Chapter 78

517 44 2
                                    


°°°°°°°°°°

THIRD PERSON'S POV

Makalipas ang ilang oras naging sobrang tahimik ng buong evacuations area, sa kabila ng dilim, dulot ng pagkasira ng linya ng kuryente ay dinapuan na din ng antok ang mga tao

Dala na din siguro ng sobrang pagod ay naging mahimbing ang tulog ng bawat isa maliban kay Ramil na dilat na dilat ang kanyang mga mata

Ramdam niya ang pag aapoy nito, hindi na siya nagtaka ng mahagilap ang sariling repleksiyon sa salamin at makitang pulang pula ang mga iyon, kabilugan na naman kasi ng buwan

Ganoon ang nangyayari sa kanya kada isang beses sa isang buwan,

Nang panahong iyon ay mas naiintindihan na niya ang kanyang sarili at ang mga bagay na ibinilin sa kanya ng kanyang mga magulang noong nabubuhay pa ang mga ito

Sinikap niyang makatulog, para magkaroon ng sapat na lakas na tumulong at kung ano ang mga nararapat na gawin para sa mga evacuations area kinabukasan, pero ayaw makinig ng kanyang katawan

Gising na gising ang kanyang diwa hindi din siya mapakali dahil sa naging sensitibo ng kanyang pandinig

Dinig na dinig niya maging ang mga mumunting pagkaluskos

Humiga si Ramil at sa hindi mabilang na pagkakataon ay ipinikit niya ang kanyang mga mata

Nandoon pa din ang mga pagkaluskos, mahihina at mababagal, hindi na sana niya iyon papansinin sa pagaakalang likha lamang iyon ng mga kapwa niya at kasama doon

Nang biglang tumili ang isang babae na nakahiga na ilang metro lamang ang layo mula sa kanya

"Aaahhhhhhh!!!!,"

Agad na nagsipagbukasan ang mga emergency lights at doon nila nakita ang nakadagang aswang sa babae na noon niya napag alaman na buntis pala ito

Naglalaway na ito at handang handa ng kumain, mabilis na napatayo si Ramil para sumaklolo

Nang biglang may humataw sa aswang, nagsipagtakbuhan sa gilid ang mga tao

Kitang kita ng lahat kung papaano lundagan ng mga aswang si Yuri na siyang nakita nila na tumulong sa babaing buntis at humataw sa aswang gamit ang buntot ng pagi

Nagbuno ang dalawa, mas malaki ang pangangatawan ng aswang kaysa kay Yuri at isa pa dahil isa din siyang babae

Sugatan ang kaliwang braso ni Yuri kaya naman nahihirapan siyang makawala sa pagkakahawak ng aswang

Nagpagulong gulong ang dalawa, hanggang sa nakaibabaw na ang aswang sa katawan ni Yuri

Galit na galit na ito at lubhang napakalakas ng sigaw nito sa sobrang galit

Sinubukang magpumiglas ni Yuri, pero nahihirapan talaga siyang makawala

Idiniin ng aswang ang mga mabalahibo at matutulis nitong mga kuko sa leeg ni Yuri, na agad namang umagos ang dugo mula doon ng magalusan ito

Hindi malaman ni Ramil kung ano ang gagawin, hindi siya ang tipong basagulero, hindi din siya sumasali sa mga away o suntukan kahit noong bata pa sila, kaya wala talaga siyang kaalam alam sa pakikipaglaban at pakikipag away

Pero hindi pwedeng patuloy lamang silang manonood habang unti unting pinapatay si Yuri, ang babaing nagligtas sa kanilang lahat

Bigla siyang naptayo at biglang sumugod dito, hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas at kung papaano niya naitulak ang aswang mula sa pagkakadagan nito kay Yuri

Basta itinulak niya lang ito ng buong lakas, doon na nagsimulang magwala ang aswang at agad na sumugod muli

Mabilis namang nakatayo kaagad si Yuri at pumusisyon

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon