Chapter 60

775 51 15
                                    


°°°°°°°°°°

"Kamusta kayo dito, Tata Tasyo?,"tanong ni Fhino ng bigla itong sumulpot sa kanilang Sitio

"Kamahalan,"yukong bati ni Tata Tasyo sa bunsong kapatid ni Apollo

Napalingon naman si Fhino sa isang kubo habang nadidinig ang ilang mga kalahi na nagdarasal

Agad doon pumunta si Fino para alamin kung ano ang mayroon doon sa loob ng kubo

"Sino siya, Tata Tasyo?," takang tanong niya ng makita si Cain na nakahubad habang naliligo ng dugo

"Siya si Pinunong Cain,"pagpapakilala nito,"Kadugo nina Haring Saturno, ang ama nito ay kapatid ng ama ni Pinunong Cain, pero sila ang mga kalahi natin na kumakain ng laman ng tao,"

"Sino ka?," tanong ni Cain

"Siya ang bunsong anak ni Hating Serafino na unang anak naman ni Haring Saturno,"pagpapakilala nito,"Siya si Prinsipe Fhino, Pinunong Cain, siya naman ang iyong lolo,"

"Isa ka din ba sa amin?," tanong ni Cain sabay lapiy sa kanya

"Opo, Pinunong Cain,"tugon niya na yumuko,"Ang lahi namin ay kalahi mo din na kumakain ng laman ng tao,"

"Magaling! Magaling!," pumalakpak ito,"Kailangan na natin kumilos bago pa nila malaman na nabuhay na akong muli, kailangan ko ang aking mga anak kung nabubuhay pa ba sila at ang aking ako kung mayroon man,"ani nito sa kanila

"Hahanapin ko po sila,"ani ni Fhino,"Para makapaghanda na din po tayo sa gagawin nating pagsakop sa sangkatauhan. Nais ko pong ipaghiganti ang aking mga magulang at mga kapatid na pinaslang ng apo ni Haring Saturnino na siyang Prinsipe ngayon, si Khael Moon,"

"Ikaw ang bahala, Prinsipe Fhino,"ani ni Cain,"Gagawa ako ng ritwal para sa muling pagbangon at pagbabalik ng aking mga naunang kalahi,"

Tumango lang si Fhino bilang sagot sa kanilang Ninunong si Cain, umalis nalang ang binata at kung saan pupunta ito ay tanging siya lang ang may alam
.
.
.
.
.
.
.
.

Santa Catalina,

"Father Mateo! Father Mateo!,"tawag ng sakristan na si Juancho,"Nandito na po ako at may kasama po ako!,"

Nagkatinginan ang mga kasama.ni Jauncho habang hinihintay ang tinawag ng kanilang kasama

Sila ang mga aswang na nakita nila Akira, Rohan, Martha at Yuri ng gabing iyon dahil kabilugan ng buwan at eksaktong Biyernes Santo

Sila ang mga pinadala ni Tata Tasyo para sumuporta kina Father Mateo para sa paghihigante sa kamatayan ng kanilang mga kalahi

"Ano iyon, Juancho?," tanong ni Father Mateo ng lumabas mula sa isang silid,"At sino sila?," tanong nito ng makita ang dalawampung lalake na nasa anyong aswang

"Sila po ang pinadala ni Tata Tasyo at ng ating ninunong si Cain,"paliwanag nito,"Father Mateo buhay na pong muli si Pinunong Cain at siya ang nagbigay nito,"sabay abot ng isang botelya ng dugo nito

"Dugo na nagmula sa katawan ng ating ninunong si Cain?," takang tanong ng Pari sa kaharap

"Opo,"tugon nito,"Ibuhos niyo lang po iyan sa lahat ng abo ng ating mga kalahi at agad po silang mabubuhay,"

"Sige tara na,"ani ng Pari,

Nauna na itong lumabas ng kubo na kasunod ang mga aswang, pinuntahan nila ang simbahan na tinupok ng apoy

Hinanap ng pari ang lahat ng labi ng namatay nilang mga kalahi, pinapatakan ang bawat makita nito ng dugo na nagmula kay Cain

Lahat ay pinatakan nila at hindi nito inalubos ang dugong nasa botelya habang nakamasid sila sa mga iyon, may pag gagamitan pa siya

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon