Chapter 36

588 40 2
                                    


°°°°°°°°°°

Simula ng lumuwas ng Lungsod si Andrea at iwanan sa magkakaibang pamilya ang apong kambal ay bumalik na siya sa Baryo Masapa para ipagpatuloy ang kanilang pamumuhay

Kinalimutan niya ang tungkol sa kambal at sa anak niyang namatay

Halos gabi gabi niyang iniiyak iyon, sinisisi ang sarili dahil sa kapabayaan niya at pagtalikod sa kanyang kakayahan

Nakita niyang nakaratay na sa higaan ang kanyang Lola, habang tumatagal ay nanghihina na din ito, ang kanyang Nanay naman ay nakaka edad na din

Kailangan na niyang bumalik sa dating ginagawa, ang pang gagamot at ang pagiging isang Babaylan

Mabilis na lumipas ang mga araw, mahigit dalawang buwan na ang nakararaan simula ng namatay ang kanyang anak at dalawang buwan na din ang kambal ng araw na iyon

Araw iyon ng Biyernes at kabilugan ng buwan, nagpakita sa kanya ang isang demonyo habang magkakasama sila sa sala na nagdarasal

"Nasaan ang aking anak, Andrea!," sigaw nito, humangin ng malakas

Ang mga kasama niya ay napayakap sa Nanay niya, wala noon ang kanyang dalawang anak

Ipinaampon na niya ang mga ito sa mga apo ni Lolo Ben

"Ikaw ang may kasalanan nito!," sigaw niya,"Pinagsamantalahan mo ang aking anak!,"

"Kailangan kong gawin iyon para magkaroon ako ng tagapamana!,"

"Sino ka ba?,"tanong niya

Ngumisi ng demonyo at nag anyong tao sa harapan nila

"ALBERTO?!,"gulat na bulalas ni Andrea ng makilala ito,"Nilinlang mo kami! Demonyo ka!,"

"Nasaan ang mga anak ko?,"tanong nito,"Kailangan ko silang dalawa para hindi matupad ang propesiya na papatayin ng isa sa kambal ang kakambal niyang tagapagmana ko,"

"Kahit kailan ay hindi mo makikita ang kambal," may diing sabi niya,"Kailangang matuloy ng prospesiyang iyon para mawalan ka ng tagapagmana!,"

"Aaahhhhh!!!," sigaw nito na nagwawala na,"Sasabihin mo o papatayin ko silang lahat?!," galit na tanong nito sa kanya

"Apo, huwag mong sasabihin,"ani ng kanyang Lola na umiiling

"Pakialamera kang matanda ka!," sigaw ni Alberto,"Mamatay kana!,"

"Lola!!!," sigaw niya ng tupukin ng apoy ang katawan ng kanyang Lola, nagsisigawan na ang dalawa niyang ate at ang Nanay niya

"Sino ang susunod?," tanong nitong nakatingin sa tatlo na magkakayakap,"Pero bago iyan,"

Lumapit si Alberto sa kanya, gamit ang kamay nito na kumukumpas ay naihiga siya sa sahig

"Maawa ka sa anak ko!," ani ng Nanay niya

"Ikaw naman ngayon ang aanakan ko," napangisi si Alberto,"Ah bago kita galawin, alam mo bang ako ang nakauna sayo? Sa mismong araw ng pulot gata niyo, ay sumanib ako kay Henry, ako ang nakauna sa kalinisan mo, Andrea," sabay tawa ng malakas

"Hayop ka, Alberto!," sigaw niya

Hindi siya makabangon sa pagkakahiga,

Isang kumpas pa ni Alberto ay napadipa siya, naitali ang kanyang mga kamay ng hindi nakikitang panali, sunod naman ang dalawa niyang paa na pabukakang tinali ni Alberto bago lumapit sa kanta

"Ngayon akin kana, Andrea!," sabay tawa,"Ako din ang pumatay sa mahal mong si Hernan, niloko ka niya eh,"

"Aaahhhh, hayop kang demonyo ka!!," sigaw niya habang unti unting naglalaho ang lahat niyang kasuotan

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon