Chapter 139

445 42 3
                                    


°°°°°°°°°°

Third Person's POV

Samantala sa Impyerno

"Lumabas kana din sa wakas, Akira,"bulalas ni Mark ng makita ang dating kakambal na nakikipaglaban sa kanilang mga kampon kahit na malaki na ang tiyan nito

"Ang sarap ng nasa sinapupunan niya,"ani ni Asmodeus sabay lavas ng dila at dinilaan ang mga labi nito,"Kailangan mong makuha ang batang nasa sinapupunan niya pati na din ang mortal, sila ang kailangan natin,"

"Masusunod, Ama,"tugon ni Mark sa katabi,"Ngayon din ay pupunta na ako doon para harapin si Akira,"

"Magaling, Mark,"sagot ni Asmodeus,"Sino ang sasama sa kanya para tulungan na gapiin ang mga moral at mga kalabang iyan?!," baling nito sa anim na Prinsipe na tahimik lang na nakatitig sa pinapanood nila

"AKO NALANG,"prisenta ni Beelzebub sa mag ama

"Sigurado ka?," tanong ni Satanas

"Baka matalo ka lang,"parinig pa ni Leviathan

"Gusto mo samahan kita?," alok ni Azazel

"Gusto namin sumama,"kurong sabay na salita nina Mammon at Belphegor na tumayo na

"MGA HANGAL!,"umalingawngaw nag malakas na boses ni Lucifer sa impyerno,"MAY BALAK BA KAYONG MAGPAKAMATAY?! HINDING HINDI NA KAYO MABUBUHAY KAPAG NATALO KAYO NG BABAING MORTAL!,"

Nagkatinginan ang pitong Prinsipe dahil sa nadinig mula sa kanilang Hari na si Lucifer

Mula sa malayo ay nakita nilang tumayo iyon at naglakad papalapit sa kanilang pwesto kaya napaatras silang pito kasama si Mark ng makita iyon sa kanilang harapan

"IKAW!," turo kay Mark,"ISAMA MO SI AZAZEL, DAHIL SIYA ANG LUMIKHA NG MGA BAMPIRANG BABAE AT SIYA NA DIN ANG LUMABAN SA MORTAL NA KAILANGAN NATIN PARA MABUKSAN ANG LAGUSAN NG IMPYERNO! PATI ANG ANAK NG KAKAMBAL MO,"ani nito kina Mark at Azazel na tahimik lang

Hindi na umalma si Azazel dahil malaki ang takot nola sa knilang Haring si Lucifer, na dating alagad ng Diyos at ipinatapos sa impyerno dahil gusto nitong pantayan o higitan ang dakilang Lumikha

Kaya kalahating anghel at kalahating demonyo ang kanilang Haring Lucifer

"UMALIS NA KAYO!,"utos nito sa dalawa,"SIGURADUHIN NIYO LANG NA MANANALO KAYO! DAHIL KUNG HINDI MAPAPABILANG KAYO NA LULUBOG AT MALILIGO SA DAGAT DAGATANG APOY KASAMA NG MGA IYAN!," sabay turo kina Cain na nakalublob sa dagat dagatang apoy na napakatindi ng init

Doon napunta si Cain matapos siyang matalo ni Yuri, kasama ng kanyang mga kaanak at kalahi dahil sa pagkabigo na matalo at madala sa impyerno si Yuri para ialay sa kanilang Haring si Lucifer

Hindi na nila pinagbigyan ng ikalawang pagkakataon si Cain, dahil sa sobra sobra ng pagkakataon ang kanilang naibigay dito at ngayon nga na natalo na naman siya ay doon na siya idiniretso sa dagat dagatang apoy kasama ng kanyang mga kalahi ng mga demonyong nagpaparusa sa mga makasalanang kaluluwa ng mahulog sa Impyerno ang kaluluwa nito

Matapos ng mahabang litanya ni Lucifer ay umalis na magkasabay sina Mark at Azazel, napapangisi nalang si Satanas kasama pa ang limang Prinsipe ng Impyerno habang si Lucifer ay nakaupo sa trono nito at nanonood din kasama ng lahat at nag aabang sa maaaring mangyari
.
.
.
.
.
.
.
.

Samantala,

"Akira,"ani ni Gwen sa kanyang pinsan ng makalapit ito,"Nakain ni Apollo si Yuri, pero natalo na niya si Cain,"

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon