Chapter 112

481 36 2
                                    


°°°°°°°°°°

Third Person's POV

"Nag uumpisa ng maghasik ng lagim sina Mark at Apollo,"ani ni Moune habang nakaupo sa upuan, nasa Baryo pa din sila ng mga taong Lobo

"Marami na daw po ang namatay doon, Amang Gannu,"ani naman ni Martha,"Ang ilan na nakalabas ng ligtas sa kani kanilang mga bahay ay nasa kombento na sila nakatira,"

"Ano ang gagawin natin?," tanong ni Vince na nag aalala na sa mga kababaryo nila

"Pupunta tayo doon,"biglang sagot ni Yuri,"Tutulungan natin sila, hindi tayo papayag na maubos nila ang mga tao doon at masakop ang buong Baryo Masapa,"

Nagkatinginan sila dahil sa kanyang sinabi sa mga kaharap niya, napapailing nalang siya dahil hindi nakakibo ang mga ito sa suhestiyon niya

"Kakayanin ba natin sila?,"tanong ni Khael sa kanila

"Oo,"diretsang sagot niya,"Basta tiwala lang sa isat isa at pagtutungan, makakaya natin silamg labanan,"

"Kung iyan ang desisyon mo ay wala na kaming magagawa,"pagsukong sagot ni Khael sa kanya na ikinangiti niya ng maluwag

"Salamat,"sabay yakap niya sa leeg ni Khael,"Alam kong hindi mo ako kokontrahin eh,"

"Baka umiyak ka daw kapag kinuntra ka niya eh,"pang aasar ni Kevin sa kanya kaya sinimangutan lang niya ito

"So anong plano?,"tanong ni Akira sa kanila

"Huwag kana sumama,"ani niya kay Akira,"Malapit kana manganak.eh, baka mapahamak lang kayo,"

"Tama si Yuri,"pag sang ayon ni Rohan sa kaharap,"Kami na lang magkakapatid kasama ang mga anak natin,"

"Tama,"pagsang ayon ni Vince,"Maiwan kayo ni Megan dito kasi pareho din kayong buntis, mahirap na,"

Sumimangot ang dalawa dahil sa sinabi ni Vince

"Kami nina Anthony, Vanessa, Ivan, Jade, Kate at Gwen ang sasama kasama ang mga anak natin na papunta sa Baryo Masapa, babalikan natin ang nakaraan at tatalunin ang kalaban natin,"

"Sige,"pag sang ayon naman nila sa sinabi ni Vince

"Kailan tayo pupunta sa Baryo Masapa?," tanong ni Bryan

"Buks na bukas din," tugon ni Yuri sa kanila

"Ok,"kuro ng lahat

"Maghanda na kayo kung ganoon,"ani ni Amang Gannu,"Ipasama ko sa inyo ang mga mandirigma ko, pero baka sa makalawa pa iyon makakarating dahil nag eensayo ang mga iyon sa bundok Maharlika,"

"Walang anuman iyon ang Gannu,"ani ni Khael,"Basta ang mahalaga lang po ay makarating sila sa takdang araw at oras kasama ang Mahal na Prinsipe Rohan,"

"Asahan mo kami, Kamahalan,"ganting tugon ni Rohan sa kaharap

"Ihanda niyo na ang mga dadalhin niyo!," bilin ni Yuri

"Excited lang?," pang aasar ni Trina sa kaibigan,"Di ba pwede pahinga muna tayo?,"

"HINDI!!," sigaw ni Yuri sabay talikod at pumasok na sa bahay nila.Amang Gannu para ihanda ang mga sandata niya

"Ganyan ba talaga siya habang nagdadalang tao?," takang tanong ni Kevin

"Eh mag aapat na buwan pa lang tiyan niya diba? Baka ngayon pa lang siya naglilihi?," takang tanong ni Bryan

"Baka nga,"sagot ni Khael sabay kibit balikat kaya napapailing nalang sila dahil wala din alam ang kanilang tinanong
.
.
.
.
.
.
.
.

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon