36 selfish

123 12 9
                                    

sa gym,. 

nilapitan ni rukawa si haruko na nakaupo pa rin sa bench,.

ayos ka lang ba"?,. 

tumingin sya kay rukawa, saka tumango,.

uminom ka muna ng tubig, ako na muna ang bahala sa team",. 

tumango si haruko, at nagpikit ng mata,.

sige maiwan na muna kita dyan",. sabi ni rukawa saka bumalik sa court,.

tumango si haruko,.

nakakahiya kay rukawa, hindi ko manlang sya masagot ng maayos, puro tango lang ang kaya kong isagot sa kanya. samantalang kanina ng si hanamichi ang kaharap ko ang dami kong sinabi, bakit kasi ganon si hanamichi ano bang nangyayari sa kanya"?,. sabi ni haruko sa isip habang nakapikit,.

alam kong nagsisinungaling si hanamichi kanina, alam kong hindi tutoo ang sinabi nyang lilipat sya ng school, naramdaman ko na pag-umalis sya hindi na kami ulit magkikita kahit kelan, kaya please sakuragi, wag mo kong iwan",. sabi ni haruko sa isip,.

gusto ko sanang malaman kung bakit sya nagsinungaling sa akin, pero alam kong galit pa sya sakin, dahil siguro hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol sa amin ni rukawa, pero' sana naman,. sana" maunawaan ako ni hanamichi",. sabi pa ni haruko sa isip na hindi namamalayan ang pagtulo ng luha,.

tsk",. akala ko tapos na syang umiyak, hindi pa pala",. inis na bulong ni rukawa sa sarili ng mapansin ang paghikbi ni haruko,.

naaawa ako kay haruko, siguradong masama ang loob nyan, ngayon lang sila nagtalo ng ganyan ni sakuragi eh",. sabi ni ishi na katabi ni rukawa,.

tumingin si rukawa kay ishi,.

pero bilib ako sa tapang ni haruko, nung sinabi ni sakuragi na galit na sya, hindi manlang natakot si haruko",. sabi ni kuwata,.

sige na practice na ulit, tama na yang chismisan ninyo",. sabi ni rukawa,.

ah' oo sige",. sabi ng mga team mates nya, at sinimulan na nila ang practice ng basketball,.

nang matapos ang practice game, nilapitan ng mga player si haruko para humingin ng bimpo at tubig,.

mukhang nakatulog si haruko kakaiyak ah, hayaan na muna natin sya diyan, doon nalang tayo sa kabila",. sabi ni ishi,.

oo wag nating istorbahin si haruko, baka magalit",. sabi ni rajui,.

rukawa ikaw na muna bahala dyan kay haruko doon nalang kami sa kabila",. sabi ni ishi,.

sige lang",. sagot ni rukawa sabay tango,.

natapos na ang practice game ng team hindi pa rin nagigising si haruko,.

rukawa mauna na kami ah ikaw na bahala kay haruko",. sabi ni ishi,.

tumango si rukawa habang nakaupo ito sa tabi ni haruko na natutulog sa bench,.

ilang sandali ang lumipas, natapos na din maglinis ang mga freshman ng team,.

vice uuwi na kami, pano kayo ni haruko dito",. tanong ni hidoyoshi,.

sige na umuwi na kayo gabi na",. sabi ni rukawa,.

sige bukas nalang ulit",. sabi ni raiju saka sila naglakad palabas ng gym,.

sila rukawa at haruko nalang ang tao sa gym, malayang napagmasdang ni rukawa ang natutulog na mukha ni haruko,.

mukha syang angel na natutulog, kung sa bagay kahit hindi naman sya natutulog maganda talaga ang girlfriend ko",. nakangiting sabi ni rukawa sa isip habang pinagmamasdan si haruko,.

i love my reboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon