Chapter 61

614 47 11
                                    

A/N:

Hello po👋👋👋

Kamusta kayo?

Sana nasa mabuti po kayong kalagayan🙏🙏🙏🙏

Pasensiya na po kung ngayon lang po ako nakapag update

Na positive po kasi ako sa Covid kahit na fully vaccinated po ako at halos 10 days po akong may sakit😢😢😔😔

Kaya ngayon lang po ako nakapag sulat ulet

Ingat po kayo lagi🙏🙏🙏🤗🤗🤗

#keepsafe po everyone

So heto na po ang Update

°°°°°°°°°°

Headquarters, 5am

Sunod sunod na dumating ang magkakaibigan, nasa harapan na sina Dave, nakaharap sa mahabang lamesa, nakalatag ang mapa ng Nueva Ecija

"Goodmorning,"bati nila sa mga iyon,

"Goodmorning, guys,"ani ni Dave,"Nag uumpisa na kami sa plano,"

Tumango lang sila at nakihalo sa mga pulis na nandoon, ang ilang ay napapailing sa kanila at natatawa dahil sa mga dala nila

Walang alam ang ilang sa mga nangyari lalo na noong lusubin nila ang Santa Catalina

"Ayon sa report,"ani ni Dave,"Nahati sila sa anim na grupo at nilusob muna ang bawat Baryo o Lugar sa na kalapit ng Santa Catalina, may tatlong helicopter na paikot ikot sa Nueva Ecija,"

"Marami ba sila?," tanong ni Yuri

"Mahigit sila sa isang libo,"tugon ni Dave, napapalatak nalang sina Kevin at ang tatlo pa nitong kasam,"Ngayon nag dalawang grupo nalang sila, ang isa sa Cabanatuan City at ang ikalawang grupo ay s aSan Jose City, sa Nueva Ecija pa din,"

"Sa maraming tao sila sumugod, para mas marami silang mabiktima, tama ba?," tanong ni Aira

"Oo,"tugon ni Dave,"May mga nauna na doon, galing Bulacanat galing ng Nueva Viscayas na mga pulis. Nabarikadahan na din ang daan papasok ng Cabanatuan at papalabas ng San Jose,"

"Mabuti naman,"ani ni Kevin,"Ano na ang plano?,"

"Yun nga,"ani ni Dave,"Nagdalawang grupo ang mga aswang, kaya magda dalawang grupo din tayo, isa sa Cabanatuan at isa sa San Jose,"

Tumango sila bilang pag sang ayon Kay Dave, kaya inihanda na nila.ang kani kanilang mga gamit

"Pero teka lang Dave,"awat ni Yuri,"Mag uumga na pero lumulusob pa din sila?,"

Napabugtong hininga nalang ito dahil sa kanyang sinabi

"Iyon nga ang nakapagtataka,"ani pa nito,"Hindi sila natatakot,"

"Para malaman natin ang sagot,"ani ng isang pulis,"Umalis na tayo,"

Tumango sila at inihanda na ang kani kanilang mga armas, silang mag kakaibigan ay ang kanilang mga dala na ang kanilang pinaka sandata

"Kami nina Aira, Manuel, Martha at Trina ang sasama kay Dave,"ani niya sa mga kasama,"Kami sa Cabanatuan,"

"Sige kaming apat sa San Jose,"ani ni Bryan, kasa nila si Nena doon, tumango naman si Khael kahit na gusto nitong kasama siya

"Tara na!," sigaw ni Dave, kaya kanya na silang sakay sa sasakyan

Nagyakapan naman ang mag aasawa, nagpaalam ng maayos at binilinan ang mga ito

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon