A/N:Iba na po ito kaysa sa mga nauna kong naisulat, hindi ko na maalala kasi masyado na pong madami iyon😔😔😔
Kaya puro bago na iyong mga action scene nila
Sana po ay nagustuhan ninyo
°°°°°°°°°°
Third Person's POV
Ang ilan sa mga aswang ay gumagapang at pilit na inaabot ng kagat at kalmot ang kanilang mga paa
Pinaghahampas na iyon nina Manuel at Ivan gamit ang kanilang mga buntot ng pagi
Hindi nila tinigilan ang mg aiyon sa paghampas,pag itak at pagpana hanggang sa mamatay na ang mga iyon
Habang sina Khael at Rohan ay nakatalikod naman ang mga ito sa isat isa habang nilalabanan ang mga aswang, dahil napapaikutan na sila ng mga iyon
Habang ang ilan sa kanila ay ubos na ang bala ng kani kanilang mga baril, kaya tanging buntot ng pagi at matatalas nalang ang kanilang ginagamit na pamatay sa mga aswang
Bawat aswang na tamaan ng kanilang mga buntot ng pagi ay kaagad na mangingisay ang mga iyon at kaagad na mamamatay
Habang abala ang lahat sa pakikipaglaban ay usal ng usal ng dasal ang magpinsan para pamprotekta sa kanilang mga kasamahan at orasyon para mapahina na din nila ang lakas ng mga aswang
Dahil halos hindi nila kaya ang dami ng mga aswang kahit na madami na din silang napapatay
.
.
.
.
.
.
.
.
Samantala sa KombentoMay iilang mga aswang ang nagtagumpay na makapasok sa loob ng kombento
Halos naubos na kasi ang lahat ng kanilanh mga patibong sa mga naunang mga aswang na nagtangkang pasukin sila
Kaya sa ikalawang pagkakataon ay sinubukan na ulit silang pasukin ng mga iyon, at sa pagkakataong iyon ay nagtagumpay na ang mga aswang na masira ng tuluyan ang mga bintana at pintuan ng kombento
Nagsimula na silang pumasok sa loob para patayin ang mga taong nagtatago doon kasama ang mga Madre
Nakaabang naman sa loob sina Ace, Kapitan Leo, Tatay Tomas at ang tatlong Pari kasama ang mga kalalakihan na may kanya kanya ng hawak na panlaban sa mga aswang
Ang nga nasa unahang bahagi nila ay ang sampung kalalakihan na may hawak na mga baril, kaya mabilis nila iyong pinagbabaril habang hindi pa nakakalapit ng tuluyan sa kanila ang mga aswang na dumadami na ang bilang ng mga ito
"Dumadami na sila Father,"nahintatakutang sabi ng isa sa mga sakristan doon
"Diyos ko po!," ani ng isang Madre na may hawak na din na gulok habang ang iba ay bagakay ang hawak at may mga sanga din ng kalamansi ang ilan dahil may tinik ang mga iyon kaya takot din ang mga aswang kapag nahampas
"Lumaban lang tayo,"ani ni Father Jose,"Magdasal at maniwala sa ating Panginoon, pasasan ba at matatapos din ito,"
Tumango lang at kanya kanya na sila sa kanilang pagdarasal habang panay ang pana at baril nila sa mga aswang
Ilang sandali pa ay parami na ng parami ang mga aswang na nakakapasok doon sa loob ng kombento
Hindi na nila malaman kung paano nila lalabanan at papatayin ang mga iyon
Napuno na ng iyakan, sigawan at panaghoy ang loob ng kombento dahil.halos lahat ng bintana na kanilanh tinakpan ay unti unti na din nasisira pati ang nasa simbahan
"Ubos na ang bala ng baril natin!,"sigaw ng isang lalake habang nanginginig na sa takot
"Padre Ramon,"sigaw ni Aling Nayda,"Marami na pong mga aswang ang nakapasok dito sa loob ng kombento maging sa loob ng simbahan,"tarantang sabi nito
Nang madinig ng tatlong Pari ang sigaw nito ay nagkatinginan silang lahat
"Nanganganib ang mga tao dito sa loob ng kombento,"ani ni Padre Ramon
"Anong gagawin natin?," tanong ni Father Carlos habang patuloy pa din sa pagpana sa mga aswang,"Pati sina Nanay at Tatay delikado na din,"may pangambang sambit nito na napatingin sa pwesto.ni Manong Carding at Nanay Nayda na siyangbmga magulang nitong batang Pari
"Sandali,"ani ni Father Jose, tumayo iyon at pumunta sa bintana na nasa likuran nila, binuksan niya iyon bago sumigaw,"Tulungan ninyo kami! Pinasok na kami ng mga aswang!," sigaw nito
Habang patuloy naman sa pakikipaglaban ang magkakaibigan sa labas ng kombento, napalingon sila ng madinig ang sigaw ni Father Jose sa kanila
Nagkatinginan naman ang nagkatinginan naman ang lahat dahil hindi nila alam kung sino ang papasok at tutulong sa mga tao na nasa loob ng kombento
Pero bago pa sila makapag desisyon ay nakita na nila.ang mabilis na pagkilos ni Yuri, umakyat siya sa isang puno at umigpaw papasok sa loob ng kombento gamit nasirang binatana
Napanganga nalang sila ng mabilis na iyong nakapasok sa loob ng kombento
Nagulat nalang ang mga aswang ng biglang sumulpot sa kanilang harapan si Yuri na halos naliligo na sa dugo ng mga aswang, pinunasan niya ang kanyang mukha dahil nanlalagkit na siya
Hawak pa din niya ang kanyang dalawang matatalas na sandata, nakaipit iyon sa magkabilaamg kili kili niya at nakaluhod ang isang tuhod niya sa sahig ng kombento
"Ready na ba kayo?," tanong noya na nakangisi sa mga aswang na nasa kanyang harapan,"Tapusin na natin ito at nagugutom na ako! Gusto.ko ng maligo at matulog!," sigaw niya sa mga iyon
Napapailing nalang si Ace sa inasal nito, dasal niya sana hindi iyon sumpungin at bigla nalang maglulupasaya sa sahig habang nasa harapan ng mga aswang dahil tiyak na mamamatay silang lahat doon
Napalingon pa sila sa kusin ng may biglang bumagsak sa malaling lamesa doon, kaya natahimik sila at nakiramdam
Kaagad na tumakbo doon si Yuri dahil alam niya na marami ang mga pumasok doon gamit ang bubungan na nasira
Hindi na namalayn ng mga aswang na nakaabang na sa kanila si Yuri at nakahanda na ang dalawang matalas nito
Kaagad niyang tinagpas ang mga ulo ng mga aswang na papalabas ng pintuan ng kusina
Nagulat ang mga iyon akaya hindi na kaagad nakaiwas at nakapalag sa kanya
Ang ginawang pag atake ni Yuri ay singbilis ng kisap mata kaya gumulong ang tatlong ulo ng mga aswang na kanyang nakasalubong habang may mga pababa pang ilang mga aswang
Sinugod niya ang mga iyon at pinagtataga ng kanyang dalawang sandata, dahil sa abala.siya ay hindi niya namalayan na may nakalusot na at nakalabas na ng kusina
Kaagad na pumunta ang mga aswang sa kwartong malaki kung saan nadidinig ng mga ito ang iyakam ng mga bata at sigawan ng mga matatanda
"Yuri! May mga aswang na sa malaking kwarto!," sigaw ni Ace na hindi pa din makakilos ng maayos dahil sa mga sugat na tinamo nito
Kaya agad na napalingon sa likuran niya si Yuri habang may apat na aswang siyang kalaban na nasa harapan niya
Mabilis niya iyong nilabanan para mapuntahan niya at matulungan ang mga nasa malaking kwarto
Karamihan doon ay mga bata at may tatlong buntis pa, kaya hindi niya iyon papayagang mapasok at at maging biktima ng mga aswang na hayok na hayok sa sariwang laman ng tao at ng sanggol
.
.
.
.
.
.
.
.
ItutuloyLabanan niyo sila guys💪💪👊👊
Wag kayong papatalo
Please leave a Comment, reaction and dont forget to Vote po
Thank you
.....akiralei28
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
HorrorHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...