°°°°°°°°°°MIRANDA'S POV
Nag uumpisa pa lang ako
Humanda kayo sa paghihiganti ko sa pagpatay ninyo s amga kalahi ko at sa pamilya ko
Hindi ako papayag na maging masaya ka Yuri, lalo na at malaki ang kasalanan mo sa akin
Una nagtagumpay kayo na mapaslang ang aming Hari at ang kanyang pamilya maliban nalang kay Prinsipe Fhino na ngayon ay nagpapagaling na
Kailangan ko din makausap ang aking ninunong si Lolo Cain para makahingi ng tulong
Pero uunahin ko muna na sirain ang relasying ninyong dalawa, hindi ako papayag na maging masaya ka kay Khael
Habang ako nagdurusa at nangungulila sa aking mga magulang
Kailangan ko puntahan si Lolo Cain, para maipaalam na may buhay pa sa kanyang pamilya
Bago ako kikilos para sirain kayong dalawa ni Yuri
"Anak,"ani ni Nanay Susan, ang nag iisang babaing nag alaga at umampon sa akin,"Ano man ang pinaplano mo ay handa akong suportahan ka, nasa tabi mo alng ako lagi,"
"Salamat po, Nay,"tugon ko,"Kailangan kong makioagkita kay Lolo Cain, para makahingi ng tulong sa kanya,"
"Nasa Baryo Masapa sila nakatira,"ani ni Nanay Susan sa akin,"Nasa kabundukan sila nakatira, isa din iyong munting Baryo o Sitio,"
"Pupuntahan ko po sila bukas ng gabi, Nay,"
"Oo para makilala ka din niya,"tugon niya,"Ikaw ay isa sa apo niya sa kanyang anak, kaya may karapatan kang lumapit sa kanya at umanib,"
"Laban natin ito, Nay,"ani ko sabay yakap sa kanya
Matapos namin makapag usap ay pumunta na kami sa silong ng aming bahay para kumain ng hapunan
Maraming banga ang nakaimbak sa silong ng aming bahay, mga banga na naglalaman ng aming pagkain sa loob ng isang linggo
Mga karne ng tao lalo na ng mga bata, na siyang gusto gusto namin kainin lalo na ng aking Nanay
May inuutusan kaming tao para manguha at maghanap ng aming pagkain sa loob ng isang linggo kaya hindi kami nahihirapan pa na lumabas at maghanap ng makakain kapag susumpungin kami ng pagkagutom
.
.
.
.
.
.
.
.
Sa Tribu nina Tata TasyoAlas diyes ng Gabi
Ito ang araw na napagpasyahan ni Miranda na puntahan ang Tribu kung saan nakatira ang kanyang Lolo Cain at ang iba pang lahing aswang
Gamit ang kakayahan bilang aswang ay nakarating siya doon ng walang kahirap hirap
Natagpuan niya ang munting Sitio na ito sa pinaka gitna ng kagubatan na ng mga sandaling iyon ay nasa labas lahat ng mga aswang at nakapaikot sa apoy at nagsasaya
Agad siyang nagpasya na bumaba ay magpakilala sa mga iyon, nasa anyong uwak siya, para hindi siya mapansin ng kahit na sino lalo na ng mga tao
"Magandang Gabi sa inyong lahat," bati niya sabay palit ng kanyang kaanyuan bilang tao
"Ano ang ginagawa mo dito?," tanong ni Tata Tasyo ng makita siya sa harapan nito,"Sino ka at ano ang kailangan mo?,"
"Ako po si Miranda,"pagpapakilala niya sa matanda,"Narito ako para makita at makausap si Pinunong Cain ninyo,"
"Ano ang kailangan mo sa akin, aswang?," tanong ni Cain na mula sa kanyang likuran,"Sino ka at paano mo ako nakilala?,"
Humarap si Miranda sa kanyang likuran para makita at makilala ang kanyang Lolo Cain na siyang lumikha sa kanilang mga aswang
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
HorrorHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...