Chapter 136

466 41 5
                                    

A/N:

Ang labanan po muna nina Yuri, Cain at Apollo ang mababasa ninyo✌✌✌✌

Hindi ko po muna isasabay iyong laban nina Khael at Rohan sa mga bampirang baging dating

Para po hindi kayo malito at hindi din magulo ang utak ni Author😂😂😂😂✌✌✌

Mahirap po kasi pagsabayin iyong dalawang scence, kaya sana po ay maintindihan ninyo,😂😂😂🙏🙏🙏🙏

Salamat po

°°°°°°°°°°

Third Person's POV

Nakatitig lang sila sa mga kalaban sa labas ng harang, hindi makalabas sina Rohan at Khael para tumulong

"Kakaibang nilalang,"ani ng isang matanda na biglang sumulpot,"Napakamaka pangyarihan,"

"TATANG?!," gulat na sambit nila ng makilala ang matandang nagsasalita

"Kamusta mga anak?,"nakangiti nitong tanong,"Lumaban na kayo,"turo niya kina Khael at Rohan,"Sa makalawa bibilog at pupula ang buwan, kailangan niyong lumaban at magpalakas, darating ang mga demonyo,"

Bago pa makapagtanong sina Rohan at Khael, ay nasa labas na sila ng sagradong harang na ikinagulat nila

"Tulungan niyo siya,"ani ni Tatang sa kanila,"Kaya niyo iyan mga bata,"sabay upo at pumikit, umuusal din ito ng orasyon at buhay na salita

Nilabanan nila ang mga aswang at mga bagong kakampi nila Cain at Apollo

"Mag iingat ka Leigh!," sigaw ni Khael bago nagpalit ng kanyang kaanyuan bilang isang aswang

Sumunod na din sina Rohan at ang mga alagad nitong madirigma, hinarap ng mga ito ang mga bagong dating na kalaban habang silang dalawa naman ay si Apollo ang haharapin

"Kayo na ang bahala kay Apollo,"ani niya bago iniwanan sina Rohan at Khael

Hinabol niya ang papalayong si Cain para salakayin ang kabilang Baryo kung saan lumikas ang mga nakaligtas ng lumusob ang mga aswang

"Mag iingat ka!," pahabol na sigaw ni Khael ng mabilis na tumakbo si Yuri papahabol kay Cain na mabilis ding gumagapang papalayo

"Harapin na natin sila,"yaya ni Rohan sa kanya na ikinatango lang ni Khael bago nilingon ulit ang papalayong dalaga
.
.
.
.
.
.
.
.

Samantala

"Huwag kang duwag, Cain!,"siagw niya habang sinasabayan iyon sa mabilos na pagtakbo

Nilingon siya ni Cain at nginisihan bago umikoy para salubungin siya

"Hindi kita tatakasan mortal!," sigaw nito bago inilabas ang mahaba nitong dila na may malapot at manilaw nilaw na laway na siyanh nagtataglay ng kamandag at lason,"Tumingin ka sa paligid mo!," utos nito

Pinagmasdan naman niya kaagad ang kanyang kapaligiran, nasa di kalayuan si Apollo na humahabol din sa kanilang dalawa ni Cain

Habang nakita niya na napapaikutan na ng mga bampira sina Rohan at Khael kasama ang mga kalahi nito

Habang nasa loob pa din ng ginawang harang nina Martha ang kanilang mga kaibigan para sa kaligtasan ng mga iyon

"Hindi ako papayag na ako lang ang kaklabanin mo,"ani ni Cain,"Kaya lumayo ako para sumunod ka at si Apollo, kaming dalawa ang papatay sayo para kilalanin din kami nila Panginoonh Lucifer,"

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon