Chapter 80

657 55 11
                                    


°°°°°°°°°°

THIRD PERSON'S POV

Pantalan ng Batangas

Alas Otso ng Umaga

Nang makarating ang sinasakyang Bark ng magkakaibigan papunta sa Batangas para tumulong sa kanilang kaibigan at sa mga taong sinasalanta at pinuperwisyo ng mga aswang ng ilang araw na din

"Sino ang sundo natin?," takang tanong ni Nena ng makababa na sila ng Barko

Palinga linga sila habang hinahanap ang ermitanyong tumulong kay Yuri

Dahil sa dami ng tao ay hindi nila mahagilap ang matanda

May ilan na umaakyat sa Barko at ang ilan ay mabilis na naglalakad para makauwi na sa kanilang lugar, dahil halos lahat ng tao ay natatakot na abutan ng dilim sa labas at sa mga aswang na sumalakay sa malapit sa Bulkang Taal at sa mga kalapit lugar nito

"Nandiyan lang iyon,"ani ni Sister Janelle sa kanila,"Hanapin niyo dahil kailangan na tayong makarating doon,"

"Kinakabahan ako para kay Yuri,"ani ni Aira,"Sino kaya ang ksama niya na lumaban?,"

"Relaks lang kayo,"ani ni Kevin,"Kilala natin si Yuri, hinding hindi iyon magpapatalo lalo na sa mga aswang ok?,"

"Mag handa nalang tayo,"ano ni Bryan,"Baka may makasalubong tayong mga aswang papunta doon,"

"Tama ka!," pagsang ayon nila

"MGA BATA! DITO LAPIT KAYO!,"kaway at sigaw ng isang matanda na nasa isang L-300 Van,"BILISAN NA NINYO!,"

Nagkatinginan silang lahat bago patakbong lumapit sa kumakaway sa kanila

"Ako ito si Ka Amang, ang ermotanyong albularyo na kaibigan ni Yuri, sakay na kayo,"

Kaagad silang ang sipagsakayan, habang sa tabi naman nito nakaupo ay si Kevin, sa likuran naman ang lahat

"Kapit kayo at kailangan na natin bilisan, napapalaban na si Yuri ay tiyak akong hindi niya iyon kakaynin,"paliwanan nito,

"Sige po, Ka Amang,"tugon nilang lahat bilang pagsang ayon

"Ka Amang,"ani ni Kevin,"Ilang araw na po ba nananalasa ang mga aswang? Buti po hindi pa sila nakakarating dito,"

"May isang linggo na mga anak,"tugon nito na mabilis na pinapatakbo ang sasakyan,"Inuuna nila muna ang malapit sa bulkang taal at s amga karatig Bayan bago sakupin ang kabuuhan ng Batangas,"

"Delikado po kapag nagtagumpay sila,"ani ni Manuel,"Marami ng mapapahamak,"

"Sinabi niyo pa,"tugon nito,"Humawak kayo at bibilisan ko na ng pagpapatakbo, para makarating na tayo kaagad doon,"

"Opo,"kuro nilang lahat na nakangiti, halata ang saya sa kanilang mga mukha dahil sa nananabik na sila na muling makapatay ng mga aswang
.
.
.
.
.
.
.
.

Samantala,

Ang naunang trak ay humarurot na habang walang tigil na nagpapaputok ang mga sundalo na nakasakay sa likurang bahagi nito

"Anong nangyayari?," narinig nilang tanong ng isang sundalo ng mapansing hindi pa umaandar ang trak na nasakyan nina Ramil at Yuri

"Aaahhhhhh!!!,"

Isang malakas na sigaw ang sumagot sa kanilang mga katanungan

Napasok pala ng isang aswang ang isang trak at ang unang inatake ay ng driver niyon

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon