°°°°°°°°°°Lahat ay nagimbal ng makitang wala ng buhay ang dalawang mabubuting Reyna ng dalawamg kaharian, lahat ay naghihinagpis dahil wala silang nagawa para tulungab at iligtas ang mga ito
Umiiyak si Khael, pero kakaiba ang kanyang itsura ngayon,
Ang kanyang maputing awra ay nabalutan ng maitim na anino at may mga espiritong umaali aligid sa kanyang katawan
Nasa kanyang tabi na din si Kamatayan na handa ng kalawitin ang mga kaluluwang mapapatay ng galit na galit na si Khael
"H-Hindi,"bulalas ni Cain ng makita ang kaanyun ni Khael
Kahit sina Greg at Haring Karry ay ngayon lang nila nakita ang bagong kaanyuan ni Khael lalo na ang magalit ng todo
Patay na din ng mga sandaling iyon si Serafino, nadukot na ni Haring Karry ang puso nito at kinain paea manumbalik ang kanyang lakas at gumaling ang kanyang mga sugat
Bago nagpasyang bumaba at puntahan ang katawan ng kanyang Mahal na Reyna
"Khael, anak, huminahon ka!," saway ni Haring Karry pero pra na itonh bingi
At nabulag n sa sobrang tindi ng galit at poot na kanyang nararamdaman
Nilukuban na ng masasamamg espiritu at elemento ang katauhan ni Khael ng mga sandaling iyon
"Wala dito si Leigh para pigilan siya,"ani ni Mhiya habang umiiyak na yakap ang katawan ng Ina nito,
Nasa tabi din nito ang ama na umiiyak at labis na naghihinagpis sa pagkamatay ng pinakamamahal nitong Reyna
"Tatapusin ko na ang kasamaan mo, Cain!!," sigaw niy matapos niya itong ituro
Mula sa hintuturo ni Khael ay may lumabas na itim na usok papunta sa kinatatayuan ni Cain na ngayon ay naghahanda na para sa mas matindi nilang labanan
Lahat ng masasamang enerhiya na nakapaikot sa katawan ni Khael ay nagwawala
Maraming aswang at kasamahan nila Cain ang kinakain ng mga iyon, na hindi nakaligtas sa mga gutom na enerhiya
"Mamamatay tayo kapag walang pananggala laban sa mga enerhiyang itim at kay Kamatayan,"ani ni Moune na umusal ng orasyon
Ikinulong niya ang lahat ng kanilang kalahi, maliban sa mga kalaban sa loob ng puti at hindi nakikitang pananggala
Lahat ng kalahi nila ay nakahinga ng maluwag ng makitang ligtas na sila sa mga naglulutangang elementong itim
"Ano ng nangyayari kay Khael?," takang tanong ni Haring Karry
"Dahil sa pagdadalamhati at poot,"ani ni Moune,"Hindi na niya napigilang ang maitim na bahagi ng kanyang katauhan, dahil po sa pagpatay sa Reyna ay nagkaganyan na siya at madali ng napasukan ng mga negatibong enerhiya,"
"May pag asa pa ba siya na bumalik sa dati?," tanong ni Mhiya
"Oo,"tugon nito,"Pero mas mabilis sana kung nandito si Yuri Leigh, siya lang ang tanging makakapagpahinahon kay Khael maliban sa inang Reyna,"
Tinitigan nalang nila si Khael na naglalakad papalapit kay Cain, kita ang madilim na ulap sa mukha nito habang tuloy tuloy ang pag agos ng mga luha nito
"Mamamatay kana!," sigaw ni Khael habang walang tigil sa pag iyak ng mga sandaling iyon
Iyak na walang tinig o boses na madidinig, nasa unahan na niya ang kalawit ni Kamatayan
Handa ng ikawit sa kaluuuwa ni Cain para ibalik sa impyerno at doon na mamuhay ng habang panahon dahil sa kasamaan nito
"Kapag namatay na si Cain,"ani ni Moune,"Saka lang babalik sa dati si Khael, sana hindi na ito maulit dahil maaari na niyaa iyong ikaphamak at baka tuluyan na siyang maging isang masamang bampira at aswang, pero kailangan natin magdasal.at maniwala sa kabutihan ng kanyang puso,"
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
HorrorHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...