°°°°°°°°°°
THIRD PERSON'S POV
"Hindi ba sinabi sayo ng Baylanang si Moune kung sino at ano ang ama ng iyong Lola Maria?," tanong ni Ka Amang o Ka Armando sa kanya
Habang nakapikit siya at kinokontrol ang hangin, hindi na niya namamalayan na nailulutang na niya ang kanyang sarili mula sa pagkakaupo sa harapan nito
"Sinabi po niya na isa ito sa pitong Prinsipe ng Impyerno,"tugon niya pero hindi imunumulat ang kanyang mga mata,"Sino po ba siya Lolo? At ano ang kanyang kakayahan?,"
"Ang demonyong bumuntis kay Andeng ay si Asmodeus," pagpapakilala nito sa demonyo
"Naikwento na po yan ni Moune,"ani niya habang pumapaitaas siya at pumapaibaba habang nakapikit,"Ano po ang tungkol sa kanya?,"
"Asmodeus, isa siyang demonyo,"ani nito habang naging seryoso ang mukha,"Isang nilalang na mas kilala o kumakatawan sa kasalanan dahil sa pagnanasa, kalaswaan, rape, panghahalay, panggagahasa o kung anu ano pang tawag doon at higit sa lahat ay pumapasok siya sa panaginip para lang manghalay ng mga inosenteng babae lalo pa sa mga dalagitang nagkaroon ng unang buwanang dalaw, dahil para sa kanila ay napakabango niyon,"
"Kaya ba hinalay niya ang panganay na anak ni Lola Andeng?,"
"Oo,"tugon nito,"Para ipunla ang kanyang tagapagmana, ganoon din ang ginawa niya kay Andeng,"
"Totoo po bang ang dugo ko ang daan para mabuksan ang daan palabas ng impyerno? Ang buhay ko ang magiging dahilan para makalabas silang lahat at makapaghasik ng kasamaan sa sangkatauhan?,"
"Oo tama ka, apo,"tugon nito,"Pupwede ka din maging isa sa kanila kung gugustuhin mo at pwede mo din silang kalabanin,"
"Pero paano po?," takang tanong niya
"Dumilat kana nga,"utos sa kanya,
Kaya dumilat na nga siya
"A-aray ko po,"sapo ang kanyang puwetan dahil sa pagkakalagapak niya sa damuhan,"L-Lolo bakit po di niyo sinabi na nakaangat na po ako,"
Natawa nalang ito sa kanya habang pinapalo siya ng mahina sapamamagitan ng tungkod nito, napapailing nalang siya
"Matatalo mo siya kung malalaman mo ang iyong kakayahan at kung makikipagtulungan sa inyo ang mga mandirigmang anghel,"
"Anong kakayahan po ba iyon?," tanong niya na nakasimangot, habang hinihilot ang puwet na hanggang ngayon ay masakit pa din
"Ikaw lang ang nakakaalam niyan. Tanging ikaw lang,"tugon sa kanya habang papatalikod sa kanya,"Maghanda kang maige at malapit ka ng mapalaban,"
"Po?,"takang tanong niya
"Gumagawa na ng orasyon at ritwal si Cain,"ani nito habang nasa pintuan na ng kubo,"Inuumpisahan na niyang buhayin ang kanyang buong angkan! Para sa pagsakop ng sangkatauhan. Sa paglakataong ito ay mas malakas na sila kaysa sa dati, kaya kailangan mong magpalakas, hindi mo din maaaring gamitin ang iyong kakayahan, orasyon at kapangyatihan, dahil ilalaan mo iyan sa mas matinding labanan,"
"Saan po iyan mangyayari,"
"Dito mismo sa Batangas,"at tuluyan na iyong pumasok sa loob ng kubo, habang siya naman ay napapaisip sa mga mangyayari
Paano niya malalaman kung nabuhay na ang mga ninuno ni Cain?
Naguguluhan na siya kaya napahiga nalang siya habang nakatingin sa bughaw na kalangitan,
Maya maya pa ay ipinikit na niya ang kanyang mga mata para magpahinga dahil masyadong napagod ang kanyang espiritwal sa ginawa niya
.
.
.
.
.
.
.
.Sa kaharian nila Haring Karry
Habang nagpupulong naman ang mga henaral ni Haring Karry, kasama ang Baylanag si Moune ay bigla nalang iyong nanginig
Pumuti ang kaninang normal na mga mata nito, habang nakatingal at tumitirik na ang mga iyon
"Moune, anong nangyayari sayo?," gulat at nag aalalang tanong ni Harong Karry sa kaibigan
"Magbabalik ang lahat ng namatay!,"ani nito,"Demonyo, demonyo ang kanyang makakalaban! Dadanak ng dugo, marami ang mamamatay at magsasakripisyo! Malapit na ang katapusan ng kanilang kasamaan!,"
"Ha? Anong?," naguguluhang tanong ni Haring Greg
"Kamahalan, babangon ang diyablo, kasama ang kanyang mga alagad na demonyo! Sasakupin nila ang sangkatauhan! Kadiliman at liwanag, maglalaban hanggan sa huling patak ng dugo!,"
Bago nawalan ng malay ang Baylana, nagkatinginan silang bago napatingin kay Moune na nagigising na ng mga sandaling iyon
"Malaking digmaan ang darating,"ani ni Moune,"Kabutihan laban sa kasamaan,"
"Kailangan nating maghanda,"ani ni Haring Karry,"Magsanay kayong maigi at palakasin ang inyong mga hukbo,"utos nito
"Masusunod po kamahalan!," ani ng mga iyon bago lumabas ng bulwagan
Naiwan silang tatlo doon at walang nagsasalita habang malalim ang iniisip ng mga iyon
"Mga bampira, aswang, demonyo at diyablo,"ani ni Moune,"Sila ang makakalaban ng sangkatauhan!,"
"Papaanong may mga bampira?!," takang tanong ni Haring Greg
"Hindi ko po alam,"iling na sagot nito,"Basta po mag iingat kayo,"
Napatango nalang ang dalawang Hari bago iniwanan ang Baylana doon na nakatingin sa labas ng palasyo,
Mababakas sa mukha nito ang takot, pangamba at higit sa lahat kamatayan ng nakararami
Umiyak ito habang nagdarasal at sumasamo sa Panginoon na bigyan siya ng kalakasan, kapangyarihan at pananampalataya para malagpasan nila ang delubyong nakaamba sa kanilang mundo at sa sangkatauhan
Ayaw niyang manganib ang mga inosenteng tao kapag dumating na ang araw na iyon na alam niyang aabutin ng mahigit pitong araw
Didilim ang kalangitan at walang liwanag na mgmumula sa kalangitan, dahil paghaharian iyon ng diyablo para matalo at maangkin nila ang sangkalupaan
Napaluhod nalang si Moune habang patuloy sa pagdarasal at pag iyak ng tahimik
"Kayong dalawa ang pag asa ng ating mundo at ng sangkalupaan,"bulong nito,"Manatili sana sa inyong puso ang busilak na pagmamahal, kapayapaan at higit sa lahat ay ang kaputian nito. Wala ng makakatalo sa inyo oras na magsanib ang liwanag na nagmumula sa Buwan at sa Araw,"
Matapos iyon ay tumayo siya at naglakad papasok sa silid dasalan niya, kailangan niyang mag ipon ng dasal, panangga at pagkain ng kanyang kaluluwa para hindi siya matalo ng demonyo kung sakali mang pasukin ang kanyang katauhan
Ihahanda na niya ang kanyang sarili kung sakaling gamitin ang kanyang nakaraan, ang kanyang kahinaan at higit sa lahat ay ang kanyang sarili
Tanging pananampalataya, pananalig at dasal sa Poong Maykapal ang kanyang panghahawakan para makatulong siya sa lahat, kahit pa buhay niya ang kapalit
Nakahanda na siya sa maaaring kahihinatnan ng kanyamg desisyon, ang hiling niya sana lang ay nakahanda din ang mga nakapalibot sa kanya kung sakali mang hindi magtagumpay ang dalawang iyon na talunin ang diyablo at ang mga alagad nito
Siya na ang huling baraha para sa kaligatasan ng lahat ng kaluluwang mamamatay sa araw na iyon
.
.
.
.
.
.
.
.
ITUTULOYKinakabahan na po ako😓😓😓
Ano kaya ang mangyayari?🤔🤔🤔
Sana manalo sila sa labang ito🙏🙏
Tao vs demonyo/diyablo vs aswang
Hindi na po ako mapakali😔😔😔
Tatapusin ko na ba o hindi nalang?🤔🤔😂😂😂😂
Please Comment and Vote
Thank you
.....akiralei28
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
HorrorHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...