A/NHappy EID Mubarak po🤗🤗🤗🤗
So ayan dahil eid ngayon ay mag a update po ako😊😊😊
As a Hadiyah para sa lahat po, sana po ay magustuhan ninyo🙏🙏🙏🤗🤗🤗🤗
Again Happy Eid Mubarak po sa lahat ng mga kapatid nating Muslim sa buong Mundo🎉🎉🎉🎊🎊🎊🎆🎆🎆🙇🙇🙏🙏
°°°°°°°°°°
Baryo Masapa, Sitio Maligaya
Sitio San Gabriel
Pinamumugaran na ito ng mga iba't ibang klase at uri ng mga aswang
May mga Busaw, Tiktik, Kubot, mga Aniningaw at kung anu ano pang klaseng mga aswang
Kabilugan ng buwan ng gabing iyon ng biglang umatake ang mga aswang sa buong Baryo Masapa at kung saan saan na may makikitang mga tao, sa loob man o sa bawat kabahayan ay pinagpapatay nila at kinakain
Kaya ang ginawa ng ibang mga nakatira na nakaligtas sa pag atake ng mga aswang ay nagawa pa nilang makatakas at makalayo sa Baryo Masapa
Pero ang ilan at karamihan ay naging biktima ng mga aswang, walang pinalagpas, kahit pa bata, matanda, babae man o lalake lalo na ang mga nagdadalang tao ay ginawang pagkain ang mga ito
Sa simbahan ng Sitio Maligaya na siyang pinaka sentro ng lahat ng Sitio na bumubuo sa Baryo Masapa, ay may iilan sa mga taga doon ang tumakbo at humingi ng tulong sa mga Pari at Madre na doon na nakatira lalo na sa kombento
Tinulungan sila ng mga Madre na naninilbihan doon sa kanilang bayan na halos inabot na sila doon ng taon, dahil ang ilan sa mga Madre ay namatay at nagretiro na din
Pinapasok silang lahat sa loob ng kombento para doon magtago ang mga ito
Ang tatlong Madre ay sina Sister Sarah, Sister Niña at si Josefa na siyang pinakabata sa kanilang tatlo
Na kasisimula pa lamang sa kanyang tungkulin bilang isang alagad ng Diyos na sa kanyang edad na nasa dalawamput apat ay isa na siyang ganap na Madre
Kasama nila ang tatlong sakristan na doon din nakatira sa kombento o inampon na ng mga Pari ang tatlong bata dahil sa mga ulila na ang mga ito sa kani kanilang mga magulang
Kasama din nila ang isang tagapagluto at ang nagmamaneho ng kanilang sasakyan kapag may pupunthan
Sila ay ang mag asawang Manong Carding at Aling Nayda na matagal ng naninilbihan sa simbahan
Nauna na silang manilbihan sa isang Pari hanggang sa naging dalawa na ang mga ito,
Na ngayon naman ay naging Pari na din ang kanilang anak sa tulong na din ng dalawang Pari na matagal na nilang pinagsisilbihan
Ang Sitio Maligaya ng Baryo Masapa ay talagang nababalutan na ito ng kababalaghan kahit noong unang panahon pa
May mga napapabalitang mga engkanto, may mga ibat ibang uri ng lamang lupa, mga espiritu at lalong lalo na ng mga aswang
Nararamdaman na ito lalo na sa bukirin kung saan magkakalayo ang mga kabahayan
Kaya ang mga Madreng iyon ay sanay na sanay na sa mga ganoong kababalaghan, kahit na sa kanilang mga pinanggalingang probinsiya ay nakaka engkwentro din sila ng mga ganoong pangyayari
May mga kaalaman din ang mga ito sa ibat ibang klaseng orasyon at may taglay na mga anting anting, bukod pa sa matibay na paniniwala at pananalig sa ating Panginoon
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
HorrorHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...