°°°°°°°°°YURI LEIGH'S POV
Sino kaya ang Lola Andeng na tinutukoy ni Akira?
Talaga bang kamukha ko siya?
O kamag anakan namin siya o ninuno?
Pero imposible naman iyon, kasi walang nababanggit na ganoon sila Tiyang at Martha
Baka kahawig ko lang kaya napagkamalan niya ako iyon
Saka sabi niya matagal ng panahon na patay iyon, pero hindi naman niya sinabi kung ano ang ikinamatay ng Lola Andeng na iyon?
Hay sakit sa ulo, kailan ba matatapos ang probelema ko
Saka iyong mga aswang, akala ko ba natalo na silang lahat?
Pero bakit may mga buhay ba?
"Lalim ng iniisip natin ah," puna ni Nena sa akin, tinabihan niya ako
Napabuga nalang ako ng hangin sabay harap sa kanya
"May problema ba, Leigh?,"
"May ikukuwento sana ako sayo," ani ko sabay tingin sa labas ng binatan
"Seryoso yata iyan," pabiro pa niyang sabi sa akin
"Noong nakaraang araw, pumunta ako sa kagubatan para maghanap ng mga halamang gamot," pag uumpisa ko,"Tapos may nakita akong isang babae at higit sa lahat ay tatlong aswang na nasa anyong baboy ramo," tinignan ko reaksiyon niya
"Aswang ba kamo?," tanong niya
"Oo," tugon ko,"Akma ng sasagpangin iyong babaing nagpakilalang Akira sa akin, tinulungan ko siya at pinatay ang tatlong aswang,"
"Sino namang Akira iyon?,"
"Hindi ko din kilala," ani ko,"Taga Baryo Masapa daw sila nakatira, tapos noong makita niya ako niyakap niya ako at tinawag na Lola Andeng, kasi kamukhang kamukha ko daw iyong Lola Andeng niya,"
Napatitig lang si Nena sa akin na tila iniisip ang mga ikinuwento ko sa kanya, napapakunot noo pa siya habang tila nag iisip
"Baka ikaw nga iyong Lola Andeng na tinutukoy niya na nabuhay muli pagkatapos ng ilang taon? Matagal na daw ba patay iyon?,"
"Oo, matagal ng panahon na namatay iyon," sagot ko,"Bago pa daw namatay iyong si Akira ay patay na si Lola Andeng, tapos ngayon isinilang ulit siya at nasa limampu na ang edad niya pero parang bata pa kung titignan,"
"Teka teka!," awat niya sa akin,"Sabi mo sabi niya namatay na si Lola Andeng bago pa siya namatay at isilang ulit? Tama ba pagkakadinig ko sa sinabi mo?,"
"Oo," sagot ko,
"So ibig sabihin nagkaroon siya ng ikalawang buhay at ngayon sinasabi niya na ikaw si Lola Andeng na nabuhay sa henerasyon natin?,"
"Ganoon na nga," sagot ko
"Baka may kinalaman ka o kaya ay ninuno mo iyong si Lola Andeng?," tanong niya sa akin
Napahilamos nalang ako ng mukha dahil sa sinabi niya sa akin
"Saan ko naman iyon mahahanap?," tanong niya sa kaibigan
"Magtanong ka sa tiyang mo," suhestiyon niya sa akin
Napabugtong hininga nalang ako bago ngumiti ng pilit sa kanya
Tinapik nalang niya ang balikat ko bago ako nagpaala na uuwi na muna, tutal wala naman ang mga kaibigan namin doon at si Khael
.
.
.
.
.
.
.
.
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
HorrorHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...