Chapter 133

455 40 2
                                    

A/N

Mahirap po kasi gumawa ng mga action scene lalo na kapag nawala ang mga naunang nagawa na?

Hirap po ulitin lalo na kung ang isip mo nasa ending na😂😂😂😂

°°°°°°°°°°

Third Person's POV

"Yuri may mga aswang na doon sa may malaking silid!," sigaw na tawag ni Ace sa kanya,

Nilingon niya iyon at nakita niyang papunta na ang ilang aswang doon sa malaking silid

Kaagad niyang tinapos ang mga nasa harapan niya bago tumakbo papasunod sa mga aswang papunta sa malaking kwarto

Nang maabutan niya ang mga aswang na akma ng sisirain ang pintuan ng malaking kwaryo ay agad niyang hinila ang buhok ng mga ito at inihambalos sa sementong sahig ng kombento bago pinugutan ng ulo

Nagmistulang halimaw na ang itsura ni Yuri dahil napuno na ng dugo ng mga aswang ang kanyang katawan at mukha

Seryoso niyang hinarap ang mga aswang na nasa loob, habang hindi siya kumikibo, naiinis at nagagalit na siya dahil sa pagod at gutom.na nararamdaman

Makalipas lang ang halos sampung minuto ay napatay na niyang lahat ng mga aswang na nakapasok doon sa loob ng kombento

"Wala na po ba kayong ibang matataguan?," hinihingal niyang tanong ng makasiguradong patay na ang lahat ng mga aswang

Pasalampak siyang napaupo sa semento, habang pinupunasan ang mga dugong nagkalat sa kanyang mukha at katawan

"May basement ang simbahan ,"ani ni Father Ramon,"Doon ang daanan ilalim ng altar,"

"Kakasya po ba silang lahat doon?," tanong niya,"Saka babalikan ko ang mga kasama ko sa labas, tapos papatayin pa namin ang mga aswang naandoon,"

"Sige kami ng bahala sa kanila,"ani ni Father Jose sabay tango,"Mag iingat kayo mga anak. Gabayan nawa kayo ng ating Panginoon,"

"Salamat po, mga Father,"sabay ngiti niya, tumayo na siya makalipas lang ang ilang minutong pagpapahinga para balikan ang kanyang mga kaibigan sa labas ng kombento

"Kami ang dapat magpasalamat sa inyo,"ani ni Sister Josefa,"Kung hindi dahil sa inyo ay malamang patay na kaming lahat ngayon,"

"Ayos lang po, Sister,"ani niya,"Kailangan na masigurado po natin na walang aswang sa loob ng simbahan, titignan po namin saka ko po kayp babalikan kaagad,"

"Sige, anak, mag iingat kayo,"ani ni Father Ramon

Tumango lang siya habang nakangiti, halata na din ang pagod niya

Kaagad sinaraduhan ang bintana na kanyang nilabasan para hindi na mapasukan ang mga aswang na nag aabang lang ng pagkakataom para makapasok ang mga ito sa loob
.
.
.
.
.
.
.
.

Samantala sa Labas

Napapaluhod na sina Bryan, Kevin, Manuel, Ivan at Jade dahil sa tama ng mga kalmot ng mga aswang sa kanilang katawan

Pati na din ang mga kaibigan niyang babae ay napapaluhod na din dahil sa pagog, gutom at pagkaantok na nararamdaman

Iyon ang tagpong naabutan ni Yuri ng mkalabas siya sa kombento

"Guys, kaya niyo pa ba?,"tanong niya habang papatakbong papalapit siya sa mga ito

"Hindi na!," sigaw ni Aira,"Mamatay na kami!,"

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon