°°°°°°°°°°THIRD PERSON'S POV
Duguan na si Amang Gannu ng mga sandaling iyon habang nakangising pinagmasdan ito ni Asmodeus
"Mga mahihinang nilalang!," sigaw nito sabay patay sa tatlong taong lobo na kaharap nito
Gumulong ang ulo ng mga ito sa paanan ni Amang Gannu, kaya npaiyak nalang siya dahil sa sinapit ng kanyang nasasakupan
Nakahiga na siya sa lupa at puno ng sugat ang buong katawan niya, nasa di kalayuan ang kanyang asawa na nakapikit at wala na ding malay tao
Punong puno na din iyon ng dugo at sugat sa buong katawan kaya alam niya anumang oras ay mamamatay na din iyon kapag naputulan ng ulo ng demonyo
Inilibot niya ang kanyang paningin, patuloy pa din na lumalaban ang kanyang mga kalahi kahit na sugatan na ang mga iyon at nanghihina na din
Marami ng nagkalat na katawan sa kanilang bakuran at halos lahat ng iyok ay sa mga taong lobo
Tumingala siya sa buwan at humingi ng tulong, para sa kanilang kaligtasan
"Hindi darating ang Hari ng mga engkanto!," ani ni Asmodeus,"Maging sila ay lumalaban din sa ngayon, nandoon din ang isa sa amin at titiyakin namin na matatalo kayong lahat!,"
Napapailing nalang si ang Gannu dahil sa nadinig, alam niya pinlano iyon ng pinuno ng mga ito na paghiwa hiwalayin na lusubin silang lahat
Para hindi makatulong ang mga iyon, para manalo sila sa digmaang iyon at masakop ang sangkatauhan
"Heto na ang katapusan ng lahi niyong mga lobo!," ani ni Agatha sabay dukot ng puso ng kalaban nito at agad sinubo ng buo
"Ubusin niyo silang lahat!," utos ni Lucio sa mga hayok na hayok na demonyong aswang
Nagpalit din ng kaanyuan ang kambal, mula sa simple pagiging aswang ay naging kalahating demonyo ang mga iyon
Naging dalawa ang bawat ulo ng mga ito na ang isa ay sa demonyo at ang isa ay sa tigre na nag uuslian ang kani kanilang mga pangil at tumutulo pa ang mga malalapot na laway na may kakaibang amoy
Ang luntiang kapaligiran ay nabahiran ng pulang dugo ng mga taong lobo at ng mga aswang na napatay nila
Ang magagandang kulay ng bulaklak ay halos naging pula na ang lahat
Sira sira na ang bawat kabahayan sa loob ng Baryo nila Amang Gannu, pinapasok kasi iyon ng mga aswang para lang lipulin silang lahat
Ilammg sandali pa ay halos natalo na sila ng mga iyon
Nakaluhod sila sa harapan ni Asmodeus, handa na para putualn ng ulo at ipakain sa mga gutom na aswang na nasa paligid nila
"Heto na ang katapusan ninyo!," sigaw ni Lucio, iniaa na ang mga kuko at handa na iyonh ibaon sa dibdib ng Amang lobo
"Aaahhhhh!!!," sigaw ng isa sa kambal bago napugutan ng ulo, gumulong ang ulo niyon sa paanan ni Lucio
"Sinong lapastangan ang pumatay sa pamangkin ko?!," galit na sigaw ni Lucio
"Ako!," ani ng isamg tinig
"V-Vince a-anak?!," gulat na sambit ni Amang Lobo ng mapagsino ang bagong dating
"Pasemsiya na Ama at medyo nahuli kami ng dating,"ani ni Anthony sabay ngiti
Nandoon din sina Kate, Megan, Gwen at ang ilan pa nitong kaibigan maliban kay Akira na nagdadalang tao at nasa kaharian siya kasama ang kambal
"Kami din kaibigan,"ani pa ng isang boses na galing sa kagubatan
"Rex?!," gulat na bulalas ni Amang Lobo na kababakasan ng pag asa sa mukha nito maging ang ilang kasama nitong bihag
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
HorrorHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...