A/N:Hello po sa lahat👋👋👋
Pasensiya na po kung ngayon lang ako nakapag update
Bz po kasi si Author sa ramadan😊😊😊✌✌✌
Sana po maintindihan niyo
Ramadan kareem po🤗🤗
°°°°°°°°°°
Third Person's POV
Sabay sabay na sumugod ang kanilang mga kaaway lalo na ang mga demonyong tiyanak na gutom na gutom,
Napapaikutan na sina Aira, Nena at Trina ng mga sandaling iyon, habang si Yuri naman ay kaharap ang dalawa kasama ang demonyong kakampi ng mga ito
"Aba nagsama pa kayo ng kapwa niyo,"ani niya,"Hindi niyo ba kaya na labanan kami ng patas kung wala ang mga Prinsipe ng impyerno o si Lucifer?,"
"Manahimik ka,"ani ni Apollo,"Ibigay mo sa akin ang anak ninyo at bubuhayin ko kayo at hindi na namin kayo gagambalain,"
"Dapat ba akong maniwala sa mga katulad ninyo?," tanong niya na nakangisi,"Mabuti pang tapusin na natin ito,"
"HUWAG KANG MAGMADALI MORTAL!,"ani ng demonyong nasa likuran nila Apollo at Mark,"MAKAKARATING DIN TAYO SA PUNTONG IYAN!,"
Napangisi lang siya habang pinagmamasdan ang mga iyon, umusal siya ng orasyon para tulungan ang tatlo niyang kaibigan, pero nakatingin pa din siya sa tatlo na nasa harapan niya
Mula naman sa kinaroroonan nila Aira ay dinig ang sigawan at iyakan ng mga tiyanak na demonyo ng may mga halaman na tumusok at lumusot sa kani kanilang mga katawan
Bawat halaman na lumalabas sa lupa ay may natutumbang tiyanak at namamatay dahil sa mga tinik ng mga iyon na bumbaon sa bawat katawan ng mga iyon
At is apang dahilan ay dahil may dasal at orasyon iyon na walang aswang o elemento ang makakaligtas sa mga halamang iyon na kumakain ng laman at humihigop ng enerhiya ng mga masasamang nilalang
Napapangisi nalang siya habang nadidinig niya ang bawat sigawan ng mga tiyanak
Alam niya na natulungan niya ang kanyang mga kaibigan na dehado sa labanang iyon
Habang kumikilos naman ang mga halaman na pumapatay sa kanilang mga kalaban ay kumilos naman silang tatlo para patayin ang ilan pang mga tiyanak na hindi pa napapatay ng mga halamang pinatubo ni Yuri
"Kami ang harapin mo,"ani ni Mark na sumugod sa kanya
"Sige ba,"tugon niya at inilabas ang kanyang sandata na gawa sa pilak at ngipin ng isang tikbalang
Nakita niya iyon sa baul ng kanyang Lola Maria ng kunin niya ang itim na balabal na ibinilin nito mula sa kanyang panaginip
"Tapusin na natun ito,"ani niya sabay sugod sa dalawang kalaban niya, habang abala din ang mga kaibigan niya sa pagpatay sa mga tiyanak na demonyo
.
.
.
.
.
.
.
.
Samantala"Matagal pa tayo makakarating sa Lungsod,"ani ni Manuel, habang naghihintay sila na makaakyat sa barko na kanilang sasakyan,"Baka mapahanak na sila, Martha,"
"Oo nga, Martha,"pagsang ayon naman ni Kevin,"Kalat na kalat na sa Lungsod ang mga aswang at marami rami na din silang napipinsala doon,"
"Kailangan natin makarating ngayong gabi,"sabi ni Bryan na tinitigan si Martha
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
رعبHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...