakad habang palingon lingon at nagmamasid sa buong kapaligiran

"May dalawang aso sa harapan, mga 'tol," ani ng nasa unahan nila,"Mukhang inaabangan tayo,"

"May tatlo pa sa likuran," ani ng isa na nasa likuran,"Papalakad na papalapit sa atin,"

"Mukhang papaikutan na nila tayo," ani ni Ambo na panay ang usal.ng orasyon at iniihip sa kanyang gulok,"Leila, heto at hawakan mo," sabay bigay ng isang itak sa dalaga

Tumango naman si Deleilah habang inihahanda din ang itak na bigay ng binata, inihanda na niya ang sarili para ipagtanggol sa mga kalaban nila na alam niyamg hindi naman iyon ordinaryong aso

"May tatlong manananggal sa itaas," ani ni Deleilah,"At papasugod na sila,"

"DAPA!," sigaw ni Ambo sa lahat ng makitang sinugod na sila ng tatlong manananggal para dagitin

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon