°°°°°°°°°°"Yan ang buhay ng iyong lolo Ambo," ani ni Lola Gracia,"Sayang nga lang at hindi na kami nagkita simula ng magkapamilya na din ako,"
"Ikaw po siguro iyong ikinukwento niyang napaka pilyang mag aaral niya, Lola Gracia," ani ng ama ni Andrea na si Crispin
Natawa lang ang matandang kausap nila, maganda ito at maputi kahit na may katandaan na din
"Kamusta ang ama mo?," tanong nito,"Naging isa din ba siyang manggagamot?,"
"Opo," sagot nito,"Pero hindi po kasing husay ng kanyang ama at mga nakatatandang kapatid,"
"Eh iyong bunsong kapatid niyo na babae?," tanong nito
"Matagal na pong namatay ang tiyahin ko," ani ni Crispin,"Dalaga pa lang po ng mamatay na siya,"
"Ha? Bakit at papaano?," takang tanong ni Lola Gracia na noon ay naglalakad na sila patungo sa bahay nila para doon ipagpatuloy ang pagku kwento
"Nakursunadahan po ng engkantong itim," sagot nito,"Hindi po kinaya ng katawan niya ng gamutan at namatay po siya pagkatapos ng kanyang kaarawan at sa gulang na dalawampu't isa,"
Napapailing nalang si Lola Gracia
"Napakaganda ng batang iyon kahit na napakabata pa niya ng makita ko siya, matanda lang ako sa kanya ng isang taon,"
"Kaya ng po," ani ni Crispin,"Marami po ang nanghinayang sa tiyahin naming iyon, kahit hindi ko po siya nakita ng harapan, sa mga larawan lang nila Tatay ko siya nakita,"
"Kay pilyang bata," ani ni Lola Gracia,"Kaya natutuwa ako lagi sa kanya kapag nandoon ako sa bahay nila at nag aaral ng kaalaman sa panggagamot,"
"Kain ka po muna, Lola," ani ni Inyang, nanay nila Andrea, katabi naman nila ang ate nitong si Mira
"Ingatan ninyo iyang si Andeng," pagpalayaw ng matanda sa bata,"Lalo na sa nilalang na nagkakagusto sa kanya kahit pa na bata pa siya, ang gabay niyang puting kapre ay napakalakas na gabay para sa isang batang kagaya niya,"
"Siya po yata ang nag mana sa lolo ko na magaling na manggagamot,"
"Tama ka, apo," ani nito,"Malakas ang dungan niya kaya hindi siya makuha at madala sa kaharian ng nilalang na iyon, malakas ang gabay lalo na kapag puti ang kulay,"
Napatango lang silang mag asawa sa mga sinasabi at binibilin ng matandang naging mag aaral ng kanyang lolo Ambo
Matapos ang ilang pagku kwentuhan nila ay nagpaalam na si Lola Gracia at nangakong babalik para turuan ang kanilang anak na si Andrea
Siya na daw ang gagabay sa paglaki nito habang hinahasa ang kakayahan nito katulad ng ginawa ng ninuno nito na si Ka Ambo ang kanyang dakilang Guro
Na hindi na niya nakita pang buhay para makapagpasalamat sa malaking tulong nito sa kanyang buhay at sa pagiging isang manggagamot
.
.
.
.
.
.
.
.
Simula ng araw na makilala nila si Lola Gracia ay halos araw araw na iyong nagpupunta doon para turuan si Andrea sa kanyang kakayahanHabang natututo siya ay isang trahedya naman ang nangyari sa kanilang buhay na halos hindi nila makayanan
Isang araw ng sabado, habang nasa bahay nina Lola Gracia si Andeng kaya hindi niya nalaman ang nangyari sa kanyang ama
"Kukuha muna ako ng tuba, Tay," paalam ni Crispin sa ama habang inaayos nito ang mga kahoy na iuuwi sa kanilang bahay
"Mag iingat ka anak," ani ni Mang Jose,"Mag gagabi na at delikado lalo pa at bilog ang buwan,"
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
HorrorHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...