Chapter 32

572 38 1
                                    


°°°°°°°°°°

Araw Ng Kasal

Nakahanda na ang lahat ng araw na iyon, maging sa lugar ng handaan hanggang sa bahay ng bawat pamilya nila

Ang simbahan ay handa na din ng araw na iyon, punong puno ng ibat ibang uri ng mga bulaklak ang makikita sa labas hanggang sa loob

Lilac at puti ang magkahalong kulay na kanilang napagkasunduan

Ang mga upuan ay nababalutan ng puting tela at ang bawat gilid ay punong puno ng makukulay na bulaklak na halatang pinaghandaan at pinagkagastusan talaga

Nasa loob na din ng simbahan ang mga taong magiging saksi sa pag iisang dibdib ng kanilang manggagamot at ng binatang nakabihag sa pihikang puso nito

Lahat ay masaya, bakapaskil sa kani kanilang mga labi ang ngiti at kasiyahan na masaksihan ang engrandeng kasalang iyon

Nandoon na sa loob ng simbahan si Hernan, hinihintay ang kanyang kabiyak na ilang sandali na lang ay darating na ito

Hindi na siya makapaghintay na masilayan ang kagandahan nito
.
.
.
.
.
.
.
.
Sa Bahay nila Andrea

Nakabihis na ang kanyang Nanay, Lola at ang dalawang ate niya, nakahanda na ang mga ito para ihatid siya sa simbahan

Ang kanyang tiyuhin na kapatid ng kanyang ama ang siyang maghahatid sa kanya sa altar kasama ng kanyang Nanay

Dahil nga wala na siyang ama at higit sa lahat at wala na din siyang lolo na nabubuhay, lahat ay namayapa na kaya ang kanyang mga tiyuhin nakang ang maghahatid sa kanya sa kanyang mapapangasawa

Nakaayos na ang kanyang buhok, pati ang mukha niya ay naayusan na din, may suot din siyang mga alahas na regalo ng kanyang biyenang babae at ng kanyang Lola

Naisuot na din niya ang kanyang trahe deboda, na ang kanyang mapapangasawa pa ang nagpagawa sa Lungsod kasama ang ama nito

"Napakaganda mo, Andrea," bulalas ng mga nakakakita sa kanya

Maganda ang kanyang damit pangkasal, mahaba ang laylayan nito na may bata pang nakabitbit niyon

Ang pagkakabuka ng pang ibabang bahagi ng kanyang damit pangkasal ay kakasya ang apat na katao doon kung magtatago

Ang mga manggas ay mahaba hanggang sa pulsuhan niya pero iyon ay manipis na tela lang na nakikita ang kanyang makinis at maputing balat na kagaya ng sa kanyang balikat at dibdib ay ganoon din

Mahaba ang belong tumatakip sa kanya na aabot hanggang sa dibdib, habang ang buntot niyon ay aabit hanggang sa puwetan niya kasama ang laylayan ng kanyang damit pangkasal

Hawak ang bulaklak s akanyang kanang kamay habang inaangat ang kanyang pangkasal para hindi niya iyon matapakan

Sumakay na sila sa sasakyang pinagamit ng kanilang ninong na isang opisyales ng gobyerno na kaibigang matalik ng ama ni Hernan

Masaya silang lahat habang papunta sa simbahan, tanging ang kanyang ate Mira lamang ang hindi nakadalo sa kanyang kasal
.
.
.
.
.
.
.
.
Simbahan

"Nandito na ang mapapangasawa mo,"anunsiyo ng isang babaing nagbabantay sa labas ng simbahab habang inaayos ang mga batang may dala ng singsing, ang maghahagis ng bulaklak, mga abay at kasama ang mga ninong at ninang

"Ihand ana ang lahat," ani pa ng kapareha ng babaing iyon

Ilang sandali pa ay tumugtog na ang kanta na siyang pinili nilang dalawa, habang nauuna ng maglakad ang mga Ninong at Ninang, kasunod ang mga abay na magkakapareha

Huli na ang mga batang na sinundan naman ni Andrea na inihatid ng kanyang tiyuhin at Nanay

Nakangiti siya habang nakatitig kay Hernan at ganoon din ito sa kanya

Lahat ay nakatingin sa kanilang dalawa na halos hindi kumukurap at nawawala ang mga ngiti sa kanilang mga labi

"Ingatan mo ang aking pamangkin," ani ng tiyuhin niya na nakipagkamay pa kay Hernan

"Opo, tiyo," tugon nito bago nakipagkamay, nagmano at yumakap sa lalaking tumayong ama ni Andrea

"Anak,"ani ng Nanay niya,"Ingatan at alagaan mo ang aming bunso ha? Pakamamahalin mo siya, maging ang inyong mga magiging anak,"

"Opo naman, Nay, pangako po," tugon nito sabay halik sa pisngi nito, nagmano at niyakap ang Nanay nila na mangiyak ngiyak na din

Nakipagkamay din ang mga magulang ni Hernan sa kanyang tiyuhin at Nanay bago siya iniabot sa kanyang mapapangasawa

Ilang sandali pa ay nagsimula ng magsalita ang Pari na magkakasal sa kanila

Pagkatapos noon ay ang mga seremonya na ng kasal ang sumunod, pirmahan ng kontrata sa kasal at ang papalitan ng kanilang pangako sa isat isa habang isinusuot ang singsing

Pagkatapos noon ay kuhaan ng litrato sa bawat pamilya nila, kaibigan, kamag anakan, mga abay at mga ninong at ninang

Bago sila dumiretso sa lugar na kakainan nila ng tanghalian
.
.
.
.
.
.
.
.
Habang nagkakasiyahan sila at sumasayaw ang mga baging kasal ay kanya kanya namang sabit ng pera ang mga bisita nila

Palakihan ng sabit lalo na ang mga ninong at ninang, kasama na ang ilang kamag anakan, tiyuhin, tiyahin, mga pininsan na may pera, at ang kani kanilang mga magulang ay nagkakaisa din

Sa di kalayuan naman ay isang pares ng nagbabagang mga mata ang nakatitig sa kanila, bakatago iton sa madilim na bahagi ng kagubatan na nasa di kalayuan sa kanilang pwesto

Nakangisi ito habang galit na galit ang kanyang  mga bagang, nagtatangis ang kanyang mga ngipin

Naglalabasan ang mga litid sa kanyang leeg, mukha at sa ilalim ng kanyang mga mata dahil sa pinipigilang galit na nararamdaman

Gusto niyang siya ang makauna kay Andrea bago ang mortal na napangasawa nito

At gagawin niya ang kanyang unang hakbang para maunahan ang lalaking minahal nito

Napangisi nalang siya bago nawala sa kanyang kinatatayuan

Dahil sa nararamdamang kasiyahan at kaligayahan, ay hindi na nagawa pang makiramdam ni Andrea sa kanyang kapaligiran, sa kaligtasan nilang lahat

Kaya hindi niya naramdaman ang nilalang na kanina pa nakamasid

Mga tingin na punong puno ng poot, galit at higit sa lahat ay pagnanasa

Wala din ang kanyang gabay, dahil kinausap niya ito na wag muna siyang gambalain ng araw na iton hanggang sa mga ilang araw pang susunod para makapagpokus siya sa kanyang kabiyak at sa kanikang nalalapit na pulot gata

Masayang masaya silang lahat ng araw na iyon na akala mo ay wala ng panganib at pagsubok na darating sa kanilang pagsasama

Hapon na ng mag paalam sila sa kanilang mga bisita at kamag anak maging sa kanilang mga magulang para sa pagluwas sa Lungsod ng hapong iyon para sa kanikang pagpupulot gata

Panay tukso naman ang inabot nila sa mga iyon na ang sabi pa ay galingan ni Hernan para makabuo kaagad sila ng kanilang unang anak

Tinawanan lang nila iyon bago umalis gamit ang sasakyan na ginamit ni Andrea papunta sa simbahan

Inihatid sila ng driver ng kanilang ninong hanggang sa bahay na kanilang tutuluyan ng isang linggo

Doon sila mamamalagi habang wala pa silang balak na umuwi at hindi pa nagsasawa sa kandungan ng isat isa
.
.
.
.
.
.
.
.
ITUTULOY

.....akiralei28

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon