This chapter is Dedicated to emidecena, this is your request, i hope you like it
°°°°°°°°°°
Third Person's POV
Matapos nilang mapanood ang kaguluhan na dinulot nila Apollo ay agad silang naghanda para puntahan kung nasaan ang mga ito ng mga sandaling iyon
Dala ang kanilang mga gamit panlaban ay agad silang lumabas ng bahay, isinaradong maigi bago naghanap ng taxi para magpahatid sa lugar kung nasaan ang mga aswang
"Luneta po,"ani ni Yuri sa taxi driver na natigilan
"May mga aswang po doon,"tanggi nito,"Delikado doon mga iha,"
"Kuya, mag drive kana lang po,"utos ni Nena na naiinis na ng mga sandaling iyon,"Magbabayad po kami kahit na triple,"
"Kayo na ang mag drive,"ani nito sabay labas ng taxi, kaya napailing nalang silang apat
Kaagad na bumaba si Yuri at pinaharurot ang taxi papunta sa Luneta, kung saan maraming tao doon at nandoon ang grupo nila Apollo na naghihintay sa kanila
Pinaharurot niya ang taxi kahit na maraming sasakyan ang nasa unahan nila
"Dahan dahan, Yuri!!," sigaw ni Nena na nakakapit sa pintuan
"Hindi tayo sa aswang mamamatay!," ani naman nj Trina,"Kundi sa aksidente at sakit sa puso!,"
"Relax lang girls!," nakangising sambit ni Aira na tila ba tuwang tuwa sa ginagawang pangangarera ni Yuri
Napapailing nalang at natatawa si Yuri sa reaksiyon ng kanyang mga kaibigan ng mga sandaling iyon
Makalipas lang ang ilang sandali ay nakarating na din sila sa Luneta, kaagad pinark ang taxi at nagmamadaling tumakbo papasok doon at harapin sina Apollo
Sumunod naman ang tatlo sa kanya, may sumasalubong sa kanilang mga demonyong tiyanak,
Pero wala silamg pakialam sa mga ito, pinuputulan lang nila ng ulo ang mga iyon maging ang mga malapaniking mga aswang na pabulusok na papasugod sa kanila
"Mag iingat kayo!," babala niya,"May lason ang laway ng mga paniking aswang!,"
"Oo,"kuro ng tatlo,"Ikaw din,"
Matapos makasagot sa mga kaibigan ay naghiwa hiwalay na sila para labanan ang mga aswang at iligtas ang mga taong hinahabol ng mga ito
"Kakayanin natin ito,"ani ni Nena,"Para sa mga tao, sa sarili natin at para na din sa pamilya natin!,"
"Oo,"kurong sagot ng dalawa sa kanya, kaya naman kanya kanya na silang pwesto para makipaglaban sa mga iyon
.
.
.
.
.
.
.
.Samantala,
Sa taas ng Rebulto ni Jose Rizal
Nandoon nakatayo si Apollo habang pinagmamasdan ang mga aswang at demonyong tiyanak na nanggugulo at kumakain ng mga tao sa Park na iyon
Tuwang tuwa ito habang walang pakialam kung ano ang kanyang tinatayuan
"Demonyo ka, Apollo!," sigaw ni Yuri,"Wala kang karapatan na lapastanganin ang aming bayani," sabay bato buhay na orasyon
"Yuri, Yuri, Yuri,"ani ni Apollo,"Ang pinakamamahal kong mortal,"nakangisi itong lumipad papunta sa kanyang harapan,"Kay tagal kong hinintay na masilayan ulit ang iyong mukha at kagandahan,"
Hindi nakakilos si Yuri ng lumapit si Apollo sa kanya, hinawakan ang kanyang mukha at umikot ikot sa kanya, inaamoy amoy siya nito na tila ba siyang siya sa mabangong naaamoy sa katawan niya
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
HorrorHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...