Chapter 56

575 34 1
                                    

°°°°°°°°°°

Babala:

Ito ay may temang maaaring hindi angkop sa mga batang mambabasa

Lalong lalo na sa mga relihiyoso, ilalahad ko ang kwentong ito, hindi upang hamakin ang isang relihiyon

O hamunin ang matagal na nilang paniniwala

Pasintabi sa mga kumakain o mahina ang sikmura pagdating sa mga maseselang bagay

This is a work of fiction

For entertainment purposes only

Read at your own risk

°°°°°°°°°°

Matatagpuan ang simbahan ng Santa Catalina sa Nueva Ecija, sa isang liblib na Baryo na napakalayo sa kabihasnan

Sa sobrang layo noon na kahit na makalabas pa sila sa simbahan ay wala din silang matatakbuhan dahil ang lahat ng tao sa Baryong iyon ay pawang mga aswang

Ang Semana Santa, ay isa sa mga mahahalagang selebrasyon ng mga aswang sa Baryo Catalina

Tuwing sasapit ito ay nagtatayo sila sa labas ng mga rebulto at monumento ni Satanas, bilang pagkilala din dito

Pagsapit naman alas tres ng hapon, eksaktong biyernes santo ay nagkakaroon sila ng Misa na umaabot ng halos isang oras

Kung saan tatalakayin nila ang buhay ni Satanas at sa huli ay pagsasaluhan nilang lahat ang mga bagong alay na birhen para kainin

Sa Sabado De Glorya naman ay gagala sa mga ibat ibang lugar ang mga aswang na taga Santa Catalina para makahanap ng sarili nilang mabibiktima

Pwedeng buntis, bata, tambay o kaya ay pulubi, basta nasa labas ng kanilang lugar

Dahil patay ang Diyos sa mga araw na ito ay nagagawa nilang magpalit ng kaanyuan kahit umaga na hindi sila nasusunog o namamatay

Mas makapangyarihan sila at mas mapanganib

Pag dating naman ng linggoo araw ng pagkabuhay, kung saan muling mangingibabaw ang liwanag, doon lamang nababawasan ang kapangyarihan ng mga taga roon at manunumbalik na lamang sila sa pagiging normal na aswang

Hindi na sila makakapagpalit ng kanilang anyo sa umaga dahil sa gabi nalang nila iyon pwedeng magawa

Pag patak ng alas tres ay tumunog na ang kampana ng simbahan, kompleto na ang mga tao sa loob at magsisimula na ang Misa

"Sa ngalan ng Panginoong Lucifer, bigyan niyo kami ng karagdagang lakas at kapangyarihan upang mapagtagumpayan ang selebrasyon para sa araw na ito,"wika ng Pari sa harap ng altar

At sumagot naman ang lahat ng naroroon ng..

"AMEN!!,"

Sila Jennica at ang iba pa ay nanginginig na lamang sa kanilang kinauupuan

Umurong na ang mga dila nila dahil sa labis na pagkahilakbot na hindi na nila magawa kahit pa ang sumigaw

Nangingilabot sila sa bawat kaganapan sa loob ng simbahang iyon, halos hindi nila masikmura ang mga taong naroroon na sumasamba kay Satanas

Pagkatapos ng dasal, ay saglit na naupo ang mga tao habang nagbabasa ang Pari sa isang bersiyon ng bibliya na di umano ay isinulat mismo ni Satanas

Ilang sandali pa ay muli silang nagsipagtayuan at sabay sabay pang umaawit

Bumalik sa pag upo, nagsermon ang Pari at muling tumayo para umawit

Ang mga senaryo sa Misang iyon ay may kaunting pagkakahalintulad sa totoong Misa ng mga Kristiyano

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon