Chapter 37

571 44 3
                                    


°°°°°°°°°°

Ilang araw ding walang malay si Andrea, dahil sa pagod ang kanyang katawan o ang pisikal na kalakasan at ang kanyang ispiritwal

Sa ilang araw niyang pamamahinga ay unti unting bumabalik ang kulay ng kanyang balat, dahil na din sa tulong ng mga diwata ay napapakain siya nito o napapainom kahit man lang katas ng sariwang prutas

Eksaktong ikasampung araw ng magising siya mula sa mahimbing na pagkakatulog

Napaiyak nalang siya ng maalala ang mga nangyari sa kanyang buong pamilya at sa panglalapastangan ni Alberto sa kanyang katawan

Labis ang sakit na kanyang nararamdaman, halos isumpa niya ang araw na nakilala niya ito at pinagkatiwalaan

Napahaplos siya sa kanyang tiyan, alam niya mabubuo ang anak na ipinunla ni Alberto sa kanyang sinapupunan

Pero gagawin niy ang lahat para hindi ito maging masamang nilalang kagaya ng ama nito o kagaya ng isa sa apo niyang kambal

Mabilis siyang tumayo ng matapos ang ilang oras na pag iyak

Gumayak at inayos ang sarili bago kinuha ang mga mahahalagang papeles na nasa ilalim ng kanyang hinihigaan

Balak na niyang ibenta ang kanilang bahay at mga ari arian, kailangan na niyang magsimula muli
.
.
.
.
.
.
.
.
Matapos makahanap ng mga taong kayang bilhin ang kanilang lupain at lahat ng kanilang ari arian ay nagtungo siya sa kabundukan

Dito na siya nagpasyang manirahan, kinausap niya ang dalawa niyang pinsan para ipagtayo ng kanyang kubo doon sa kagubatan

Inihanda niya ang lahat ng kanyang kailangan para sa kanyang muling panggagamot

Binabalak niya iyon pagkatapos niyang makapanganak

Lahat ng nangyari sa kanya ay sinabi niya sa knyang mga kamag anakan, naawa ang mga ito sa kanya lalo na sa kanyang Lola, Nanay at ang dalawang pinsan niya na nadamay

Ilang araw pa ang lumipas, lahat ng kanyang binibentang ari arian at lupain ay nabayaran ng lahat

"Heto para sa inyo,"binigay niya iyon sa bawat pamilyang pinagbigyan niya sa kanyang tatlong anak, na kanya ding mga kaanak,"Mag iingat kayo at mahal na mahal ko kayo,"

Niyakap siya nito, kahit ayaw nitong malayo sa kanya ay kinausap niya, para hindi na sila mapahamak pa sa mga darating na trahedya at panagnib sa kanyang buhay

"Huwag niyo sana akong kakalimutan,"ani niya sa tatlong anak,"Mahal na mahal kayo ni Mama,"niyakap siya ng mahigpit ng tatlong anak niya na nag iiyakan na

"Mama, mahal na mahal ka din namin at hindi ka namin makakalimutan,"kuro ng tatlo habang mahigpit na nakayakap sa kanya

"Mga anak ko," halos nag iiyakan na din kahit ang mga kaanak nila, awang awa sila sa buhay na mayroon si Andrea

Hindi nila lubos maisip kung bakit nangyari iyon sa kanilang kaanak, gayung napakabait namang bata nito at napakatahimik

Matapos ang mahabang iyakan at pakiusapan ay nilisan na ni Andrea ang mga ito

At simula noon ay hindi na siya nagpakita pa sa kanyang mga anak

Pero nakakabalita pa din siya sa mga ito at ngayon ay nasa Lungsod na ang mga ito para makapag aral ng maayos at mabuti
.
.
.
.
.
.
.
.
Lumipas ang mga araw at buwan, hanggang sa ipanganak na nga niya ang kanyang bunsong anak

Gabi ng araw na ipanganak niya ito, hapon pa lang noon ay naandoon na ang kanyang kaibigang manghihilot at albularya ng kabilang Baryo

Hapon pa alng ay nakita na nilang dumilim ang buong kapaligiran, humangin ng may kalimigan habang papalubog ang Haring Araw

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon