°°°°°°°°°°
Third Person's POV
3pm,
Matapos nilang nakapagpahinga at makabawi ng lakas ay pinulong na sila ng tatlong Pari
"Kailangan na natin malaman kung saan nagtatago ang mga aswang na iyan,"ani ni Father Ramon na siyang pinaka matanda sa tatlo
"Kapag nalaman na natin,"ani ni Father Jose,"Ay direkta na natin silang aatakihin para tapusin na natin silang lahat,"
Nagkatinginan silang magkakaibigan lalo na silang tatlo nina Rohan at Khael
"Mas mainam po iyan, Father,"pagsang ayon ni Kapitan Leo,"Kaysa naman po na maghintay nalang tayo dito kung kailan sila aatake dito sa ating lugar,"
"Sige pagplanuhan natin iyan,"pagsang ayon nalang ng lahat
Matapos ang halos dalawang oras nilang pagpupulong ay dumiretso na sa loob ng simbahan ang taong Pari, kasa ang albularyo at si Martha,
Umuusal ng pambakod na orasyon ang dalawa sa loob ng simbahan habang ang tatlpng Pari naman ay taimtim.na nagdarasal sa harap ng altar
Nakaluhod habang hawak ang kani kanilang mga Bibliya at Rosaryo, sabay sabay silang nagdarasal habang walang tigil din sa pag oorasyon ang dalawa
Habang ang mga taga Baryo naghahanda na para sa kanilang paghahapunan
Matapos na ayusin ang kani kanilang mga anak at sarili, naghahanda naman ng hapunan sina Nanay Nayda at ang ilan pang mga Nanay para sa kanilang lahat
.
.
.
.
.
.
.
.
Sa kabilang Banda,Sa kagubatan na malayo sa Sitio Maligya
Nandoon na sina Mark, Apollo at Cain, tinipon na nila ang lahat ng kanilang mga alagad na mga aswang, nagpa plano na din ang mga ito para sa malawakang pag atake sa kombento at sa buong Baryo
"Ngayong Gabi!," ani ni Mark,"Sasalakayin na natin at patutumbahin ang kanilang mga pinagtataguan!,"
"Panginoon,"ani ng isang aswang,"Ang mga pumatay sa aming kalahi ay ang mga dayo sa lugar na ito,"
"May mga taong Lobo pa po silang mga kasama at isang aswang,"
"Si Prinsipe Khael Moon iyon,"tugon ni Cain,"Ang Prinsipe ng mga aswang at bampira,"
"Kailangan na mailigaw natin sila para mapasok natin ang kombento, nandoon din sina Yuri na tumutulong,"sabi ni Apollo sa kanila
"Laya kayong lahat!," ani ni Mark, na nakatingin sa halos lang libong uri ng mga aswang,"Sabay sabay ninyong aatakihin ang kombento ay ang simbahan! At kayong mga natitira,"turo sa kabilang gilid ng kagubatan, na aabot sadalawang libo,"Kayo sa buong Baryo Masapa at sa mga sakop nitong Sitio
Nag angilan, umungol at umalulong ang mga iyon ng sabay sabay
Alulong na umabot hanggang sa buong Baryo, Sitio at lalong lalo na sa kombento
Kaya napasiksik ang lahat sa gilid ng silid, napaantada ang mga matatanda, mga Madre at Pari, nagkatinginan naman silang lahat dahil sa nadinig na malakas na alulong, mga angil at pag ungol
"Naghahanda na din sila,"ani ni Yuri,"Kailangan natin magpakatatag,"
Tahimik lang ang lahat habang nakaupo sa sahig ng kombento, nasa sala sila ng mga oras na iyon, nakahiga ang ilan sa hita ng kani kanilang mga asawa
Habang silang dalawa ni Khael ay hindi pa din ang uusap
"Tapusin na natin ito!," sigaw ni Cain na bumulabog sa mga bampira na nasa taas ng puno namamahinga,"Kayong mga alaga ko, ubusin silang lahat!,"
Nagsipagbabaan ang mga bampira na nasa itaas ng puno, ang mga itsura ng mga ito ay kagaya na ng sa paniki, nakakatakot at napakabaho ng amoy na sumisingaw sa katawan ng mga ito, na aabot sa tatlong libo ang bilang ng mga iyon, napakadami nila kung pagsasamahin silang lahat
Ibang iba na sila kaysa sa mga anyong bampira na kalahi nila, binago silang lahat ni Cain, dugo ng napakapangit na aswang at dugo ng masamang bampira ang nananalaytay sa mga iyon kaya napakabagsik ng kanilang kaanyuan
"Sasakupin na natin ang buong Baryo Masapa!," ani ni Apollo,"Dito natin ilalagay ang Baryo ng mga aswang!,"
Ungol at pag alulong lang ang sagot mg mga aswang, sa mga bampira naman ay kagaya ng sa paniki ang kanilang mga paghuni
"Sumugod na kayo!," sigaw ni Mark sa kanilang lahat,"Wala kayong ititira kahit na isang humihinga!,"
"Magiging atin na itong buong Baryo Masapa! Dito na tayo maninirahang lahat!,"sigaw ni Apollp sa lahat
"Kaya, SUGOD MGA ALAGAD!," sigaw naman ni Cain sa lahat
Kaya bandang alas singko na ng hapon ay nagmartsa na ang mga aswang at bampira pababa ng kabundukan
Kung titignan mo mula sa mayo ay tila.mga langgam silang nagtipon tipon o para silang mga batalyon ng sundalo na naghahanda para sa gaganaping giyera ng mga sandaling iyon
Ang lahat ng mga aswang at bampira ay umaabot ang kanilang bilang ng sampung libo, habang kakaunti lamang ang kayang lumaban mula sa loob ng simbahan
Handang handa na ang mga aswang at bampira na lusubin ang buong Baryo Masapa lalo na ang mga tao na nasa loob ng kombento
Mga gutom na gutom ang mga itsuramg mga aswang, dahil ilang araw silang ikinulong nila Mark sa loob ng kweba para sa araw na iyon
Sisiguraduhin nila Mark na walang matitira kahit kapirasong laman sa mga buto ng mga mortal na iyon
Pati na din ang mga bampirang aswang na hayok at uhaw sa sariwang dugo ng tao
Lahat ay nauulol dahil sa gutom na nararamdaman nila, wala silang ititirang ni patak ng dugo sa katawan ng tao,lahat ay sasairin nila hanggang sa mabusog sila
Nang matapos ng makapag dasal ang mga Pari ay tumayo na ang mga iyon, napansin din nila na tapos na din gumawa ng mga pambakod na orasyon ang dalawa sa loob
"Ayusin na natin ang lahat ng maaaring pasukan ng mga aswang,"ani ni Father Ramon
"Sige po, Father,"tugon ni Marth,"Tatawagin ko lang po silang lahat para makatulong na din sa atin,"
Tumango lang ang tatlong Pari kay Martha bago umalis para sunduin ang mga lalaking kaibigan nila
Ilang sandali pa ay kasama na nito ang mga iyon, kumuha sila ng malalaking kahoy para iharang sa mga butas na kakasya ang mga aswang
"Ako nalang po ang aakyat,"ani ni Khael, dahil may malaking butas doon sa may bubungan na hindi abot ng mga kasama nila,
"Sige, anak,"ani ni Father Jose, kaya naman kaagad na tumalon paakyat doon si Khael para ipansara ang hawak na malapad at makapal na kahoy
Pero natigilan siya sa kanyang nakita, nasilip niya sa butas na nasa di kalayuan ang itim na mga nilalang na naglalakad na aakalain ng makakkita na mga batalyon iyon ng mga sundalong handang makipagdigmaan
.
.
.
.
.
.
.
.
ItutuloyLumaban na kayo Cain at Apollo
Huwag kating duwag😂😂😂
Plaese leave a Comment or reaction and dont forget to Vote po
Thank you po
.....akiralei28
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
HorrorHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...