Chapter 74

490 30 2
                                    


°°°°°°°°°°

Sitio Albana

"Nakita ko na kung nasaan si Yuri,"ani ni Moune, nakapikit ito habang naka concentrate sa paghahanap kay Yuri

"Nasaan siya, Moune?," tanong ni Khael sa kaibigang Baylana

"Delikado,"sagot nito,"Nasa isang malayong probinsiya siya, nasa Batangas siya,"ani pa nito

"Ha? Paanong delikado?," takang tanong naman ni Sister Janelle

"Bulkan," ani nito,"Sumabog ang isang bulkan, mula doon ay isang panganib ang nakaamba sa mga taong naninirahan doon, mga kalahi ni Cain na doon nakalibing, bumabangon na sila,"

"Nandoon si Ramil,"ani ni Jc sa kanila,"Kasama ang kanyang girlfriend,"

"Anong gingawa niya doon?," takang tanong ni Khael

"Aalukin na niya ng kasal si Sophie,"tugon nito,"At doon niya balak mag tapat, isang linggo daw sila doon at noong isang araw pa sila nakaalis,"

Napasabunot nalang sa kanyang sarili si Khael,

"Kailangan nating magpunta doon,"ani ni Nena,"Kailangan nila tayo,"

"Mauna na kayo,"ani ni Moune,"Kamahalan sunduin mo ang mga taong lobo, kailangan niyo ng tulong nila, malalakas ang mga aswang na iyon, saka nandoon sina Prinsipe Fhino at ang kambal na apo ni Cain na sina Rolan at Roma, kaya kakailanganin niyo ang tulong nila,"

"Sige,"ani ni Khael,"Mauna na kayo at tulungan niyo si Leigh, susunod kami kaagad,"bilin niya

"Sige,"kuro ng mga ito, kaya agad na silang naghanda ng kanilang mga gagamiti papunta ng Batangas
.
.
.
.
.
.
.
.

Samantala sa paanan ng Bulkan

Hindi magkanda ugaga ang mga bangkero sa pag aasikaso at pagpapasakay sa mga pasahero

Sobrang ingay ng lugar, may natatakot, may nagsisimulang mag histerikal at may umiiyak, pero hindi pa din maintindihan ni Ralph kung bakit naririnig pa din niya ang parang pag atungal ng anumang uri ng hayop

"UUURRRGGGGNNNHHHHH!!!!,"

Nag uunahan sa pagsigaw ang lahat ng mga nakasakay sa bangka at iyong mga sasakay pa lamang

Nang biglang niyanig ng sobrang lakas ang lupa at kasabay ng malakas na pagsabog ng bulkan

Sa pagbugang iyon ay biglang nabalot ang kapaligiran ng puting abo at buhangin

Biglang hindi na makita ni Ralph ang mga tao sa paligid

Napaubo siya sa sobrang usok, tanging mga pag iyak at pagsigaw lamang ang naririnig niya

Maya maya pa ay biglang sumabog ulet ang bulkan, mas lumakas ang pagsigaw at pag iyak ng mga tao sa pagkakataong iyon

Dahil walang makita, ay nagpasya siyang sundan ang mga tinig at nakaramdam siya ng ginhawa ng may makitang mga anino ng mga tao sa di kalayuan

Subalit, bigla siyang nagtaka kung bakit biglang nagbago ang pag iyak ng mga ito na parang may kasamang galit, parang itinulos siya sa kanyang kinatatayuan ng may maaninag siya mula sa mga puting usok na nakapalibot sa kapaligiran

Naaninag niya ang mga mapupulang mga mata at ang kakaibang anyo na inaakala niya noong una ay mga taong kasama nila

Nilukob ng takot ang buong pagkatao ng binata bigla siyang napasigaw at napatakbo papalayo sa mga ito

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon