°°°°°°°°°°Third Person's POV
After 1 month
"Anak,"ani ng Ina ni Khael, nilingon niya ang kanyang ina, buhay ito kasabay ng pagkabuhay ng lahat ng namatay sa digmaan maliban sa mga demonyo, aswang at sa mag ama na napatay ni Yuri
"Miss na miss ko na po siya, Ina,"anas ni Khael,"Ibinuwis niya ang sarili niyang buhay para maibalik ang lahat ng nawala at napinsala,"
Niyakap naman ng Inang Reyna ang kanyang anak na simula ng bumalik ito sa kanilang kaharian ay naging malulungkutin na ito
Kapalit ng buhay ni Yuri ay ang pagbalik sa dating kaayusan ng mga nasira ng labanang iyon
Ang kaharian nina Gudo at Rohan ay bumalik din sa dati at naging maayos na din ang kanilang pamumuhay
Nabuhay muli ang dalawang Reyna ng kaharian at naging maayos na ang kanikang pamumuhay kasabay ng pagbangin muli ng kani kanilang kaharian
"Lagi nalang pong ganito, Ina,"anas ni Khael,"Buhay niya ang kapalit mg katahimikan at kapayapaan ng lahat,"
"May plano ang Diyos, anak,"ani ni Harong Karry sa kanilang Prinsipe,"Huwag kang mawalan ng pag asa, may darting din para sayo,"
"Wala na siguro, Ama,"ani ni Khael,"Siya lang ang para sa akin at ang magiging anak sana namin na nadamay,"
Yumuko nalanh si Khael habang nagpalitan ng makahulugang ngiti ang mag asawa, nasa labas naman ng kaharian ang kanilang mga kaibigan at nag aayos para sa gaganaping kasiyahan ng gabing iyon sa kaharian nila
"Hoy, Gudo umayos ka nga!," sigaw ng isang tinig na nagpaangat sa nakayukong ulo ni Khael, nakatingin siya sa isang pigura na kaharap ni Gudo na nakangisi ng nakakaloko,"Umayos ka kung ayaw mong maging sinigang na kambing o kalderetang kambing!,"
"Yuri naman eh,"nagpapakamot nalang ng ulo ito,"Please naman tulungan mo ako kay Gwen,"
"Kung gusto mo manligaw gumawa ka ng oaraan at huwag akong bwisitin at istorbohin mo ok?,"
"Yuri naman,"lumuhod na ito sa kanyang harapan,"Tutal ikakasal kana sa Prinsipe, baka pwede mo ako tulungan?,"
"Fine,"nakairap niyang saad, sabay kaway kay Gwen na agad naman tumakbo papalapit sa kanila,"Kayo nag ang mag usap nitong kambing na ito,"sabay talikod, pero nagulat siya dahil pagtalikod niya sa dalawa ay nasalubong niya si Khael
"Leigh,"ani nito sabay yakap sa kanya,"Miss na miss na kita,"umiiyak na saad nito sabay ng mahigpit na yakap sa kanya,"Huwag ka nang mawawala ha?," sabay hawak sa magkabilaang pisngi niya ay sabay halik sa kanya
"Di naman ako nawala eh,"ani niya,"Iyon talaga ang kasunduan namin ng mga Diyosa para maibalik sa dati ang lahat, ang pagkawala ko ng isang buwan,"
Niyakap muli siya ni Khael bago naglapat ang kanilang mag labi na punum puno ng pananabik, pangungulila at higit sa lahat ay ang unaapaw na pagmamahal nila sa isat isa
Na kahit na ilang taon pa ang lumipas ay hindi iyon nababawasan bagkus ay lalong lumalalim at tumatatag, lalo pa ngayon at malapit ng usilang ni Yuri ang kanilang anak
"Malapit na siyang lumabas,"ani ni Khael,"Isasabay na natin ang binyag at kasal natin, payag ka ba, Mahal ko?,"
"Oo naman,"ani niya na nakayakap kay Khael, kaya napuno ng kantiyawan ang kapaligiran nila ng maglapat ulit ang kanilang mga labi na tumagal ng halos limang minuto, sinabuyan sila ng mga petals ng bulaklak na tila mga bagong kasal
"Sa wakas, sa haba haba ng inyong relasyon sa simbahan din ang tuloy!," pang aasar naman ng mga kaibigan nila
"Yehey, sila din ang magkakatukuyan, sa wakas!," ani naman ni Sister Janelle
Kaya naman napuno na ng tawanan at kantiyawan ang kanilang paligid, masaya na sila dahil sa kompleto na ang kanilang barkada at halos lahat sila ay nagkatuluyan din at nakabuo ng pamilya
Masayng masaya ang lahat ng gabing iyon dahil sa muling pagbabalik ni Yuri, ang nalalapit na pag iisang dibdib nila ni Khael at ang pagdating ng unang supling ng dalawa
Masaya ang bawat kaharian dahil sa bumalik na sa dati ang katahimikan, kapayapaan at kaayusan ng bawat mundo ng mga elemento at maging ang bawat buhay ng mga nilalang na nilikha ng Poong Maykapal
Wala na silang mahihiling pa dahil tapos na ang labanan na nagmula pa kina Akira at Mark hanggang sa kanilang henerasyon na ngayon ay tapos na dahil patay na ang mag ama lalo na si Mark, perp so Asmodeus ay buhay dahil isa itong demonyo at si Beelzebub na namumuhay na sa impyerno at kailan man ay hindi na makakaakyat sa kalupaan para maghasik ng kadiliman
Pero maliban doon ay hindi na din nabuhay si Martha, dahil mas pinili na nito ang makasama ang buong pamilya sa paraiso na kasama ang mga anghel at ang Lumikha
Kahit masakit iyon kay Yuri ay maluwag niyang tinanggap na wala na ang kanyang pinsan, masaya na ito kasama ng buong pamilya nila pati na sina Lola Andeng, Lola Maria at ang kanyang Ina
Lumipas lang ang ilang buwan ay nakapanganak na si Yuri ng isang malusog na sanggol na lalaki, tuwang tuwa ang lahat dahil may marka din iyon ng buwan s akanang dibsib nito at araw naman sa kaliwang dibdib nito
Lumipas pa ang isang buwan ay ginanap na ang magarbong pag iisang dibdib nina Khael at Yuri, dumalo ang mga kaibigan nilang engkanto at ang lahat ng nakilala nila sa labanang iyon,
Isinabay na din nila ang pagbibinyag sa kanilang anak sa mundo ng mg aengkanto at sa kaharian nila Khael bago muli nilang pinabinyagan iyon sa mundo nila Yuri para makadalo din ang kanilang mga kaibigan at dating kaklase
Naging masaya na ang pamumuhay ng kani kanilang pamilya at kaibigan dahil wala ng pag gagambala ang mga kampon ng kadiliman at ng mga demonyo na nananahimik nalang sa impyerno
*****FIN*****
So ayan natapos na din po sa wakas🤗🤗🤗🤗
Ang haba haba at ang tagal matapos noh?😂😂😂
So maraming maraming salamat po sa inyong lahat, kung hindi po dahil s inyo wala ang tatlong season ng kwentong ito🤗🤗🤗
Nagpapasalamat po ako sa pagsuporta at pag aabang ninyo sa Season ng kwentong ito at sa nauna ko pang dalawang kwento nina Akira at Rohan
Wala na po ako masabi kundi taos puso po akong napapasalamat sa inyong lahat
Please leave a Comment kung ano ang masasabi ninyo at kung ok ba soya na isali sa watty 2022😂😂😂😂
And dont forget to Vote po
Thank you again
.....akiralei28
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
HorrorHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...