149 she's engage

91 13 25
                                    

narinig ni sakuragi na tumunog ang message alert tone ng cell phone nya, saglit nyang nilingon ang phone at nakita nya ang message ni haruko,.

binitiwan ni sakuragi ang ginagawa at kinuha ang cell phone na nakalagay sa ibabaw ng table, para basahin ang message ni haruko,.

message from haruko*

happy 18th birthday to my one and only best friend hanamichi, i love you and best wishes :) 

napangiti sya habang binabasa ang message ni haruko, nagtype sya para replyan ang message ni haruko,.

reply to haruko*

salamat sa pagbati haruko",. 

matapos nyang naisend ang message malungkot na ibinalik nya ang cell phone kung saan nya ito kinuha at nagpatuloy sa ginagawa,.

pilit nyang ibinabalik ang isip sa ginagawa, pero hindi nya pa rin mapigilan na maalala ang nakaraang kaarawan kung saan kasama nya si haruko at masayang ipinagdiriwang ang kanyang birthday,.

masaya akong naaalala mo pa rin ang birthday ko, haruko",. sabi ni sakuragi sa isip kasabay ng pagpilig sa ulo at ipinagpatuloy ang ginagawa,.

***

mabilis na lumipas ang mga araw, nakabalik na si mei sa japan at naghahanda na lahat para sa nalalapit na pasukan,.

sa panig ni haruko at sakuragi,.

mabuti naman at nakipagkita ka sa akin ngayon hanamichi",. sabi ni haruko habang magkaharap sila ni sakuragi na nakaupo at umiinom ng juice sa isang tea house,.

bakit ba kasi gusto mong makipagkita sa akin"?,.
ganon mo na ba ko ka miss ah' haruko"?,.
ano nagsasawa ka na sa mukha ng syota mong hari ng yabang"?,.  

huh",.
ikaw talaga hanamichi ang tagal nating hindi nagkita pero hindi pa rin nagbabago yang kadaldalan mo",.  

nyahahaha",. wag mong sabihin sa'king nasanay ka na sa katahimikan ng syota mo",.
naku haruko baka mapanis yang laway mo mamamaho yan, ikaw rin",.  

ikaw talaga hanamichi",. inis na sabi ni haruko sabay pukol ng tissue sa kanya,.

nyahahaha",. tawa nya ng pukolin sya ni haruko ng tissue,. 

naku naman haruko baka mabukulan ako sa binato mo ah",. 

sana nga nilagyan ko ng bato para siguradong magkabukol ka",. 

hahaha",. sabay nilang tawa,.

kung alam mo lang haruko kung gaano ako kasaya ngayong kasama kita ulit",. sabi ni sakuragi sa isip habang nakatingin kay haruko,.

hanamichi may ibibigay ako sayo at may ipapakita rin ako",. 

natigil sa pag-iisip si sakuragi ng marinig ang sinabi ni haruko,.

ano yun haruko"?,. 

kinuha ni haruko mula sa gilid ng inuupuan ang isang paper bag,.

heto hanamichi",. sabi ni haruko habang iniaabot ang paper bag,.

pasensya ka na kung ngayon ko lang yan naiabot sayo, masyado ka kasing busy, saka sabi nila mito nasa tokyo ka daw",.  

kinuha nya ang paper bag na ibinibigay ni haruko at tinignan ang loob habang nagsasalita ito,.

huh",. salamat sa regalo haruko, pero hindi ka na sana nag-abala",. sabi nya ng makita ang kahon ng basketball shoes sa loob ng paper bag,.

hindi ahh",.
hanamichi alam mo ba matagal na kitang gustong bigyan ng ganyan kaya talagang pinag-ipunan ko ang ipinang bili ko nya kaya sana gamitin mo yan ah' gusto ko makitang ginagamit mo yan",.  

i love my reboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon