A/N:Hello po🤗🤗🤗
Pasensiya na po kung ngayon lang po ako nakapag update ulit✌✌✌✌
Ramadan po kasi, fasting at madami work
Kaya fasting din po ang imagination ko😂😂😂✌✌✌
Wala pumapasok na ideya ng ilang araw, kaya pasensiya na po talaga kayo🙏🙏🤗🤗
Tatapusin ko na po ito, kaya kapit kapit na po kayo sa nalalabing 20+ Chapters😊😊
So tara na po, umpisahan na ulit natin✌✌🤗🤗
°°°°°°°°°°
Third Person's POV
Kaagad na tumakbo si Martha para lapitan ang kanyang ate Yuri na noon ay nakaupo na at nakayuko habang nakabaon sa magkabilaang braso at hita niya ang mga maliit na sibat na binato ng demonyo para tulungan si Mark
Hindi iyon papayag na matalo lang nito ng ganoon ganoon ang anak ng isa sa kanilang pito
"MAGBABAYAD KA SA GINAWA MONG ITO, MORTAL!," ani ng demonyo habang nanlilisik ang mga mata nito,"HINDING HINDI KAMI PAPAYAG NA MATALO NG ISANG KAGAYA MO!!,"
Napangisi lang si Yuri habang nakayuko pa din at sumusuka ng dugo dahil sa mga tama ng niya sa kanyang katawan
"Ate Yuri!," sigaw ni Martha ng makalapit na sa kanyang pinsan, pero ang ipinagtataka nito ay hindi siya makalapit ng tuluyan sa kanyang pinsan
Para iyong may harang na hindu niya nakikita, bumabangga lamang siya kapag pipilitin niyang pumasoknat lumapit dito
"Huwag ka ng pumasok, Martha,"ani ni Yuri,"Mas ligtas ka diyan sa labas, hayaan mo muna kami dito sa loob para hindu kayo mapahamak,"
"Pero, Ate Yuri,"angal nito, pero hindi na siya nakapagsalita ng humarap ito sa kanya na nasa ganoong kaanyuan
Nagitla siya at nahintatakutan, pang lima na siya na nakakakita sa tunay na kaanyuan ng kanyang Ate Yuri kaya naumid ang kanyang dila sa pagsasalita
Tumayo nalang siya doon at hinintay na maalis ang harang na ginawa nito para hindi sila mapahamak sa kamay nina Mark at Apollo
"Magkikita tayong muli, mortal,"ani ni Mark,"Hihintayin ko kayo sa lugar kung saan nagsimula ang lahat. Kung saan lahat ay naging magkakaibigan at magkakaaway kami at kung saan ako pinatay ng aking kakambal. Hihintayin ko kayong lahat doon! Doon natin tatapusin ang lahat pagsapit ng ika isandaang pagbilog, pagpula at paglaki ng buwan! Hihintayin namin kayo!," ani ni Mark sa kanila
Matapos iyong sabihin ni Mark.ay naglaho nalang itong bigla sa harapan nilang lahat
Ranging sina Apollo, ang demonyo at ang mga alagad nalang ng mga ito ang naiiwan, napapangisi nalang si Apollo sa kanya
"Kung saan magsisimula at matatapos ang lahat!," dagdag pa ni Apollo,"Doon natin tatapusin ang lahat at doon nadin kayo ililibing kasama ang Prinsipe ninyo!," ani pa ni Apollo,"Hintayin ninyong lahat ang aming pagdating!,"
Pagkasabi noon ay nawala na din itong parang bula sa harapan niya, pero dinig pa nila.ang halakhak nito bago tuluyang nawala
"HANGGANG SA MULING PAGKIKITA NATIN, MORTAL!!,"ani ng demonyo na bigla ding naglaho
Kasabay ng paglalaho nito ay ang pagkawala ng mga alagad nito na nakakalat sa buong Lungsod
Kahit ang mga bangkay at napatay na mga aswang ay walang makikitang bakas na lumusob sila
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
HorrorHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...