°°°°°°°°°°Hapon na ng matagpuan ng mga taga Baryong iyon ang bangkay ng kawawang si Asyong
Wakwak ang dibdib hanggang sa gawing tiyan nito
Sunog din ang ang mukha nito at litaw na ang bungo nito
Hindi na bago sa mga taga roon ang salarin sa mga ganoong uri ng pagpaslang
"Ang mga sirena na naman," ani ng isang lalake,
Ito ang mga salarin na itinuturo ng lahat na may kagagawan ng ganoong uri ng pagpaaslang
"Oo nga po eh," ani ng isa,"Nakakatakot na po magpupunta dito sa dalamapasigan kahit na may araw pa. Kawawang Asyong, isa na sa naging biktima ng mga halimaw na sirena, kawawa din ang asawang buntis, paano na sila?,"
Napapailing nalang ang mga taong nakakakita sa bangkay ni Asyong at sa asawa nitong nagdadalang tao
.
.
.
.
.
.
.
.
Matapos nilang mailibing si Asong ay pinuntahan nila si Ambo sa kabilang Baryo lang nakatira"Kumakailan lang ay nagsulputan ang mga sirenang iyan dito," ani ng isang matanda,"Tila mga gutom at uhaw na uhaw sila sa laman at dugo ng tao kaya marami ng namamatay doon sa atin kahit na mga hayop doon na napapadaan ay hindi nila pinapalampas,"
"Ang isa pang mga nakakabigla sa mga sirenang ito ay kaya nilang tumakbo at pantayan ang takbo ng kabayo, sapamamagitan lang ng kanilang pag gapang, kaya wala ka talagang ligtas kapag nakaharap muna sila," napapailing na sambit ng matanda
"Oo nga po eh," pagsang ayon ng ilan pa sa kanila,"Kahit wala silang mga paa ay kaya nilang humabol sa kanilang mga biktima, mabibilis po sila, Ka Ambo,"
"Bukod pa po sa nagbubuga pa sila ng mga likido na sumusunog sa katawan ng tao ay sadyang napakatalas din ng kanilang mga pangil na kayang butasin ang katawan ng tao sa isang kagatan lamang,"
"Ang mga sirenang iyon ay bangungot sa Baryo namin,"
"Marami ng natatakot na mangingisda sa amin, dahil sa mga salot na sirenang iyan"dagdag pa ng isa sa mga ito
"Hindi nga po namin alam kung saan nagmula o saan nanggaling ang mga iyan eh, tapos bigla nalang sila napadpad doon at nanggugulo,"
"Marami na din sa amin ang nawawalan ng pinagkakakitaan at trabaho, dahil halos lahat sa amin ay takot ng pumalaot sa dagat,"
"Pero may iilan nalang din ang naglalakas loob na lumaot dahil wala na maipakain sa pamilya nila, para lang matugunan ang sikmurang nagugutom ay hindi na nila iniintindi ang panganib,"
"At isa pa, napagtanto namin, na kadalasang umaahon sa lupa ang mga sirena ay tuwing sa umaga, lalo na pagkatapos sumikat ng araw, at sa hapon bago lumubog ng tuluyan ang araw,"
"Nahihirapan na din kami sa pagbabago ng oras sa pangingisda, para lang makasigurado kami sa aming kaligtasan,"
"Iyan din po ang dahilan kung bakit kakaunti ang nahuhuli naming mga isda dahil hindi na tumutugma ang oras ng pagpalaot namin kung kailan maraming isda sa dagat,"
"Naging komplikado at napakahirap na po ng aming buhay, dahil sa mga halimaw na sirenang iyan!,"
Napapaisip nalang si Ambo ng madinig ang mga sumbong ng mga taga Baryo sa kanya na kung ano nga ba talaga ang kanilang pakay sa lupa?
Saan nga ba talaga sila tunay na nanggaling?
"Parang alam ko na po ang dahilan," sabi ni Ambo
"Ano kamo? Alam mo na apo kung bakit sumusugod ang mga sirena?," tanong ng isang matanda na dumulog sa kanya
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
TerrorHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...