Chapter 02

789 48 2
                                    


°°°°°°°°°°

Nagising nalang siya ng umagang iyon na masakit ang kanyang ulo, napatingin siya sa taong nakatungo habang nakahawak sa kanyang kamay,

Pero bago iyon ay naalala na niya ang nangyari sa kanyang Lola

Kaya napaiyak siya sa kanyang naalala, sinisisi niya ang kanyang sarili dahil wala siya doon para maipagtanggol ang kanyang Lola sa kamay ni Apollo

"Leigh," nagising bigla si Khael ng madinig ang kanyang pag iyak

"K-Khael?!," ani niya habang nakatingin siya dito,"Ang Lola ko!,"

Niyakap siya ng mahigpit ni Khael habang umiiyak sa dibdib nito, ramdam nito ang kanyang pangungulila sa kanyang Lola

Hindi na kumibo si Khael, hinayaan nalang siya nitong umiyak sa mga bisig nito hanggang sa siya na mismo ang magsawa

"Khael," ani niya, lumayo siya sa pagkakayakap mula dito at naupo ng maayos sa higaan, habang sapo ang kanyang ulo na kumikirot

"Leigh?," anas nito ng makita siyang nakaupo at sapo ang kanyang ulo,"Ayos ka lang ba? Ano masakit sayo? Nagugutom at nauuhaw ka ba?," sunod sunod na tanong nito sa kanya na ikinangiti niya

"Dahan dahan lang," ani niya,"Mahina ang kalaban," nag angat siya ng tingin, matapos mapunasan ang mga luha niya,"Nagugutom ako,"

"Dito ka lang at ikukuha kita ng pagkain at maiinom," kaagad na lumabas ng silid si Khael na nagmamadali

Tamang tama naman dahil katatapos lang magluto ng almusal ng Mama ni Martha

"Gising na po si Leigh," ani niya,"Tiyang pwede po bang makahingi ng almusal? Nagugutom na daw po siya,"

"Ah sandali lang, anak," ani ng Mama ni Martha at inihanda ang almusal nila,"Heto, saluhan muna si Yuri para ganahan siya, may gamot na din para sa sakit ng ulo niya,"

"Salamat po," ani niya bago kinuha ang tray kung saan nakalagay ang pagkain nilang dalawa

Nakaupo na si Yuri habang nakasandal sa dingding na may unan sa likuran habang nakapikit ang mata nito

"Ayos ka na, Leigh?," may pag aalalang tanong niya sa dalagang namumutla ng mga sandaling iyon,"Kumain kana muna para makainom ng gamot,"

"Salamat," anas niya gamit ang paos na tinig bago inimulat ang kanyang mapupungay na mga mata

Matapos inilapag ang tray sa lamesa na malapit sa kanyang tabi ay naupo naman siya sa harapan nito

"Khael," anas niya at niyakap ang binata na nasa harapan niya,"Na miss kita ng sobra,"

"Leigh," masayang sambit niya ng malaman na naalala na siya ng babaing kaharap,"Miss na miss na din kita at mahal na mahal kita,"

Namalayan nalang ni Yuri na nakalapat na sa kanyang labi ang malambot na labi ni Khael,

"Kumain kana muna," agad na himiwalay si Khael sa halik nila,"Baka saan pa mapunta ang halik natin," sabay tawa niya

"Sabayan mo na ako," ani niya, kaya sabay na silang kumain ng agahan habang may mga ngiting nakapaskil sa kani kanilang labi
.
.
.
.
.
.
.
.
Samantala,

"Kamusta na kaya si Yuri?," takang tanong ni Aira sa mga kaharap

"Sana naman ay maalala na niya tayo," dagdag pa ni Trina

"Tara bisitahin natin siya," yaya naman ni Nena habang karga ang ikatlong anak nila na isamg buwang gulang pa lang ng mga buwang iyon

"Sige," kuro ng tatlo kaya agad nilang inayos ang gamit ng dalawang bata para isama nila dahil nasa trabaho si Manuel pati ang kani kanilang mga asawa, kaya nandoon sila sa bahay nila Nena para bumisita

Agad naman na sumakay sa kotse na pag mamay ari ni Trina ang lahat at agad na nitong pinaharurot papunta sa bahay nila Martha

Hindi na nila dinaanan si Sister Janelle dahil ng mga oras na iyon ay nagdarasal ito

Halos isang oras lang ang nakalipas ay nakarating na sila sa Sitio Kulintang, kaagad nilang hinanap ang bahay nila Martha

Tamang tama dahil nasa labas ng mga sandaling iyon ang Mama ni Martha at nagpapahinga

"Tita!," sigaw na bati ni Aira ng makababa sa unahang bahagi ng sasakyan kung saan katabi nito si Trina at sa likuran naman sina Nena at ang mga anak nito

"Pasok kayo," nakangiting bati nito sa kanila, tuwang tuwa sa mga batang kasama ng mga ito,"Ang gugwapo at ang ganda naman ng mga anak mo,"

"Pwera usog po, Tita," ani ni Nena matapos halikan ang kanyang mga anak,"Kamusta po si Leigh?," tanong nito sa tiyahin ng kaibigan

"Pumasok nalang kayo," yaya nito,"Nandoon sila sskusina kasama si Khael,"

Tumango sila bago pumasok sa loob ng bahay, dumiretso sila sa kusina at naabutan nilang kumakain ng tanghalian ang tatlo

"Aba tamang tama gutom na ako," ani ni Trina na ikinalingon nilang tatlo ng makita ang dumating

"Trina, Aira at Nena?!," tanong niya nakangiti sa tatlo,"Kamusta kayo friends,"

"Yuri/Leigh," kuro ng tatlo at kaagad siyang niyakap nito, si Khael na ang kumarga sa baby ni Nena habang pinapaupo naman ni Martha ang dalawa pa nitong anak

Nagiyakan ang apat habang magkakayakap ng mga sandaling iyon, sabik sila na mayakap ang kaibigan na ilang taon na hindi sila naalala nito

"Kamusta kana?," kuro na tanong ng mga ito sa kanya

"Ayos na ako," sagot niya na pinupunasan ang mga luha,"Kayo kamusta naman? Ang sipag mo naman Nena ha? Nakatatlo kana,"

Nagtawanan silang lahat dahil sa sinabi niya

"Kami naman on going na," ani ni Trina na hinahaplos ang tatlong buwang tiyan nito

"Ako naman anim na buwan na," sabi naman ni Aira,"Kayo kailan?,"

"Wala pa," ani nita sabay tawa, nakita niyang pinapatulog ni Khael ang baby kaya napapangiti siya,"Magiging isang mabuti siyang ama,"

"Tama ka," kuro ng tatlo sa kanya, kumain na sila habang abala si Khael sa mga bata, kaya malaya silang nakakapag kwentuhan

"Tama ako diba?," ani niya,"Na makakatuluyan niyo din sina Kevin at Bryan, ahahahaha," ani niya

"Oo nga eh," sabay tawa

Tinitignan lang sila ni Khael habang nilalaro ang dalawang bata, ang sanggol naman ay tulog na kaya inilapag nito sa tabi nito

"Mabuti naman at bumalik na ang alaala mo," ani ni Nena

"Oo nga," sagot niya,"Ilang taon ko bang hindi kayo naalala?,"

"Maybe 10 years na," ani ni Trina,"Pero ayos lang dahil worth it naman ang paghihintay namin lalo na ni Khael,"

"So kailan ang kasal niyo?," tanong ni Nena sa kanya

"Ewan ko, di ko alam," kibit balikat niyang sagot,"Maybe aftea year or two," sabay tawa

Kaya naman napapailing nalang sila sa kalokohan niya, iyon ang na miss nila sa kanya

Kaya naman masayang masaya sila dahil kompleto na silang lahat

Ang kulang nalang ay ang tuluyang pagpapakasal nila ni Khael at iyon ang hihintayin nila o sila na mismo ang gagawa ng way para magkatuluyan na ang dalawa

Gusto nlilang makita na masaya na ulet ang mga ito kasama ang bubuuhing pamilya

Kaya kailangan na nilang kumilos para bago matapos ang suaunod na taon ay maikasal na ang kanilang dalawa s pinakamahalagang tao sa kanilang buhay
.
.
.
.
.
.
.
.
ITUTULOY

.....akiralei28

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon