Chapter 71

538 43 3
                                    

A/N:

Kamusta po kayong lahat?👋👋

Mag update na po ako para matapos na po itong last season ng Khael Moon😊😊😊😊

Mag update po ako ngayon ng 10 Chapters, 👏👏👏kasi sinipag magsulat si Author now😂😂😂

So tara na po

°°°°°°°°°°

THIRD PERSON'S POV

Halos limang taon na silang magkasintahan na si Sophie, kaya nagbalak na siyang yayain itong magpakasal para naman makabuo na din sila ng sariling pamilya

Pamilyang kanyang pinapangarap noon pa man, dahil simula ng lumaki sila ay kina Nanay Alfie na sila nakatira, hindi naman sa kanila pinaranas na iba sila

Minahal pa nga sila na parang tunay na anak, lalo na ang mga anak ng mag asawa, mababait ang buong pamilya ni Nanay Alfie,

Pinag aral silang magpipinsan, si Ella naman ay si Ate Yuri niya o ang pamilya ni Ate Martha nila ang nag aruga at nagpa aral dahil namatay noon sa labanan si Lola Maria o mas tamang sabihin ay pinatay ni Apollo

Kaya hindi na niya hahayaan na magkahiwalay pa sila ni Sophie, yayayain na niya ito ng kasal

May trabaho naman siya at may sarili ng bahay at lalong lalo ba may sarili na siyang ipon

Balak niya doon mag alok ng kasal sa Batangas, kung saan pupuntahan nila ang Bulkang taal

Gusto niya doon kasi maganda ang tanawin at view kapag nasa itaas na sila ng bulkan

Saka isang tour guide ang kaibigan niya doon na si Ralph, na halos dalawang taon na niya itong kakilala

Naging malapit sila ni Ralph at lagi siya nitong inaanyayahan sa kanila na pumasyal

"Kailan ka papasyal dito, Bro?,"tanong ni Ralph sa kabilang linya,"Miss kana nina Nanay at Tatay,"

"Baka sa susunod na linggo, Bro,"tugon niya,"Isasama ko si Sophie para makapag propose na din ng kasal sa kanya sa taas ng bulkan,"sabay tawa

"Iba din ang trip mo ah,"natawa siya sa sinabi nito sa kanya,"Sabagay maganda nga iyon lalo na sa pinakataas, kitang kita ang view sa baba, tiyak kong matutuwa iyon,"

"Sana nga, bro,"ani niya,"Ikamusta mo nalang ako kina Nanay at Tatay ha?,"

"Ok bro, ingat,"ani nito,"Bye,"

"Ingat din, bro. Bye,"sabay patay ng tawag, habang nakangiti

Hindi na niya mahintay ang araw na iyon, ang yayain ng kasal ang kanyang kasintahan
.
.
.
.
.
.
.
.
Sitio Albana

"Nakita niyo na ba si Leigh?," malungkot na tanong ni Khael sa kanila,"Miss na miss ko na siya,"

"Kumain kana nga muna,"ani ni Sister Janelle,"Mahahanap din natin siya,"

"Kasalanan ito ng bayawak na iyon eh este aswang pala,"inis na sabi ni Aira,"Lahat nalang may hadlang sa inyo, kailan ba kasi kayo magpapakasal?," tanong nito

Napaiyak nalang si Khael, halos hindi na ito kumakain simula ng umalis si Yuri, nahuli kasi siya nito na may kasamang natutulog sa kwarto kasama si Miranda at wala sila na kahit na anumang saplot sa katawan, na isa sa mga apo ni Cain

"Leigh,"anas nito,"Mahal na mahal ko siya, Tita,"naiyak na ito kaya niyakap nalang siya ni Janelle

"Hayaan mo hahanapin namin siya kahit saang lupalop pa ng mundo siya nagtatago,"

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon