°°°°°°°°°°
Sa kailalimang bahagi ng kalupaan, kung saan itinatapon ang lahat ng makasalanan bilang parusaMakikita ang mga taong humihingi ng tulong, mga panaghoy at iyak na punong puno ng pasakit at paghihirap ang madidinig doon
Mga taong paulet ulet na pinaparusahan gamit ang paghihirap at pagsunog sa kanila ng buhay
Na kahit na patay na sila at kaluluwa nalang nila ang naroroon ay nararamdaman pa din nila ang mainit na pagdampi ng apoy sa kanilang balat at katawan
"Maawa kayo sa amin!,"sigaw ng mga taong nasa dagat dagatang apoy na nalulunod at naliligo
Paulet ulet silang namamatay sa mainit at naglalagablab na apoy, nalalapanos ang bawat nalat nila hanggang sa matira nalang ang kanilang mga buto unti unti na ding nalulusaw hanggang sa humalo sa dagat dagatang apoy
Pero ilang sandali lang ay mabubuo ulet sila at magtatrabaho para sa mga bantay na demonyo sa kanila
Magkasala at ayaw magtrabaho ay ihuhulog sa naglalagablab na apoy para mamatay ulet at maranasan ang matinding parusa para sa kanilang mga makasalanan
Ang mga kaluluwa ay kanilang pinaparusahan at minsan ay pinaglalaruan kapag nababagot sila
Ang mga kaluluwang lumilipad ay tinutusok nila ng kanilang sandata na katulad ng sa tinidor
Ang iba naman ay hinahati sa dalawa ang katawan, namamatay, bubuuhin at haatiin muli para iparanas ang sakit at paulet ulet na kamatayan
May iba din na hinahati hati at pinagpuputol putol ang bawat parte ng katawan, mamatay ang kaluluwa, bubuuhin ulet at pagpuputol putulin ulet bilang parusa sa mga ito
Mga kaluluwang walang magawa, dahil sa paulet ulet nilang nararanasan ang kamatayan at pagpapahirap sa kanila
Pinagtatawanan lang sila ng mga demonyo dahil sa nakikita ng mga ito ang kanilang mga paghihirap
Sa di kalayuan ay may tatlong kaluluwa na nakakulong habang nagmamasid sa buong kabuuan ng impyerno na kanilang kinalalagyan
"Kailangan natin makatakas at makabalik sa lupa," ani ng isang kaluluwa ng magandang babae
"Pero paano?," tanong naman ng medyo bata sa babaing iyon
"Akong bahala," ani nito na ikinangiti naman ng dalawang kasama,"Kailangan natin silang balaan at tulungan,"
Tumango lang sila bilang pag sang ayon sa dalawa nilang kasama
Sa may bandang kanan ay may isang nilalang na ubod ng panget at nakakatakot ang itsura
May dalawang sungay na kagaya ng sa kalabaw, mga ngipin na matatalas at matatalim na nakalabas sa malaking bibig nito na kasya ang ulo ang isang ulo ng tao
Mga matang mapupula na tila nag aapoy, na halos isang dangkal ang laki ng mga iyo, wala iyong ilong maliban nalang sa dalawang butas na nakadikit sa mukha nito
Mga tainga na kasing haba at laki ng isang buong braso ng sanggol na may mga malilit nilalang na nakadikit
May labing nagbibitak na tila tuyong tuyo kung titignan, napakalaki ng katawan nito na kasing lapad ng isang buong kwaryo, may taas naman ito na umaabot ng halos limang palapag ng gusali
Sa kaliwa nito nandoon ang pitong prinsipe ng impyerno, kasama si Mark na pilit na binubuhay muli ng ama nito na isa sa pitong Prinsipe at ang ama nito na siyang pinaka makakataas sa pitong Prinsipe na nakatingin sa tatlong nilalang na nakakulong
Nasa isang trono nakaupo ang demonyo na halos mas malaki sa kanila ng sampung beses
Nakangisi ito habang nakatingin sa dalawang kaluluwang bihag nila at sa mga taong namatay na doon itinapon at hindi tinanggap sa langit
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
HorrorHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...