°°°°°°°°°°THIRD PERSON'S POV
Ilang sandali pa bago sumapit ang bagong taon
"Teka lang apo," ani niya sa kanya,"Iwanan muna kita rito, papasok lang ako sa loob ng bahay dahil sinusumpong na naman ako ng aking rayuma," malumanay na sambit nito sa kanya
Tumango siya bilang pagsang ayon sa kanya, sinundan niya lang ng tingin habang papasok sa kanilang kubo
Sumulyap siya sa kanyang lumang orasang pambisig, alas onse y media na ng mga sandaling iyon, treinta minutos nalang at magbabago na ang taon na puno ng pasakit
Nagpasya siyng maglakad lakad muna, nagbabalik tanaw sa mga kagimbal gimbal na pangyayari na naganap sa kanilang lugar
Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kanya ang sunod sunod na pagkamatay ng mga dayo sa kanilang lugar
Madalas sa mga iyon ay wakwak ang tiyan at wala ng lamang loob
Natatakot tuloy siya, dahil gaya nila ay isa din siyang dayo, kahit na dito na siya lumaki, pero miminsan lang makauwi kapag bakasyon
Tumagal siya sa Lungsod para mag aral at halos doon na niya inilagi ang kanyang kabinataan, umuuwi lamang siya sa Sitio dahil wala ngang kasama ang kanyang Lolo
Matanda na ito at may kahinaan na, kailangan soya nito sa mga ganitong panahon at may okasyon
Ayon sa pinuno ng kanilang lugar ay mababangis na hayop lamang daw ang may gawa sa sunod sunod na pagkalagas ng mga dayuhang napapapadpad sa kanila
Natigilan siya sa kanyang pag iisip ng may madinig siyang ungol na tila galing sa isang mabangis na hayop
Doon niya lang napagtanto na napapadpad na pala siya mga kakahuyan
Doon siya dinala ng kanyang mga paa habang lumilipad ang kanyang isip habang naglalakad
Palakas na ng palakas ang mga ungol ng mga sandaling iyon na sinabayan pa ng mga nakaririnding pag alulong ng mga aso
Huminga siya ng malalim, pinilit naman niyang pakalmahin ang kanyang sarili upang matalo ang takot na unti unting kumakain sa kanyang sistema
Pero nabigo siya, dahil lalong lumakas ang pagtibok ng kanyang puso, parang tinatambol ang kanyang dibdib, lalo na ng maaninag niya ang isang kakaibang anino
Dahan dahan siyang bumaling sa kanyang likuran, napasigaw nalang siyang bigla dahil sa kanyang nakitang nilalang na may pangil
Mayroon iyong matutulis na mga kuko, kulubot ang maputlang balat, habang namumula naman ang mga nanlilisik na mga mata
Dali dali siyang tumakbo, baon ang matinding takot, nariyang nadapa siya at nagpagulong gulong sa mababang parte ng lupa
Dinig pa niya ang mga yabag nito, alam niyang hindi ito tumitigil sa paghabol sa kanya
Lalo lamang siyang nabahala ng ilang sandali pa ay dumating ang mga lumilipad na mga nilalang na iyon na nasa himapapawid
Tumingala siya at gayun na lamang ang kanyang pagkabigla at pagkasindak ng makita ang mga iyon na kalahati lamang ang bahagi ng katawan
May mga itim at malalaking pakpak ang mga iyon, habang nakalawit ang mga mahahabang bituka sa tiyan ng mga iyon
Nagpatuloy lang siya sa pagtakbo, ngayon ay alam na niya kung bakit marami ang patayang nagaganap sa kanilang Sitio, mga aswang pala ang lahat ng nakatira dito at palagi silang handang pumatay ng mga kagaya niyang dayo sa lugar na ito
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
TerrorHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...