Chapter 26

639 40 3
                                    


°°°°°°°°°°

Tribu ng mga Taong Lobo

"Teka lang, Moune," awat ni Yuri sa pagkukwento nito tungkol kay Lola Andeng at sa pamilya nito

Tinignan lang siy ng mga nasa harapan nila at hinihintay ang kanyang pagtatanong

"Di ba ang gabay ni Lola Andeng ay isang puting kapre?," tanong niya

"Oo," sagot ni Moune,"Ano ang tungkol doon?,"

"Eh bakit puting kapre din ang gabay ng Lola Maria ko?," tanong niya,"Tapos paano mo nalaman ang lahat ng iyan?,"

Napapangiti nalang si Moune dahil sa tanong niyang iyon

"Ah iyong gabay ba?," ani nito,"Bago namatay si Lola Andeng mo, naipasa na niya sa kanyang anak na si Lola Maria ang kanyang gabay, dahil iisa lang ang kanilang gabay," paliwanag nito sa kanila,"At ang lahat ng ikinuwento ko sa inyo ay galing din sa kanya, siya mismo ang nagkwento sa akin,"

"Ganoon pala ang pinang galingang pamilya ninyo, Leigh,"tanong ni Nena sa kanya,"Na may lahing Babaylan at manggagamot?,"

"Hindi ko din alam iyan," sagot niya,"Kung hindi niya ako napagkalamang si Lola Andeng, ay hindi ko din malalaman ang tungkol sa ninuno ko,"

"Kamukhang kamukha ka kasi niya," ani ni Akira na napapangiti, katabi si Rohan na nakatitig din sa kanya

"Parang ikaw ang kanyang bagong katauhan o paramg isinilang muli si Lola Andeng sa katauhan mo," ani pa ni Megan habang nakangiti

Natawa nalang siya habang tinitigan si Gudo na panay ang tingin sa kanya at kapag tititigan niya ay iiwas ito ng tingin sa kanya

Hindi alam ni Gudo na nasasaktan na siya dahil sa pag iwas nito sa kanya, gabay niya ito pero halos ayaw siya nitong lapitan at kausapin

Kailangan niyang malaman kung ano ang dahilan kung bakit ganoon ito sa kanya, ayaw niyang umiiwas ito sa kanya dahil nanghihina siya

Gabay niya ito at kapag namatay siya ay mamamatay din ito, pero hindi niya hahayaan na mamatay ito

"Moune," ani niya,"Napuputol ba ang pagiging gabay sa isang Babaylan o manggagamot?," tanong niya na ikinatingin ng lahat sa kanya

"Oo bakit?," tanong nito sa kanya

"Paano?," tanong niya

"Sa tuwing kabilugan ng buwan," ani ni Moune,"Bakit mo naman naitanong? Aalisin mo naba si Gudo sa pagiging gabay mo?,"

Tinitigan niya si Gudo at nakita niyang malungkot ito, pero ayaw niyang matali ito sa kanya hanggang sa kanyang kamatayan

Maswerte nga ito dahil hindi ito namatay ng pinatay siya ni Apollo, nanghina lang ito at ilang taong nagpahinga para magpagaling at magpalakas sa muling pagbabalik ng kanyang buhay
.
.
.
.
.
.
.
.
YURI LEIGH'S POV

Matapos naming makapag usap at pinutol naman ni Moune ang pagkukwento sa buhay ni Lola Andeng ay kanya kanya na kaming pasok sa loob ng kubo kung saan kami matutulog pansamantala habang nandito kami

Bilog ang buwan ng gabi ding iyon, kaya maliwanag ang paligid,

Lumabas ako ng aming kubo, gusto kong makapag isa at makapag isip sa mga bagay bagay na may kinalaman sa aking nakaraan

Sa mga ninuno ko at sa angkang pinang galingan ko

Lalo na at iniiwasan na ako ngayon ng gabay kong si Gudo, kailangan ko ng palayain ang aking gabay

"Bakit nandito ka pa sa labas?," tanong ni Gudo na nasa itaas ng isang puno na may kalakihan ang katawan nito

"Gudo," nakangiti kong sambit ng makita siya,"Maaari ba kitang makausap?,"

Seryoso ang mukha ni Gudo na tinignan lang ako, bago lumingon lingon sa aming kapaligiran

"Gudo, pakiusap," pagsusumamo ko sa kany,"Ano bang ikinatatakot mo sa akin? Bakit mo ako iniiwasan?,"

"Gusto mo bang malaman?," tanong nito sa akin na nasa tabi ko na pala siya,"Kung bakit ganoon ang naging reaksiyon ko?,"

"Oo,"tugon ko,"Ano ba ang problema sa akin?,"

"Gusto mong malaman ang buong katotohanan, Yuri?," tanong ulet niya sa akin,"Malalaman mo ang kasagutan ko kapag nalaman mo ang buong katotohanan sa iyong Ninunong si Lola Andeng," paliwanag niya sa akin

"At kapag nalaman ko ang katotohanan ay ipagtatapat mo sa akin ang totoo?," tanong ko sa kanya

"Oo,"sagot ni Gudo,"At kapag nangyari iyon ay papipiliin na kita,"

"Papapiliin ng ano?," takang tanong ko sa kanya

"Kung ipagpapatuloy mo pa ba na maging gabay ako at tatanggapin mo ako hanggang sa kamatayan natin o aalisin muna ako bilang isang gabay mo?,"

Nilingon ko siya habang pinagmamasdan ang malungkot niyang mukha

Ngayon ko lang napansin na may itsura pala itong si Gudo kahit na kalahating kambing ito, engkantado at tao, pero ramdam niya na makapangyarihan itong nilalang

Dahil ito din ang Prinsipe sa kanilang kaharian, buhay pa ng mga magulang nito at ang mga ito ang gumagabay kay Gudo para maging isang mabuting Pinuno

"Mas gugustuhin ko pang alisin ka sa pagiging gabay ko kung buhay mo ang magiging kapalit," sagot mo,"Kung anuman ang malalaman ko  sa pagkatao ko, sana ay hindi mo ako layuan, Gudo,"

"Pangako hindi kita lalayuan, Yuri,"tugon nito sa akin,"Basta tawagin mo ako kapag may kailangan ka at mung kailangan mo ng tulong, handa akong tumulong sayo, kasi kahit itaboy mo ako bilang gabay mo, hindi iyon basta basta mapuputol, dahil kasama muna ako simula ng ipanganak ka,"

"Salamat sayo, Gudo,"sabi ko,"Isa ka talagang tunay na kaibigan at gabay,"

Nagkwentuhan lang kami ng kung ano ano, para malibang at pag usapan ang tungkol sa nakaraan

Matapos ang ilang oras ay nagpasya na akong bumalik sa kubo para makapagpahinga at siya naman ay bumalik sa itaas ng puno para magmasid at magbantay sa amin

Nakaramdam na din kasi ako ng antok at pagod na din ang katawan ko kaya kailangan ko ng magpahinga

Para kinabukasan ay makapaghanda na din ako kung ano man ang malalaman ko tungkol sa nakaraan ni Lola Andeng
.
.
.
.
.
.
.
.
ITUTULOY

.....akiralei28

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon