Chapter 17

738 48 2
                                    


°°°°°°°°°°

Lumipas ang mga araw, linggo at buwan hanggang sa araw ng kapanganakan ni Leilah

Hindi na sila ginambala ng mag aamang aswang, maliban sa iilang aswang na nakalaban ni Ambo at gusto siyang gantihan sapamamagitan ng kanyang asawa at anak pati ang kanyang pamilya

Isinilang ang kanilang panganay na anak at isa iyong lalake, masayang masaya si Ambo dahil isa na siyang ganap na ama at higit sa lahat ay sa kanya na ipinamana ng matandang guro ang batong puti

Marami ang nagnanais na makuha iyon lalo na ang mga kagaya nila at mga kampon ng kadiliman dahil sa taglay nitong kapangyarihan na nagmumula sa liwanag ng buwan at araw, lalo na kapag sumasapit ang eklipse, mas makapangyarihan iyon

Itinagong mabuti iyon ni Ambo, ginagamit lang niya iyon kapag may malalakas siyang kalaban at mga aswang na umaaligid sa kanyang pamilya at angkan

Amg kanyang mga kababata at kaibigang manggagamot ay umalis na sa kanilang Baryo para mamuhay ng tahimik at maayos, pero hindi pa.din nila tinatalikuran ang kanilang kinalakihan at panggagamot

Tanging siya nalang ang naiwan sa kanilang Baryo, dinadayo din siya kahit na galing sa malalayong lugar at probinsiya para magpagamot
.
.
.
.
.
.
.
.
Lumipas pa ang mga taon, nabiyayaan sila ng apat na anak, tatlong lalake at isang babae, na siyang pinakabunso sa apat

Pangatlo sa magkakapatid ay ang lolo ni Andrea, na ama ng kanyang Tatay, na siyang pinakamasasakitin sa apat

Dahil lagi iyon may sakit lalo na kapag sumasapit ang gabi at kapag kabilugan ng buwan

Walang magawa si Ambo, hindi niya magawang gamutin ang kanyang sariling anak

Dahil iyon ang sumpa sa kanilang mga manggagamot, na oras na nanggamot sila ng iba bago ang kanilang kadugo ay kahit kailan ay hindi na nila magagamot ang kanilang kapamilya

Kaya labis labis ang sama ng loob na nararamdaman niya, wala siyang magawa para tulungan ang kanyang anak kapag nagkakasakit ito

Pero dahil na din sa may mga kibigan siya na kagaya niya ay nagawa ng mga iyon na mapagaling ang anak niya at mabigyan ng pangontra laban sa mga masasamang elemento na gustong kunin ito
.
.
.
.
.
.
.
.
Isang hapon habang naglalakad papauwi si Ambo, mula sa panggagamot sa kabilang Baryo ay may nasalubong siyang isang babae,

May akay iyon batang babae na sa tingin niya ay kaedaran lang ng kanyang bunsong anak

"Kamusta po," bati ng babae, napatingin siya batang babae

Tinitigan niyang mabuti ang mukha ng babae na nakangiti sa kanya

"Ako po iyong babaing iniligtas mo mula sa paghihiganti ng aswang dahil pinatay ng aking asawa ang mag ina nito kasama ang kanyang kamag anak noon," pagpapaalala nito

"Ah oo," napangiti nalang si Ambo,"Kamusta na kayo?,"

"Heto na maayos na sa ngayon,"sagot nito,"Siya ang bunso long si Gracia, anim na taong gulang,"

Tinitigan niya ang batang nagmano sa kanya, maganda ito at maputi hinipo niya sa ulo ang bata bago nagpaalam ang mag ina na uuwi na sila kaya tumango nalang siya

Alam ni Ambo na magkikita pa sila.ng batang iyon, nakikita niyang may gabay itong isang puting duwende na nakaupo sa balikat nito

Pero dahil sa bata pa ito kaya hindi nito nakikita ang gabay at nararamdaman

Kailangan lang nito ng isang taong gagabay at magtuturo para mabuksan ang ikatlong mata nito at mapalakas ang dungan nito laban sa mga masasamang elemento
.
.
.
.
.
.
.
.
Isang linggo ang lumipas,

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon