Chapter 81

530 43 7
                                    

A/N:

Hello po, kamusta kayo?👋👋👋

Mag update na po ako😂😂😂😂

Hirap po gumawa ng mga action scene kaya natagalan po ang update ko🤗🤗🤗🤗

So enjoy and hope you like it🙏🙏🙏🙏🤗🤗

°°°°°°°°°°

THIRD PERSON'S POV

Habang nakapikit ang kanyang mga mata,

Pakiramdam niya ay mamamatay na siya anumang oras dahil nanghihina na ng kanyang pakiramdam

Nadidinig pa niya ang mga ingay sa kanyang paligid maging ang pagtawag sa kanya ng kanyang mga kasama, pero hindi na siya makatugon sa mga ito

"Ate Yuri, ayos ka lang ba?," nag aalalang tanong ni Ramil sa dalaga,

"Yuri, kaya mo yan,"ani ni Nena

Duguan kasi siya at halos maraming galos ang natamo niya sa kanyang katawan, kitang kita nila ang panghihina niya

"Yuri! Yuri! Yuri!," kuro ng mga kaibigan niya

"Ate Yuri! Ate Yuri!," nahintatakutang sigaw ni Ramil, habang unti unti niyang nararamdaman na nawawalan na siya ng malay

Nataranta ang kanyang mga kaibigan ng hindi na siya sumagot sa mga tawag ng mga ito at natumba na ang kanyang katawan mula sa pagkakaupo at pagkakasandal

"Sir, bilisan niyo po!," ani ni Trina,"Kailangan na magamot na ang aming kaibigan, marami ng dugo ang nawawala sa kanya!,"

Nataranta namang binilisan pa ng nagmamaneho ang trak nila, habang nakatingin ang mga sundalo sa kanila at sa dalagang wala ng malay tao

"Ate Yuri! Ate Yuri!," tawag ni Ramil

"Yuri! Yuri!," tawag ng kanyang mga kaibigan sa pangalan niya na labis na nag aalala sa kanya

"Nasaan na ba si Khael?," ani ni Sister Janelle habang nag aalala sa kaibigan nila na nasa harapan nila, na halos hindi na siya gumagalaw

"Darating din sila, Tita,"ani ni Aira habang nakatingin sa kaibigan,"May sugat si Yuri, Tita,"

Noon lang nila napansin na duguan din ang magkabilaang braso niya, na dulot ng pag atake ng mga aswang

Agad na silang dinaluhan ng mga sundalo, para mabigyan ng paunang lunas ang mga sugat ni Yuri

Nang magawa na ng mga itong malinis ang mga sugat sa braso ay doon lang nila nakita na kung gaano kalalim ang mga iyon

"At kung magpapatuloy ang pagdugo ng mga sugat niya,"ani ng sundalong naglilinis sa braso ni Yuri,"Ay baka mas lalong lumala ang kondisyon niya, kaya kailangan na siyang magamot kaagad,"

"Mabuti nalang at agad tayong nakatakas sa pag atake ng mga aswang kanina,"ani pa ng isang subdalo na tumutulong sa pag lilinis sa sugat ni Yuri

"Buti nalang at natamaan natin ang mga lumilipad na mga aswang kanina,"singit pa ng isa na nakaupo

"Lalo na po ng mga sumusunod sa atin,"ani ni Kevin,"Kaya nagawa po natin na makalayo kaagad,"

"Pero hindi lang po doon natatapos ang ating mga problema at suliranin,"ani naman ni Bryan,"Kailangan po talaga natin maidala ang kaibigan namin sa pinakamalapit na ospital para magamot,"

Habang inaasikaso ng dalawang sundalo si Yuri

Ay nakuhang bigla ang kanilang atensiyon ng handheld transciever ng isa sa mga kasama nila,

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon