Chapter 52

571 32 1
                                    


°°°°°°°°°°

YURI LEIGH'S POV

Nasasaktan ako sa tuwing nakikita kong malungkot si Khael, pero ano ang gagawin ko?

Kailangan kong lumayo sa kanya at piliin ang nakatakdang mangyari sa akin, ayaw kong mawala sila sa akin

Gusto ko magpatuloy sila sa kanilang buhay kung mawawala man ako, lalo na si Khael dahil may gagampanan pa itong katungkulan sa kanyang kaharian

"Ate Yuri," ani ni Martha,"Malungkot ka na naman, si Kuya Khael na naman ba ang dahilan?,"

"Martha,"napaiyak nalang ako habang nakayakap sa kanya,"Hindi ko kayang iwasan si Khael, mahal na mahal ko talaga siya,"

"Ate Yuri, sundin mo kung ano ang nararamdaman mo," payo ni Martha sa akin,"Alam mo na kagaya mo ay nahihirapan din si kuya Khael, mahal na mahal ka niya ng higit kaninuman at alam mo iyan, ilang beses mo na iyang napatunayan,"

Nakayakap pa din ako sa kanya, hindi ko kayang humarap kay Khael na ganito kababa ang depensa ko,

"Ate Yuri,"niyakap siya nito,"Mag usap kayo ni kuya Khael, kailangan niyo ang isat isa lalo na ngayon,"

Lalo lang ako napaiyak dahil sa sinabi niya,

"Ayaw kong mapahamak kayo, Martha,"sabi ko,"Kailangang matuoad kung anuman ang nakatakda para sa kaligtasan nating lahat,"

"Pero ate Yuri,"awat niya sa akin,"Kailangan mo din maging masaya habang hindi pa natutupad ang hula sayo, saka naghahanap din ng paraan sina kuya Khael, ang Babaylang si Moune, sina Gudo, ang mga taong lobo at kaming mga nagmamahal sayi, mga kaibigan mo,"

Hindi na ako nakakibo, napayuko nalang ako habang patuloy na umiiyak, nasasaktan na ako lalo na kapag nakikita ko si Khael na malungkot, hindinko na kayang tiisin ang nararamdaman ko

Parang gusto ko ng mamatay, araw araw nangungulila ako sa kanya, araw araw gusto ko siyang makita at mayakap, makasama at muling maramdaman ang kanyang mga yakap na punong puno ng pagmamahal at seguridad

Na kapag nasa mga bisig niya ako, alam kong ligtas ako sa kahit anong kapahamakan na nakaamba sa kapaligiran at buhay namin

"Mga anak, nandito na sina Khael," ani ni Tiyang sa amin,"Papasukin ko na sa sala para makapag kape muna,"dagdag pa nito

"Sige po, Tiyang," sagot ko,"Mag aayos lang po ako,"

Tinignan lang ako ni Martha, napangiti nalang ako habang patuloy na bumabagsak ang mga luha ko

Mabuti nalang at nasa silid kaming dalawa, kaya hindi makita ni Tiyang ang nangyayari sa akin

"Kaya mo bang humarap sa kanya?," nag aalalang tanong niya sa kain,"Mahahalata niya na umiyak ka, namamaga at namumula ang mga mo ate,"

"Ayos lang ako, Martha,"sabi ko,"Pupunta lang ako sa banyo," timango lang ito sa akin at nauna ng lumabas ng silid namin

Ako naman ay kumuha ng aking mga damit bago nagpasyang pumunta sa banyo para makaligo at makapag ayos ng akong sarili

Buti nalang at hindi nila ako makikitang papalabas ng silid at patungo sa banyo
.
.
.
.
.
.
.
.
Matapos makapag ayis ng sarili niya ay inihanda na niya ang kanyang bag na dadalhin, dahil tatlong araw silang mawawala para hanapin ang lalaking kanilang sadya

"Tiyang, aalis po muna kami," paalama niya na nasa kusina siya,"Mga tatlong araw po ako mawawala dito,"

"Suge, anak mag iingat ka," niyakap siya ng kanyang tiyahin bago hinalikan sa noo

Kaagad siyang lumabas ng kusina para puntahan sina Khael at Kevin na nasa sala at nagka kape

Pero paglabas niya sa pintuan na galing sa kusina ay napatda siya at nabigla dahil may katabing babae si Khael at masayang nagku kwentuhan ang mga ito

"Handa na ba tayo para umalis, Kev?," tanong niya ng makabawi sa pagkabigla at pagkapatda

Bumalik sa malamig na awra ang kanyang mukha at naging seryoso ito na kaharap sila Kevin

"Sino siya?," tanong niya

"Kapatid ni Dave," sagot ni Kevin sa kanya,"Pinasama para daw may dagdag tayong kasama, kasi tatatlo lang daw tayo,"

"Ah ok," napatango siya at pilit na ngumiti sa babae

"Siya si Divine,"pagpapakilala ni Dave,"Siya naman si Yuri, matagal na naming kaibigan,"

Napatango lang sila sa isat isa, nakita niyang nakatitig sa kanya si Khael pero iniiwas lang niya ang kanyang tingin

"Tara na, Kev," pagyayaya niya sa kaibigan, tumango silang tatlo sa kanya, nauna ng lumabas ang dalawa habang nag uusap

Sila namang dalawa ni Kevin ay nasa hulihan at nag uusap

"Ayos ka lang ba, Yuri?," nag aalalang tanong nito sa kanya, nakatitig lang siya sa likuran ni Khael

"Oo naman," sagit niyang napangiti ng pilit,"Bakit mo naitanong?,"

"Namamaga ang mata mo at namumula," sabi nito sa kanya,"Umiyak ka ba, Yuri?,"tanong pa ulet nito sa kanya,"May problema ka ba? Kaibigan mo ako kaya pwede ka magsabi sa akin,"

Hindi siya nakaimik ng hawakan ni Kevin ang kamay niya, hindi niya namalayang tumutulo na ang kanyang mga luha

Niyakap siyang bigla ni Kevin, nag aalala ito sa kanya

"Kaya mo yan, Yuri,"anas ni Kevin,"Kilala kita na napakatapang na tao, malakas ka at bilib ako sayo,"

Napaiyak pa siyang lalo ng mas humigpit ang yakap ni Kevin sa kanya, ramdam niya ang sensiridad sa mga yakap nito

Dahil sa kanilang gunawa ay naiwanan na sila ng dalawa at nasa tapat na ito ng sasakyan nila

"Alam kong mahal niyo ang isat isa," anas nito sa kanya,"Pwede niyo naman iyong pag usapan, nananabik na din siya sayo, Yuri. Magiging mas masaya kami kung magkakabalikan kayo ni Khael,"

"Kevin," anas niya na lalo pa niyang ikinaiyak,

Sa kinatatayuan naman nila Khael at Divine ay nilingon nila ang dalawa at nakita ni Khael na nakayakap si Yuri sa kaibigan nila

Alam din niya na umiiyak si Yuri, sinenyasan siya ni Kevin, kaya alam niya ang ibig sabihin noon

Sumenyas din siya na sila lang ang nakakaalam na magkakaibigan

Nakita niya na pinupunasan na ni Yuri ang mga mata nito bago nagpasyang lumapit sa kanilang kinatatayuan

Kitang kita niya ang namumula at namamaga nitong mata ng makalapit na sa kanilang pwesto

Tinapunan lang siya ng isang malungkot na tingij ni Yuri bago pumasok sa loob ng sasakyan, kung saan katabi nito si Kevin na siya namang nagmamaneho

Gustong gusto niya itong yakapin at amuhin pero nakapasok na iyon sa loob ng sasakyan

Kaya pumasok nalang silang dalawa ni Divine sa likurang bahagi nila Yuri

Siya ang nakapwesto sa likuran ni Kevin at sa likuran ng dalaga nakapwesto si Divine kaya napagmamasdan niyang mabuti si Yuri, na nasa labas ng bintana nakatingin

Nagkatinginan silang dalawa ni Kevin sa salamin at nagsenyasan, napatango lang si Khael,

Gagawin na niya ang lahat para magkabalikan sila ni Yuri, hinding hindi na siya papayag na hindi sila mag kaayos ng araw ding iyon
.
.
.
.
.
.
.
.
ITUTULOY

.....akiralei28

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon