Chapter 68

560 38 2
                                    


°°°°°°°°°°

"Kailangan mo ng maghanda,"ani ni Moune sa kanya, isang araw ng Sabado ng bisitahin siya nito sa kubo

Habang abala siyang nag aayos ng mga bote at halamang gamot

"Maghanda para saan?," tanong niya pero hindi niya ito nililingon

"Masama ang pangitain ko,"malungkot na saad nito,"May napanaginipan ako kagabi at iyon ang isinadya ko sayo,"

Nilingon niya ito ng maramdaman ang lungkot at kaba sa pananalita nito

"At ano iyon, Moune?," tanong niya, pinaupo niya ito sa kanyang harapan

"Napanaginipan ko si Prinsipe Fhino, isang lalake na may kasamang kambal,"panimula nito,"Sa panaginip ko, nakita ko ang isang lalaking aswang na mula sa nakaraan, sa iyong nakaraan at sa iyong mga ninuno,"

"Sino si Cain ba?," tanong niya, alam niya na nakalaban na iyon ng kanyang Lolo Ambo at naibaon na nito iyon sa ilalim ng lupa,"Nagbalik ba siyang muli para maghiganti?,"

"Oo,"tugon nito,"Siya din ang tumulong sa mga aswang na lumusob sa Nueva Ecija, isang linggo na ang nakararaan, hinanap niya ang kanyang pamilya, pero isang anak at kambal na apo lang ang kanyang natagpuan dahil namatay na ang ilan sa mga iyon,"

"Ano po ang pangitain mo at panaginip sa kanila? Lalo na kay Prinsipe Fhino?,"

"Nakipagkasundo sila kay Asmodeus, ang ama ni Lola Maria,"sagot nito,"Nag alay sila ng ilang birheng babae para palakasin si Prinsipe Fhino, ang kanyang anak at ang kambal,"

Naphilamos nalang siya ng palad sa mukha dahil sa nararamdamang inis, galit at pangamba para sa kanilang lahat lalong lalo na sa mga taong nasa paligid nila

"Malaking gulo kapag sabay sabay silang susugod at maghahasik ng lagim,"ani niya sa katabi

"Kaya nga iyon ang paghahandaan natin eh,"napangiti nalng si Moune sa kanya,"Mag iingat ka,"paalala nito,"Lalo na at may nangyari na sa inyo ng Mahal na Prinsipe, baka magbunga iyan,"

Napapangiti nalang siya habang nakatingin kay Moune na inaasar asar siya nito

"Huwag kang mag alala, mag iingat ako lalo na kung may mabuo man,"sabi niya dito,"Moune may iba pa bang darating na labanan?,"

Tinignan lang siya nito bago tumango ng dahan dahan

"Pero hindi ko maaaring sabihin iyon sayo,"ani nito,"Masisira ang nakatakdang mangyari sa hinaharap.kapag makikialam ako, pero wag kang mag alala, tutulong ako kapag dumating nga ang araw na iyon,"

"Salamat,"ani niya,"Makakaasa ka na handa akong ibuwis ang buhay ko para lang sa kaligtasan ng nakararami,"

"Alam ko,"tugon nito,"Pero sana hindi na humantong sa ganoong mga pangyayari ang lahat. At isa pa hindi papayag ang Mahal na Prinsipe na mapahamak kana naman ulet,"

Nagtawanan silang dalawa dahil alam nila na hindi na papayag si Khael na mapahawak at mawala siya sa buhay nito, lalo na nga at may nangyari na sa kanilang dalawa

Matapos makapag usap at maipaalam ni Moune ang pakay ay nagpaalam na itong babalik sa kaharian nila Khael

Matapos naman niyang maiayos ang mga halamang gamot, pangontra at langis sa kubong iyon ay lumabas naman siya para magluto ng tanghalian

Siya lang ang mag isa sa bahay nila Martha ng mga sandaling iyon, dahil umalis ang mag anak at hapon na darating ang mga iyon

Iniisip din niya kung sakali mang may mabuong buhay sa kanyang sinapupunan ay tatanggapin niya ng bukal sa kanyang kalooban,

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon