Chapter 145

457 39 4
                                    

A/N

Ito yung labanan nila Yuri at Asmodeus bago pa niya tulungan si Akira kay Mark

So tara na po🤗🤗🤗🤗

°°°°°°°°°°

Demonyo laban sa demonyo

Nagsenyasan na silang dalawa ni Akira, kaya hinarap na niya si Asmodeus habang si Akira ay hinarap ang dati nitong kakambal at kapatid

Tinitigan niya si Asmodeus, alam niya makapangyarihan itong demonyo at base sa nakikita niya at malakas ito

May kidlat at apoy ang malalaking kamay nito na may mahahabang kuko ang biglang isinakal sa kanya kaya nagulat siya at hindi nakapaghanda

Masyado iyong mabilis na kumilos kaya hindi niya nailagan ang pagsakal nito sa kanya, iniangat siya sa lupa at biglang inihagis sa mga puno na nasa di kalayuan sa kanilang pwesto, lahat ng tamaan ng kanyang katawan ay nagliliyab at napuputol

Napaubo siya at napasuk ng dugo, kahit na demonyo siya ay alam niya ang lakas at kakayahan ng kanyang katawan, pero dahil nga sa nagdadalang tao siya ay mahina ang kanyang pisikal na lakas at kapangyarihan

Kaagad siyang tumayo at lumipad papasugod sa demonyo na inundayan niya ng pagsaksak gamit ang kanyang dalawang kamay na may mahahaba ding kuko, namumula na ang kanyang mga mata, umaapoy na din ang kanyang buntot maging ang kanyang dalawang sungay

Nagagalit na siya at gusto na niyang matapos ang labanang iyon para matulungan ang kanilang mga kaibigan na kinakalaban din ang iba pang demonyo, aswang, bampira at mga tiyanak

Halos puro galos at sugat na ang kanyang natatamo mula sa mga kalasag ni Asmodeus, matatalas ang mga iyon na humihiwa sa kanyang balat, umaagos ang pulang likido sa bawat sugat na kanyang natatamo sa pagsugod ni Asmodeus

Ang kanyang dalawang kampilan, laban sa kalasag at kuko ni Asmodeus, lumilikha iyon ng ingay at kidlat oras na nagtatama ang mga iyon sa ere

Ang bawat taga niya at salag naman ni Asmodeus at lumilikha ng apoy na dumidingas sa mga natuyong dahon, katawan ng mga aswang at katawan ng ilang taong namatay

Hinahampas niya ng kanyang buntot kasabay ng pagtaga ang katawan ni Asmodeus pero hindi niya masugatan iyon dahil sa kalasag na nakakabit sa katawan nito

Humihingal siyang napaatras ng bigwasan siya nito sa kanyang sikmura, naitukod niya ang kanyang dalawang kampilan sa lupa para hindi siya tumalsik ng napakalayo

Napaubo siya at napasuka ng sunod sunod, idiniura niya sa lupa ang dugong naipon sa loob ng kanyang bibig

Napalingon siya kay Akira na tumalsik din ng sugurin ni Mark, naaawa siya dito at napapansin niya ang pagngiwi ng mga labi nito at ang pagbakas ng sakit sa mukha nito, alam niya malapit na itong manganak kaya inihahanda na niya ang sarili para tapatan si Mark, kahit na humadlang pa si Asmodeus ay titiyakin niyang mapapatay niya ang anak nito

Dahil hindi siya nakatingin sa papalapit na kalaban niya ay nasipa siya nito sa mukha na kaagad niyang ikinatalsik sa tubuhan, naputol at natumba ang bawat katawan ng mga tanim na tubo ng humagis siya doon, halos malayo ang kanyang kinbagsakan

Nakahiga pa din siya at hindi nakabangon kaagad, napangisi nalng siya habang nakatingin sa kalangitan na may kakaunting liwanag

Bago dahan dahang bumabangon, ramdam na niya ang sakit ng kanyang katawan, tinignan niya ang kanyang tiyan na may kalakihan at hinimas iyon bago napaubo at napasuka ng dugo sa lupa

"Katapusan ko na yata anak,"sambit niya,"Nanghihina na ako at hindi ko na yata kaya eh,"napapangiti niyang saad,

Napapatingin siya sa mga kaibigan na lumalaban pa din kahit na nanghihina na ang mga iyon

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon