°°°°°°°°°°Sa Kaharian ng mga Engkanto
Bago ang pagdating nina Beelzebub, Fhino, ang asawa ni Cain kasama ang dalawang anak nito at si Miranda
May kasiyahan sa kanilang kaharian dahil sa pagsilang ng kambal na anak ni Shane sa kanyang asawang Engkanto
Ito ang ikalawang anaka nina Shane ng mga panahong iyon, nandoon din sina Gudo at ang mga maharlikang Engkanto
Nasa simpleng kaanyuan si Rohan ng pagiging Engkanto, wala ang kanyang siyam na puting buntot at hindi puti ang kulay ng kanyang buhok na mahaba
Nasa tabi naman nito ang magandang si Akira na noon ay nasa pitong buwan na ang ipinagbubuntis nito
Masaya ang buong kaharian dahil sa selebrasyong iyon, walang pasidhan ng kaligayahan sina Shane at Blaze dahil nagkasama sama na naman ang buo nilang pamilya ng araw ding iyon
Nasa kalagitnan sila ng kasiyahan ng biglang dumilim.ang kapaligiran, namatay ang mga halaman at ang mga fairies na ngsasaboy ng fixie dust sa mga bulaklak para dumami ang mga iyon at sa mga maharlikang Engkanto na naglalakad sa aisles
Nasira ang barrier na inilagay ng ama ni Rohan ng may bolang apoy na sumabog mula sa itaas
Nagralsikan ang apoy niyon kaya may mga natamaang engkanto, diwata at engkantada sa tapat at sa di kalayuan
Namatay agad ang mga iyon lalo na kung mababang uri lang sila ng mga nilalang
Naghanda na sina Gudo kasama ang ilang mga kaibigan niya, pinaikutan nila ang palasyo para walang makapasok sa loob
"Dito mga anak!," sigaw na tawag ni Akira sa mga anak, kasama ang asaqa ng dalawa at mga anak ng mga ito
"Magsama sama kayo sa loob,"utos ni Rohan,"Blaze, anak ikaw na muna ang bahala sa Mama mo, sa kakambal mo at sa mga bata h," bilin nito sa anak nila
"Opo, Papa,"tugon nito,"Basta mag iingat ka din po,"
"Oo,"tugon nito, matapos halikan ang anak na kambal, mga apo ay hinalikan niya sa labi si Akira bago dinala sa tagong silid na silang mag aama lang ang nakakaalam at kung saan sila ligtas sa mga ganitomg digmaan
Laagad na kinuha ni Rohan ang kanyang espada na gawa sa kidlat at luha ng kanyang Inang Engkatanda, ay lumabas na siya ng palasyo para tumulong at ipagtanggol ang lahat
Nanlaki ang kanyang mga mata ng makitang napakalaki na ng pinansalang natamo ng kanilang mundo at kaharian
Marami ng namatay na mga mamamayan niya at ang buong paligid ay kulay itim
Patay na din ang lhat ng halamang nabubuhay, ang lupa ay natuyo at ang mga ilog ay natuyo din dahil sa init
Ang mga isda ay nangitim at ilang sandali pa ay naging buto at tinik nalang iyon, kagaya ng mga alagang hayop na kasama nila sa kasiyahang iton
"Kamahalan!," ani ni Gudo,"Kasama nila ang isa sa pitong Prinsipe ng impyerno! Nandito po si Beelzebub at ang kapatid ni Apollo,"
"Nagbalik sila para lipulin nila tayong lahat?," ani niya
"Hindi lang po tayo ang nilulusob nila, Kamahalan,"dagdag pa ni Gudo,"Una nilamg nilusob ang Baryo ng mga taong Lobo, kasabay ng paglusob nila dito, ganoon din sa kaharian nila Haring Karry sa sa mundo ng mga mortal!,"
"Pinagsabay sabay nila.ang paglusob peroagkakahiwalay para hindi tayo makatulong, para madali nilang malipol ang sangkatauhan at maging tayo,"
"Kailangan po natin lumaban, Kamahalan,"ani ni Gudo
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
HorrorHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...