Chapter 63

549 43 1
                                    


°°°°°°°°°°

San Jose, Nueva Ecija, 9am

Nasa bungad na sila ng San Jose, kaya binilisan pa nila ang pagpunta sa kinaroroonan ng mga aswang, ilang metro ang layo nila mula sa tunnel ay inihinto na nila ang sasakyan, nakikita nila na kumikilos na ang mga aswang

"Maghanda na kayo!," utos ng isang police officer na incharge sa grupo nila,"Mas madaming aswang dito,"

"Paano po tayo makakadaan diyan?," tanong ng isang pulis,"Punong puno ang tunnel pati sa taas,"

"Kami na pong bahala,"ani ni Khael,"Protektahan niyo po kami,"

Tumango lang iyon bago lumabas kasunod nilang magkakaibigan, inihanda ang armas nila at handa ng makipaglaban

Sa unahan naman ng tunnel, may look out ang mga pulis at militar kaya kaagad nila iyong ini report sa kanilang opisyal

"Sir, nandiyan na po ang back up natin,"ani nito,"Nasa kabilang tunnel po sila,"

"Hay salamat,"ani nito,"Maghanda na kayong lahat!,"

Kaagad na pumuwesto ang mga pulis at militar, gumapang naman ang ang aswang sa lupa na nasa kaliwang bahagi nila

Dahil ang kanang bahagi ng kalsada ay bangin na, ginawa nilang pader at dingding ang mataas na lupa na nasa gilid ng mga iyon

Kahit katirikan ng araw ay sumusugod sila, gumapang ang mga iyon hanggang sa bumilis ang pagkilos na agad naman binabaril ng mga snipers na naka pwesto sa taas ng puno at sasakyan

Ang mga nasa taas naman ng tunnel ay ibinuka na ang kani kanilang mga pakpak para humanda ng lumipad

Nasa unahan ang pinaka Pinuno ng pangkat na iyon, sila ang ikalawang pangkat ng mga aswang

"Ako si Prinsipe Fhino,"pagpapakilala nito, mas malaki ang pangangatawan nito kaysa sa mga kasamang aswang,"Hindi kami magtitira ng buhay sa inyo! Sugod at patayin silang lahat! Magpakabusog kayong lahat dahil atin ang araw na ito!," sabay senyas

Kaya nagsipagliparan na ang mga aswang papasugod sa kanila, ang mga nasa gilid at nakaantabay sa lupa na kanina lang ay gumagapang ay nagsimula ng bumaba at tumakbo papalapit sa kanilang lahat

"Maghanda na kayo!," ani ng isang opisyales ng militar

Halos nakakabingi ang putok ng mga baril, dinig halos kahit sa mga malalayong kabahayan

Nagtatago sila habang nakikipaglaban ang mga kalalakihan na miyembro ng kani kanilang pamilya

Bawat putok ng baril at labas ng bala ay isa isang bumubulagta ang mga aswang, pero maya maya ay bumababgon din ang mga iyon

Kasabay ng ingay ng baril ang hiyawan ng mga taong nasasakmal at nakakain ng mga aswang

Mga taong tanging sandata ay ang mga itak, gulok at buntot ng pagi

Dumanak ang dugo at pira pirasong katawan ng mga taong lumaban para sa ikabubuhay ng kanilang pamilya

Sa kabilang panig ng tunnel ay sumugod na papasok ang magkakaibigan

Hinarap sila ng mga aswang na nakatayo doon at sinugod din sila ng mga iyon

Tumalon ng mataas si Khael at siya na ang humarap sa iilang aswang na nakatayo sa itaas ng tunnel

Gamit ang matatalas na kuko at pangil ay agad niyang napapatay ang mga iyon, pinupugutan ng ulo at dinudukot ang mga puso ng mga ito

Kaoag nasusugatan siya ay kinakain niya iyon para mabilis na maghilom ang kanyang mga sugat

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon