°°°°°°°°°°"Grabe naman lo ang nangyari sa buhay ni Lola Andeng,"komento ni Anthony habang inaabutan sila ng meryenda dahil hapon na iyon at maulan pa din ng mga oras na iyon
"Oo nga eh,"ani ni Megan,"Pati ang anak nilang walang kamalay malay, hinalay noong Alberto,"
"Tama kayo,"ani ng Baylanang si Moune na nakatingin kina Yuri habang humihigop ng mainit na kape,"Sobrang hirap ang kanyang dinanas sa kamay ng demonyo,"
"Pati asawa niya pinagtaksilan siya,"ani ni Nena,"Apat na nga anak anak nila tapos niloko pa siya. Hay naku, kapag sa akin ginawa yan ni Manuel, mukha lang niya ng walang latay, pati kaligayahan niya patay sa akin at tiyak putol pa,"
"Oh, bakit nasama ako diyan?," angal ni Manuel,"Kahit kailan hindi kita lolokohin at ipagpapalit, pangako,"
Kinatiyawan naman sila ng kanilang mga kasama habang nagsasalo salo sa kanikang meryenda
"Mukhang ilang araw pa itong pag ulan ah,"ani ng Amang Lobo na si Ganu habang nakamasid sa labas ng kanilang bahay
"Oo nga po,"pagsang ayon ni Rohan
"Maupo na kayo at itutuloy ko na ang kwento,"ani ni Moune kaya balik na ulet sila s adati nilang pwesto
Nakinig habang inaabangan kung ano na ang nangyari sa buhay ni Lola Andeng at ng bunsong anak nito
.
.
.
.
.
.
.
.
Isang Linggo ang LumipasMatapos makapanganak ni Andrea at makabawi ng lakas ay inayos na niya ang gamit ng kanyang bunsing anak na si Maria
Balak niya itong ilayo sa Baryo Masapa para hindi makita at mahanap ng ama nitong si Alberto na isang demonyo
Alam niya na gagamitin nito si Maria sa kasamaan kapag natuto na itong manggamot at natuklasan na nito ang kakayahan lalo na ang dalawang gabay nito na hindi ordinaryo
Ibibigay niya ito sa kanyan ate Mira na noon ay kapapanganak lang din nito sa bunsong anak na lalake
Matapos mabinyagan at madasalan ng ilang mga manggagamot at albularyo ay ibiniyahe na niya ang anak sa Baryo ng ate Mira niya
Ikaapat na Baryo iyon mula sa Baryo Masapa, doon alam niya na ligtas ito dahil mas marami ang manggagamot na nakatira doon
.
.
.
.
.
.
.
.
Araw ng LinggoBumiyahe na siya papunta sa Baryo ng kanyang nakatatandang kapatid
Baon ang mga gamit at perang natira sa pinagbentahan niya ng kanilang lupain ay sinadya na niya ito
"Ate Mira,"tawag niya ng makarating sa harapan ng bahay nito
"Andeng?,"gulat na bigkas ni Mira
"Ate,"napabulalas ng iyak si Andrea ng makita at makaharap ang kanyang ate Mira, napayakap kaagad siya dito ng mahigpit
Ganoon din ang ginawa ni Mira, niyakap ang kaisa isang kapatid na halos ilang taon ng hindi nakikita
"Kamusta kana?," tanong nito si kanya na hinawakan pa ang kayang magkabilaang pisngi
"Ate,"iyon lang ang nasabi niya at nagpatuloy sa pag iyak
"Tara sa loob," yaya sa kanya nito, wala doon ang asawa nito dahil kapag araw ay nasa bukid nila ito,"Maupo ka muna, Isay kunin mo muna itong pinsan niyo," utos nito sa ikaapat na anak
"Opo, Nay,"agad nitong kinuha si Maria sa kanyang mga bisig habang inaabutan siya ng maiinom ni Mira
"Anong nangyari sayo, bunso?," tanong nito,"Nasaan na sina Nanay? Lola at sina ate? Pati si Hernan? At ang mga anak mo?" tukoy nito sa dalawang pinsan na inampon nila
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang: The Last Season ✔💯
HorrorHeto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinaharap Ang mga dating kaibigan ay magkikita kita At ang mga nakatagong lihim ay mabubunyag na Kaya tara at samahan natin ang ating mga bida sa pa...