Chapter 127

466 39 3
                                    

°°°°°°°°°°

Third Person's POV

Kombento

Ilang sandali pa ang nakalipas ay nakarating na din silang lahat sa kombento

Wala na silang nakasalubong at nakasagupa kahit na isang aswang man lang

At iyon ang kanilang ipinagpapaslamat dahil hindi na kayang lumaban ng ilan sa kanila lalo na ang mga sugatan

*tok tok tok*

*blag blag blag*

Natatawa nalang sila dahil sa klase ng pagkatok ni Yuri sa malaking pintuan ng kombento

Ang hawak kasi nitong machete ang ipinangkakatok niya, dahil gawa iyon sa metal ay umi echo ang pagkatok na ginagawa nito

"Umayos ka nga, Ate!," saway ni Martha na naiiling nalang sa kanya,"Kombento ito,"

Umirap nalang siya sa kanyang pinsan kaya napapailing nalang ang mga nasa likuran nila

"Ang lagkit ko na kaya," ani niya,"KHAEL MOON! BUKSAN MUNA ITOMLNG PINTUAN! SUGATAN AKO AT MAY SAKSAK AKO SA TIYAN! ANG BABY NATIN!,"

Napapailing nalang na natatawa ang mga kasama niya habang ang Pari ay napapa sign of the cross nalang sa asal niya
.
.
.
.
.
.
.
.
Samantala sa loob

Nadinig na nila na may humitong sasakyan sa labas mg kombento, pero hindi pa nila iyon pinagbuksan dahil baka mga aswang iyon

Nakahanda naman sina Khael sa may pintuan habang nakikinig sa ingay na nasa labas

Dinig nila.ang boses ni Yuri at ni Martha na nagsasagutan kaya napatango nalang si Sister Janelle na pagbuksan na iyon

"Ang lagkit ko na kaya," ani niya,"KHAEL MOON! BUKSAN MUNA ITONG PINTUAN! SUGATAN AKO AT MAY SAKSAK AKO SA TIYAN! ANG BABY NATIN!,"

Dinig nilang sigaw ni Yuri kaya napakunot noo si Khael ng madinig ang sabi nito

"KHAEL MOON!!," sigaw pa ni Yuri kaya nagmadaling binuksan na nil ang malaking pintuan,"MAMAMATAY NA AK-,"hindi na niya natuloy ang sasabihin ng bumungad sa kanyang harapn ang seryoao at galit na mukha ni Khael

Tumahimik din ang mga nagtatawanan sa likuran ni Yuri ng makita nila ang seryosong pagmumukha ni Khael,

"ANO?," tanong nito kay Yuri, natakot sila ng madinig ang malamig, nakakatakot at malalim na boses ni Khael

"May sugat kasi sina Father Jose, Ace at sina Kapitan Leo, kaya nagmadali kami,"sagot niyang nakangiti at naka.peace sign pa
.
.
.
.
.
.
.
.

Martha's POV

Nagagawa niya pang ngumiti at mag peace sign kay Khael ngayon, hay naku ate Yuri

Nakakatakot ang itsura ni kuya Khael lalo na at seryoso at galit, lalo pa kapag tungkol sa kalagayan ni ate Yuri at ng anak nila

"Ano?!," tanong ni ate Yuri kay kuya Khael na masama pa din ang timpla ng mukha nito

Hindi na kumibo si kuya Khael at tinulungan na lang nito si Ace na maipasok sa loob ng kombento

"Saan po natin sila gagamutin?," tanong ni ate Yuri kina Sister Janelle, na nakatingin lang sa kanilang dalawa ni kuya Khael

Lahat kami ay tahimik dahil sa namumuong tensiyon sa kanilang dalawa

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon