°°°°°°°°°°Bata pa lang si Andrea ay kakakitaan na ito ng kakaibang ganda at taglay na malakas na karisma sa mga kalalakihan
Bibong bata si Andrea, maputi ito at palangiti kaya marami ang nanggigigil at nagigiliw sa kanya
Dalawa lamang silang magkapatid, na parehong magagandang bata, pero marami ang pinagkaibihan nilang dalawa lalo na sa kanilang kakayahan
"Ang gandang bata," ani ng isang matanda na dayo sa lugar nila,"Napakalusog at napakakinis naman niya,"
"Buyag po, Lola,"ani ng Nanay ni Andrea, sabay ngiti
"Kakaiba siya," biglang sabi nito na naging seryoso,"Ingatan niyo siya na makuha ng isang nilalang na gustong gusto siya,"
Nagkatinginan naman silang mag asawa, napatingin din ang nakatatandang kapatid ni Andrea sa bata na noon ay labing dalawang taong gulang pa lamang
"May gabay siya," sabay haplos sa ulo nito,"Isang Puting Kapre, kasama na niya ito simula pa ng isilang siya,"
Tinignan nila si Andrea na noon ay nakangiting nakatingin sa di kalayuan
"Napaka swerteng bata,"ani pa ng matanda,"Sa inyong mga kalahi, may mga magaling bang manggagamot o Babaylan?,"
Nagkatinginan silang mag asawa na parehong nagtatanong sa isat isa
"Ang aking lolo," ani ng Ama ni Andrea,"Kilala siyang isang magaling na manggagamot o Babaylan sa kapanahunan nila,"
"Ano ang pangalan ng iyong lolo?,"
"Si Ka Ambo,"sagot nito
"Si Ambo,"ulet nito na napangiti,"Ang aking magaling na tagapagturo, kamusta na siya?,"
"Isang taon na ho siyang namayapa," sagot nito na ikinalungkot ng kausap nila,"Hindi niya kinaya ang katandaan at ang sakit na biglang dumapo sa kanya," paliwanag nito
"Hindi niya mapapagaling ang sarili niya o kahit sinuman sa kanyang mga kaanak o kadugo,"
"Ho? Bakit po?," takang tanong nito
"Dahil mas inuna niya akong sagipin noon at buhayin," sagot ng matanda,"Nagsisimula pa lang siyang manggamot noon, nag eensayo at nagpapalakas, isa siyang napaka galing na Babaylan sa kapanahunan niya, isang makisig na lalaking mayroong masayang pamilya,"
Malungkot na tinitignan nila ang matamda habang nakangiti na tila nangangarap ng mga sandaling iyon
"Mas bata pa ako sa anak mo," sabay turo kay Andrea,"Anim na taon ako noon ng muntikan na akong makain at maialay ng mga aswang. Ako nga pala si Lola Gracia,"
.
.
.
.
.
.
.
.
ANG NAKARAANG......Binata pa lamang si Ambrocio o Ambo ng matuklasan nito ang kakayahan na manggamot, makakita ng kung ano anong elemento at makaramdam ng panganib
Noong una ay hindi siya pinapaniwalaan ng kanyang mga magulang dahil nga sa isa siyang suwail na anak ng mga panahong iyon
Kumbaga sakit ng ulo dahil sa palaging taong barangay ito, kasama ang mga kababata na ang ilan ay kagaya nito na may mga kakaibang kakayahan na hindi pinaniniwalaan ng kani kanilang pamilya o kaanak
Naging lasenggero, basagulero at pasaway ang tingin sa kanila lalo na noong naging mga binata na sila
Walang kaalam alam ang mga kapamilya nila na habang dumadaan ang panahon ay nahahasa ang kakayahan nito maging ang mga kababata nito
Isang araw, nabalitaan nilang namatay ang isang bata na kalugar nila kaya sumama si Ambo na makipaglamay sa mga iyon kasama ang mga magulang at kapatid
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
HorrorHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...